Twenty Seven: Too Bad

56 2 0
                                        

'Too bad he's not gonna be yours.'

~~~~~~~~~~~~~

*KIHARAH PARKER GOMEZ*

"Let us all welcome, the winners of this year's Cabal Tournament. The Grim team!" Nagsiyuko kaming anim kasabay nang pagpalakpak ng mga estudyante sa baba ng entablado.

Lunes at nagsimula na naman ang panibagong linggo. Inianunsyo ng bagong headmaster ang pagkapanalo ng aming grupo sa naganap na Cabal Tournament noong nakaraang linggo kaya't narito kami ngayon.

Matapos ang nangyareng assembly ay pinabalik na kami agad sa kaniya-kaniya naming klase.

"Babes, samahan niyo muna ako. Kailangan ko magpalit ng uniform," ani Neah kaya't sumama kami pareho ni Lorriene sa kanya.

Katatapos lamang niya makipaglaro ng volleyball sa ibang year kaya't suot niya pa ang P.E. uniform niya nang tawagin kami kanina.

"Saglit lang ako." Pumasok na sa isang cubicle si Neah kaya't sumandal na lamang ako at naghintay. Bahagya ko pang sinipat ang repleksyon ko sa salamin kaya't napansin ko si Lorriene maging ang nakakapagtakang ikinikilos niya. Nakayuko siya at parang iniiwas ang tingin niya.

"Yen, are you okay?" tanong ko sa kanya. Bahagya siyang nag-angat ng tingin at humarap sa akin pero kaagad rin itong lumingon palayo. Halata pa ang pagkagulat sa mga mata niya na parang may nakita siyang nakakatakot.

"Yen. May problema ba?"

"Wala. A-akala ko lang may dumaan," sagot nito at hindi na muling lumingon sa kinatatayuan ko.

"Sa likod ko?" tanong ko pang muli at saka muling nilingon ang salamin.

"Ayos ka lang, Yen? Is there something bothering you?"

"W-wala naman. Mauuna na akong lumabas. Balik na 'ko sa room," anito at mabilis nang binuksan ang pinto at halos patakbo pa siyang umalis.

Panandaliang kumunot ang noo ko dahil sa ikinikilos niya pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

"Harah babes." Lumabas na si Neah suot ang kanyang uniporme.

"O, nasaan na si Yen?"

"Mauuna na daw siya sa room. Tara na din, Neah." Hawak ang kamay niya ay umalis na rin kami at bumalik sa classroom.

Naupo ako at prenteng sumandal sa bangkuan ko. Muli kong nilingon si Lorriene at pinagmasdan.

Something's wrong. I can feel that.

"Hey, Harah babes." Tinapik ako ni Neah at saka siya mas lumapit.

"Punta tayong Dark Cabal mamaya," aya pa nito.

"Why? May gagawin ka ba do'n?"

"Hindi ba ang sabi nila kasama sa prize ang makapasok tayo sa Dark Cabal kahit kailan natin gusto?"

"Don't we need to ask for permission first?"

"Bakit pa? E, napanalunan naman na natin 'yon. At saka 'di ba ang sabi mo may gusto kang puntahan doon?"

"Yeah." Iyong library kung saan ko nabasa ang tungkol kay Chick at kay Somara.

"So, let's both go. May gagawin si Ryu at paniguradong hindi niya ako papayagan magpunta doon nang mag-isa so tayo na lang. Tatanungin ko rin si Yen." Tumayo na siya at agad na nilapitan ang tahimik na si Lorriene.

At nang pumayag ito ay tumango na lamang din ako para sumama sa kanila.

Hapon, matapos ang klase ay sabay-sabay na kaming umalis at tinungo ang Dark Cabal. Naghanap pa kami nang maaari naming sakyan dahil sa may kalayuan rin iyon. Mabuti na lang at nagawang tumawag ni Neah kay Tita Arinne at napasundo niya kami papunta sa organization.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon