"IT'S IMPOSSIBLE that I can make Zach fall for me," matamlay kong saad.
"What? Of course, you can," said Lea as she sat down beside me.
We're inside my condo and it's past three in the afternoon already. We just had a movie marathon and a girl's talk. Aalis daw ang mga ito before five o'clock.
"Bakit mo naman nasabing imposible?" tanong naman ni Chloe.
Kinuha ko ang baso na may lamang juice at uminom. "Well, first, Zach really hate commitment. Una pa lang alam na natin 'yon. Second, I don't know why he hate it," ani ko at natawa.
Binato naman ako ng mga kaibigan ko ng hawak-hawak nilang biscuit. "Siraulo," wika ni Lea.
"Malamang natatakot masaktan. Few, thinks that if they enter a commitment, it seems like they were burying their self. You know, iniiwasan nilang masakal," paliwanag ni Chloe.
"Masakal? Those men have no balls," said Lea, with bitterness on her voice.
"Well, it's half way of the truth, why... they don't want it," said Chloe.
"Bakit ba ganiyan ang topic natin?" tanong ko at napailing.
"Abà, ewan ko?" taas-kilay nitong tanong. "Hindi ba't ikaw ang nagsimula? Sabi mo imposibleng mapaibig mo si Zachary Ferron. 'Tapos ngayon, tatanungin mo kung bakit ganito ang naging takbo ng usapan?" ani Lea.
Tumawa naman ako. Gaga talaga 'tong babaeng 'to.
"Ah ganoon ba?" pakunwari ko. And for the second time, nabato na naman ako ng biscuit. "Kayo naman, 'di na mabiro. Oo na. susubukan ko na. Pero ayaw ni Zach ng babaeng masyadong madikit. You know, the clingy," binigyan ko ng diin ang huling salitang sinabi ko, "...type thing."
"Sus... diskarte mo na 'yan. Besides, 'di ba kasapi niyo na siya sa negosyo. Make it as the chance for your own sweet agenda," said Lea and winked at me.
"Sweet agenda? Kabaliwan mo Lea sabi mo ah," ani naman ni Chloe.
Binato ni Lea ang kaharap ng isang biscuit, "Kontrabida."
Pinalo ko naman ito, "Ikaw naman Lea, grasya 'yang ibinabato mo. Hindi 'yan laruan, uy."
Hindi ito nagsalita at umirap lang. Tumayo naman ako at nagsimulang magligpit sa mga pinagkainan namin. "At puwede ba, huwag niyo nang hintayin na mag-alas singko. Magsi-uwi na nga kayo."
"Bakit mo kami itinataboy? Dahil pupuntahan ka ni Zach dito?" nakangising tanong ni Chloe. Muntik ko nang malaglag ang hawak kong tray.
"Says who?" I asked.
"Your phone," Lea answered.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong hawak hawak ni Lea ang cellphone ko. Dali-dali kong inilapag ang tray sa ibabaw ng glass table atsaka dinakma ang cellphone ko kay Lea.
"Geez, what happened with the word privacy?" naaasar kong tanong.
Tumayo naman ito at humalakhak, na sinabayan naman ni Chloe sa pagtawa. Remind me why I do have crazy friends like them?
"I can't believe this," wika ni Lea at napailing. Kinuha nito ang sling bag at isinabit sa katawan. Tumingin ito sa akin. "Zach is really into you, girl."
"Siraulo kayo. Baka may sasabihin lang about sa business expansion na napag-usapan naming dalawa noong isang araw. Don't jump into conclusions," I said.
"Oo nga naman Lea. Para kang timang. Kung anu-ano iniisip mo," sang-ayon naman ni Chloe. Linapitan nito si Lea at hinila ang braso. "Tara na nga. Baka maabutan pa natin si Zach. Mawawalan sila ng privacy nitong maganda nating kaibigan. Ikaw din baka matuyo siya at 'di madiligan ngayon."
YOU ARE READING
The Secretive Mafia Captain
RomanceTrinity Louie Rojas unexpectedly fell in love with the CEO of ZF Group of Companies. The richest bachelor in town and the Caporegime of a dangerous organization called Mafia. *** Trinity got her first heartbreak the moment Duke cheated on her. Broke...