Hindi ko alam kung kailan at paano nangyari ngunit natagpuan ko nalang ang sarili kong nanonood kung paano magpatayan ang dalawang lalaki sa harap ko.
"Zade!" sigaw ko.
Napalingon sakin si Zade na nagtataka nang bigla siyang sinuntok ni Lukas.
Ampucha.
Agad akong tumakbo palapit sa tabi niya at agad siyang dinaluhan.
"Zade, may dugo ka!" hysterical na ako ngayon.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan sa mukha ng bigla akong hilahin patayo ni Lukas.
"Vanness, don't go near him!" his voice thundered around the corners.
Gulat naman akong napatingin kay Lukas. "What the fuck is your problem?!"
Siya naman ngayon ang mukhang nagulat dahil sa sinabi ko at dun ako natauhan. Agad akong tumakbo ulit papunta kay Zade ay sa puntong yun ay di na ako pinigilan pa ni Lukas.
"Zade, I'm sorry..."
He chuckled at halos maubo siya dahil dun kaya tinapik ko ang dibdib niya. Halatang napalakas yun kaya naman agad akong humingi muli nang tawad.
"I thought saying sorry isn't your thing? Stop saying sorry for the things that you haven't done. At hindi mo na kailangan humingi ng tawad dahil alam kong gagawin niya ulit yun."
Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa matapos siya sa pagsasalita.
Funny cause I still admire him even with blood on his mouth.
"Vanness..."
Napapikit ako ng mariin. Ano? Bakit ganito nanaman ang isang to? Nagsawa na ba siya kay Kat kaya nandito na naman siya sakin?
Tinulungan kong makatayo si Zade at inalalayan papasok ng apartment habang nakasunod si Lukas.
Pagkaupo niya sa sofa ay agad akong umalis upang maghanap nang first aid kit nang harangin ako ni nang mamumulang mula na si Lukas.
He held both of my hands tightly. "I told you, stay away from him."
Diring diri akong bumitaw kay Lukas. Halata ang gulat at sakit sa kaniyang mata nang gawin ko iyon. At aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa ko sakaniya pero hindi naman tama ito.
"Lukas, wala akong nakikitang rason para layuan si Zade. He's a good guy. Bakit ba gustong gusto mong layuan ko siya?"
Mabilis ang paghinga ni Lukas at halata sa kaniyang mata ang galit at inis.
"Because he's changing you, V... Nilalayo ka niya sakin."
Natawa ako ron. "Nilalayo? Hindi niya ako nilalayo, Lukas. Ikaw ang lagi kong hinihintay pero nasaan ka? Nakay Kat!"
Mukha siyang nagulat dun ngunit nakabawi.
"Hindi rin, V. Today was supposed to be our day, right? Tapos malalaman kong nandun ka lang pala sa kaniya. Isa pang lapit mo diyan, Aquila. Maghiwalay nalang tayo."
Nasaktan ako ron. Bakit siya may karapatang bumitaw tapos ako wala? Hindi ko maisip na nang dahil lang kay Zade, maghihiwalay kami. Pero nung kay Kat dapat pumayag ako?
How fucked up.
"Ganun ba? Edi hiwalay." walang ganang sagot ko atsaka siya tinalikuran.
Naglakad ako palayo at inaakala kong pipigilan niya ako ngunit hindi. Narinig ko nalang ang pagbagsak ng pinto ng apartment.
Napahawak ako sa lamesa nang maramdaman ko ang panglalambot ng tuhod ko.
Tuluyan na niyang sinira ang tiwala ko. Simula rin nang gabing yun ay hindi ko na siya kailanman kinausap.
BINABASA MO ANG
Change of Heart
ChickLitCHANGE OF HEART [COMPLETED] - A cheating boyfriend and a bestfriend. A stranger she met the coffee shop. Shann Vanness isn't the typical writer. She doesn't believe in destiny. She always believed that you don't need to be a hopeless romantic for yo...