Chapter 4

2.2K 72 0
                                    

MY DAD's wish was granted. We successfully had our lunch and dinner at a fine dining restaurant.

After that, Zach send me home and of course, we can't bid goodbye without a dessert. We did it three times that day.

First, inside his car. Second, in my room. Lastly, in the bathroom.

Kinaumagahan ay dinatnan na ako ng aking buwanang dalaw. Tinawanan ko nga ang reaksyon ni Zach nang ipinaalam ko na mayroon ako at hindi kami pwedeng magkaroon ng contact.

Nawiwili na siya... at ganoon din ako. Hindi ako makapaniwala na humantong ako sa ganito. I don't know but I feel grateful about our setup.

Zachary cultivates me how to learn new and wild things. Kung hindi sa kaniya, ewan ko na lang, baka hanggang ngayon ay nagluluksa pa ako dahil sa pagkamatay ng walang kwentang relasyon namin ni Duke.

"Trin, are you coming with us tonight?" tanong ni Lea.

Sumisip muna ako sa straw ng aking milk tea, "oo naman," sagot ko. Nandito kami ngayon sa loob ng milk tea house sa tapat ng condominium na tinitirahan ko.

I'm with Lea and Chloe. "Same spot?" tanong ko.

"Oo naman. Sayang ang discount eh," sagot ni Chloe.

"Kahit kailan talaga mga buraot kayo. Nakakaumay na sa bar na 'yon. What if," kumagat ako sa Spanish bread ko, "—we'll try a new restaurant."

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumingin sa akin. May ngising nakakaloko na naglalaro sa kanilang mga labi.

I arched my left brow. "What?"

"It's just me or what. There's something in you, that we can't understand. Usually ikaw lagi ang nagsasabi ng 'sayang ang discounts'. 'Tapos ngayon, you're suggesting that we will try other bars? Wow. Pretty amazing," wika ni Lea.

I rolled my eyes. "Kung anu-ano ang napapansin niyo. Ano? Payag ba kayo sa suhestyon ko?" sumisip ulit ako sa aking milk tea.

"Ay kita mo," itinuro ako ni Lea at saka tumingin kay Chloe. Magkatabi kasi ang mga ito, "—iniiba niya talaga ang usapan, 'no?"

"Oo nga," pag sang-ayon naman ng isa. Napatirik na lang ang aking mata.

"Baka naman may gusto kang i-share diyan," ani Chloe.

Natawa ako. "Alam niyo... ubusin niyo na lang 'yang mga inorder niyo at nang makauwi na tayo."

Sumimangot ang mga ito ngunit ipinagpatuloy na rin ng mga ito ang pag-ubos sa mga pagkain nila. Bakit ko ba naging kaibigan ang mga ito. Mga isip bata. But honestly, I'm so thankful to have them by my side. We've been friends for seven years. I met them when I was in college.

We don't have a perfect friendship. Hindi nawawala ang pikunan, awayan, walang pansinan at minsan umaabot pa 'yon ng dalawa o tatlong araw o isang linggo. Sa aming tatlo, ako lang talaga 'yong mahirap mapikon at hindi matampuhin. 'Yang dalawa, naku, parang five years old kung umasta kapag nagtatampo. May pa-iyak iyak effect pa.

Mas close ako kay Lea. Kasi halos lagi ko itong nakakasama. Si Chole kasi ay laging my trip abroad. Dahil sa sumakabilang buhay ang daddy niya last year, kaya naman naiwan sa kaniya ang responsibilidad para asikasuhin ang mga negosyo nila. And most of it were located outside the country. Chloe is half Aussie, half Filipina—her mother died when she gave birth to her.

All of us had one thing in common. We're the one and only successors of our parents.

SUMANG-AYON DIN ang dalawa sa aking plano. Aarte arte pa kasi ang mga ito. Sasama lang din naman. Napagkasunduan naming pumunta sa ZXC Bar and Restaurant.

The Secretive Mafia CaptainWhere stories live. Discover now