UMUWI SI Zach nang makaligo kami. At ang halimaw na 'yon, nakipagtalik ba naman sa akin nang tatlong beses sa loob ng banyo. What a beast. Ang hapdi tuloy.
Alas otso ng umaga ay sinundo ako nila Lea at Chloe. Inaya ako ng breakfast sa restaurant nila Lea. At ang mga bruha hindi nila ako tinantanan ng mga katanungan nila. Hindi ko naman sinagot ang mga ito. sinabihan ko sila na after ng breakfast na lang. Pupunta rin naman sila sa condo ko.
Dad called too and said that I had a trip abroad for business matters. Sabi ko nga ayaw kong pumunta but he blackmailed me and said that I will not inherit any single pound on our company. As if, he could do it. Knowing mom? Andres de saya naman si Dad eh, and Mom loves me kaya hindi magagawa ni Dad ang banta niya.
Kaya naman, If I said no, then it's a no. Dad do the business thing on that trip.
Oo ako na matigas ang ulo. You can't blame me, I hate business. When I was young, I always wanted to be a doctor, but it turns out I became a business woman.
Wala namang masama sa pagiging business woman, kasi nga parents ko mga business tycoons. But I had a dream too. Masakit sa pakiramdam na 'yong gusto mong gawin ay hindi mo magawa dahil sa ayaw ng mga magulang mo. They always said, they want the best for me. Yeah, their best, not mine. Ako ang may hawak sa kapalaran ko, hindi naman sila eh. Ngunit pinalagpas ko na lang iyon dahil sa mag-isa lang ako na magmamana sa mga ari-arian nila.
Dahil nangyari na ang lahat at hindi ko na maibabalik, what I did is, I just invest on different hospitals. Para sa gayon ay parang naabot ko na rin ang one-third sa aking pangarap.
Sabagay kung gugustuhin ko naman ay pwede pa naman akong mag-aral. Pero hassle naman sa time. I'm already twenty-five, at my age, dapat may asawa't anak na ako. Payak akong natawa sa palaisipan na 'yon.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" nakakunot-noong tanong ni Lea. Magkatapat kaming nakaupo at sa tabi naman niya ay si Chloe. Hinihintay namin ang aming orders.
"Wala."
"Talaga? Hoy bruha, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina sa loob ng kotse.
Tumaas ang kilay ko. "And that would be?" pakunwari ko.
"Oh, c'mon. Huwag mo kong acting-an ng ganiyan." Reklamo nito at napahalukipkip.
"What's your question again?"
She rolled her eyes. Natawa naman si Chloe. "Ang tanong namin, ano ang namamagitan sa inyo ni Zachary Mon Beaumont Ferron?"
Uminom ako sa baso ng tubig. "Nothing," I replied.
"Nothing?" pag-uulit nito.
"Oo. Nothing as in wala. Bakit meron ba?" tanong ko, kunwari ay nagtataka.
Natawa ito. "Wow, nothing pala." Hinarap nito ang katabi. "Nothing daw, Chlo," sarkastiko nitong sambit.
"At pwede ba, huwag natin pag-usapan 'yan. May kasalanan pa kayo sa akin. Iniwan niyo ako sa bar nang mag-isa."
Nakahinga ako nang maluwang nang dumating na ang inorder namin.
"Iniwan ka namin dahil sinabihan kami ni Zach mo na siya na ang mag-uuwi sa 'yo. Ayaw naman naming umuwi e, pero dahil sa charm ni Zach-"
"I didn't know that you know Zachary," I cut in. I sliced my beef steak.
"Duh, sino ba ang hindi nakakakilala sa kaniya. Sa gwapo niyang 'yon? Siya ang talk of the town when it comes to woman. At nagulat nga kami that time kung bakit nilapitan niya kami," sagot ni Chloe.
"Kahit na. Sana hindi niyo ako iniwan." Isinubo ko ang sliced steak ko.
"Hindi naman dapat. Ngunit tataasan daw niya ang investments niya sa company namin. Sino pa ba ang hindi papayag sa ganoong offer?"
YOU ARE READING
The Secretive Mafia Captain
RomanceTrinity Louie Rojas unexpectedly fell in love with the CEO of ZF Group of Companies. The richest bachelor in town and the Caporegime of a dangerous organization called Mafia. *** Trinity got her first heartbreak the moment Duke cheated on her. Broke...