Chapter 6

119 69 59
                                    

Closeness

Feel ko ay para nang ketchup itong mukha ko sa sobrang pula.

"Oh, sabi ko na kayo 'yan eh." Napalingon ako kay Mommy na nasa labas lang pala.

"Ah opo, hinatid ko lang po si Ashrielle," sambit ni Cael.

"Dito kana mag gabihan, Cael."

Tumingin muna siya sakin bago tumango kay Mommy. Bago ko binuksan yung pinto, tinignan ko muna kung may sasakyan, nang makita kong wala binuksan ko na ito.

"Saan nga pala kayo galing at ganyan ang suot niyo?" Tanong ni Mommy dito sa hapag kainan. Hindi namin kasama si Daddy kasi mago-overtime raw sa work then si Ashton naman wala pa, gumala siguro.

"Kawasan Falls po Tita," ani Cael habang kumakain.

Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Mommy, akala niya siguro magkasama kaming gumala roon.

"Mommy, nagkita lang kami roon. Kasama ko sila Zaphire then kasama niya mga kaibigan niya." Pagkla-klaro ko kay Mommy. Bigla naman itong ngumuso.

Hindi naman naging awkward ang kainan namin kasama si Cael. Ang daldal ba naman ni Mommy.

"Anak, ihatid mo na si Cael sa labas at doon na muna ako sa kwarto, may gagawin pa ako. Cael, ingat sa pag uwi ha?" Tumango si Cael at nagpaalam na kay Mommy. Lumabas kaming dalawa na tahimik lang.

Papasok na sana siya sa sasakyan niya ng hinarap niya ulit ako.

"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko rito.

Umiling naman ito kaagad "Gusto ko lang ulit mag sorry sa kanina, hindi ko sinasadya," sincere na sambit niya.

Tumango ako at ngumiti "No worries. Ayos lang."

Ngumiti naman ito na para bang lumuwag na ang pakiramdam "Sige, see you tomorrow?"

Tumango ako habang nakangiti "See you tomorrow."

Maaga kaming pumasok kinabukasan. Medyo nagkakasundo na kami ni Cael, wala nang nagopen ng topic tungkol doon sa nangyari kahapon. Ayoko rin namang buksan dahil sobrang awkward talaga.

"Tara sa music room, Ashrielle. Namimiss ko na mag piano." aya sa'kin ni Aika. Agad naman akong tumango, namimiss ko na ring kumanta.

"Tara tara."

Namimiss ko na kumanta, yung talagang contest. Grade 7 pa yata yung last na contest ko.

Pagkapasok namin sa music room, sobrang linis at ayos ng kagamitan. Mayroong ispiker, mikropono, gitara, piano at marami pang ibang gamit sa paglikha ng musika.

Pumunta naman agad si Aika sa piano.

"Tara duet, namiss ko 'to," sambit niya at umupo na sa tapat ng piano.

Nagsimula na siyang tumugtog. Someone you loved ang pinapatugtog niya. Umupo naman ako sa harap niya. Bilib talaga ako kay Aika pag dating sa pagpiano. Sobrang linis.

Nagsimula na akong kumanta. Hindi ko alam kung maganda pa ba ang boses ko pero ngumiti naman sa'kin si Aika kaya pinag patuloy ko ang pagkanta.

Humahawak ako sa aking tiyan kasi iyon ang aking nakasanayan tsaka dito rin kasi nang gagaling ang bawat pagkanta ko.

Feel ko ay naka mic ako dahil nag e-echo ang bawat pag kanta ko rito. May mic dito pero bawal gamitin, actually bawal nga pumunta rito pag walang permiso pero dahil miss na ni Aika 'to, walang makakapigil sa kanya.

"Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all.."

Sana lang ay walang makarinig sa pagkanta ko rito, feel ko ang lakas ng boses ko. Ang taas nito eh.

Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon