"Babe, happy 3rd year anniversary!"
Nagising ako dahil sa ingay na yun. Pagmulat ko nang mata ko ay natagpuan ko si Lukas sa dulo ng kama ko.
He's wearing his beautiful smile.
Bumaba ang tingin ko sakaniyang hawak. Cake.
"Babe..."
Bumalik ang tingin ko sa kaniya na dahang dahan na naupo sa tabi ko.
Bumuntong hininga siya at inilagay ang cake sa harap ko.
It says, Happy 3rd Anniversary Lukas and Vanness!
Dun lang nagsink in sakin ang lahat. Yeah, 3 years na pala kami.
At sa 3 years na yun, isang buwan na simula nung maging malamig kami sa isa't isa.
Ay hindi, siya lang pala yun.
"V..."
I can't look straight into his eyes. Hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko at iginiya niya ang mukha ko para tignan siya.
"V, I'm sorry. I know, paulit ulit. At ang salitang 'sorry' ang pinaka-ayaw mong pinapaulit ulit na banggitin pero gusto ko paring sabihin. Kahit panghabang buhay akong hihingi ng tawad. Basta, mapatawad mo lang ako, V."
Sorry. Sorry na naman. Wala na ba akong ibang pwedeng makuha sa relasyon na to kundi paghingi ng tawad?
Pucha.
"Okay..."
Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa katawan ko.
Gusto kong umiyak pero wala akong makitang dahilan.
Walang makitang dahilan?
Tanga ka, Shann Vanness. Alam mong lahat nang nakita mo at sinasabi niya, dahilan na yun para maiyak ka.
Naramdaman ko nang humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti. Halata rin sa kaniya ang tuyong luha niya na agad ko namang ipinag-alala.
Nagawa mo pang mag-alala, ha?
"Tara, kumain?"
Tahimik kami buong oras na ipinaglalagay niya ako ng cake sa plato ko habang ako naman ay pinagmamasdan siya.
Natutuwa ako kasi nagagawa na naman niya ulit yung mga bagay na madalas naming gawin nung masaya pa kami.
Bakit? Hindi ba kayo masaya ngayon?
Umiling lang ako at nagsimula nang kumain.
"V, may gusto lang sana akong hilingin sayo."
Natigil ako sa pagsubo nang cake nang maramdaman ko ang titig niya. Halata mo ron ang kaba. Halata mong natatakot siya sa pwedeng sabihin ko at maging reaction sa kung ano mang sasabihin niya.
Maingat at tahimik kong inilapag ang kutsara ko at napagawi ang tingin sa labas.
Mula rito ay makikita mo ang kabilang building na condo raw sabi nang karamihan. Nakita kong may taong lumabas sa terrace at diretsong tumitig sa kung saan ako nakapwesto.
Alam kong hindi niya makikita pero bakit kinakabahan ako?
Zade.
At bakit naman ako kakabahan? Nalipat ang tingin ko kay Lukas na nakakunot na ang noo sakin.
"V, nakikinig ka ba?"
Naguluhan ako. May sinabi na ba siya?
"I'm sorry, hindi ko naintindihan. Ano nga uli yung sasabihin mo?"
Tumango lang siya at humugot ng malalim na hininga.
Muling nalipat ang tingin ko sa kabilang building. Ganun parin ang pwesto niya. Nakalapag sa handle nang terrace ang kamay niya at mula rito, hinahangaan ko siya.
Para siyang isang hari na nakatingin sakaniyang sinasakupan. Ibig sabihin ba nun, isa narin ako sakaniya?
"V, ano? May kausap pa ba ako?"
Muli na naman akong napabaling kay Lukas na halata mo nang iritado.
"I-i'm sorry... Sabihin mo na, makikinig ako."
Bumuga siya nang hangin at umayos nang upo. Bumalik ang takot na tupa sakaniyang pagkatao.
"Naisip ko, V. Hihintayin nalang talaga kita hanggang sa maging handa ka..."
Kumunot ang noo ko at inabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Pero ayos lang ba na habang hinihintay kita may karelasyon ako sa kama?"
Tuluyang nalaglag ang panga ko dahil dun.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya binawi ko kay Lukas ang kamay ko na agad naman niyang hinawakan.
"V-v, v, ikaw parin naman. Sa kama lang naman, sa kama lang ako konektado kay Vie..."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ampucha, sinong matinong lalaki ang sasabihin niya ang detalye nang kabalastugan niya sa girlfriend niya?
Alam kong pinalagpas ko nung una. Alam kong pinatawad ko siya dahil mahal ko siya. Pero puchangina, pwedeng kahit ngayon lang, magmakaawa ako?
Pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatango sakaniya at agad naman niya akong hinagkan.
"Thank you, V..."
Damn shit.

BINABASA MO ANG
Change of Heart
ChickLitCHANGE OF HEART [COMPLETED] - A cheating boyfriend and a bestfriend. A stranger she met the coffee shop. Shann Vanness isn't the typical writer. She doesn't believe in destiny. She always believed that you don't need to be a hopeless romantic for yo...