Chapter 2

64 7 5
                                    

I thought that thinking of the concept that I might put in my piece will be hard. But after what I saw when I came home from the cafe. Alam kong hindi na ako mahihirapan.

"Let me explain, Van..."

I continued to shake my head while he was trying to reach for my elbow. I can't think straight and I know that talking to him while I'm still on the verge of bursting out will be a bad idea.

"Not now, Lukas." I said sternly.

He let out a sigh and let go of my elbow. I sighed in relief.

Tumalikod ako sa kaniya nun. Para sakin, ang pagtalikod na yun ay isang senyales ng pagtalikod ko sa kaniya habang buhay.

Pero habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking apartment. Unti unting pinaalala sakin ng utak ko lahat ng pinagsamahan namin.

The days when he was still courting me.

The days when we both celebrate our monthsaries.

The days when we both entered the university we've been dreaming of since high school.

And the days where we are still happy.

Am I going to let go of those treasured memories just because of one mistake?

No.

But then, I love him. And I knew to myself that I will give him everything that he deserves. Cause he's worth it.

But the question is, is he still worth everything after what I witnessed?

Yun ang mga bagay na bumagabag sakin hanggang sa makarating ako sa apartment.

Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. Dahil kahit alam ko sa sarili kong nasaktan ako sa nakita ko at dapat sa ginawa niya ay nawala na ang tiwala ko ay hindi ko pa ring magawang isipin ang bumitaw sa kaniya.

Sinalampak ko ang sarili ko sa sofa nang apartment ko.

Nagsindi na rin ako ng kandila dahil nga brown out.

I sat at one of my chairs as I watched the candle melt.

Why can't my feelings for him do the same?

Na katulad ng kandilang may apoy kapag hinihipan dahil hindi na kailangan ay papatayin na lang.

Ganun lang ang ginawa ko na naputol dahil sa pagiingay ng cellphone ko.

Lukas calling...

At this moment, dapat pinatay ko na ang tawag na iyon pero nakita ko ang sarili kong pinipindot ang answer button.

Tanga.

"Hello..."

I can hear him sobbing.

"Van, I'm sorry... I know... Alam kong nagkamali ako..."

Kumuyom ang kamao ko sa narinig. Mali naman pala pero bakit ginawa mo pa rin? Ang sarap sabihin niyan pero hindi ko na rin sinabi pa.

"I know that I'm an asshole for doing that but please forgive me."

Pinikit ko ng mariin ang mata ko nang marinig ko ang pagmamakaawa niya. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na magmamakaawa siya sakin ng ganito, hindi rin naman maganda.

Pero isa lang ang gusto kong malaman.

"Why?"

"What do you mean?"

Napahawak ako nang mahigpit sa kumot habang tahimik na tinatanaw ang pagkidlat sa labas.

"Why? Why did you do that? May nagawa ba ako? May pagkukulang ba?"

Umiling siya. "No, hindi ka nagkulang. Sobra sobra ka pa nga, e. Pero Van, lalaki rin ako. May pangangailangan."

Natawa ako. Tanginang rason.

"Lalaki ka? May pangangailangan? Bakit? Ano bang bagay ang hindi ko binigay sayo, Lukas? Anong bagay ang hindi ko binigay para maghanap ka pa ng iba?"

He didn't respond. Alam kong hindi niya rin binaba ang tawag dahil on going parin ito. At naririnig ko pa rin ang mabibigat niyang paghinga. Mabibigat pero alam kong mas mabigat pa ang nararamdaman ko ngayon.

"Lukas, sagutin mo naman... Kasi pagtapos kong makita lahat nang yun nagsisimula ko nang questionin yung sarili ko. Pakiramdam ko, matapos ang lahat ng ito kahit ilang daang beses ka pa humingi ng tawad, uulitin mo."

I heard a screech. Narinig ko ring parang may tumawag sakaniyang pangalan. Nawala ang mabibigat niyang paghinga pero alam kong nandyan pa rin siya.

"Oh, Lukas... Your lips are my safe haven..."

Tuluyan na akong napahikbi. Buong gabi, habang ginagawa nila ang kawalang hiyaan na iyon ay nanatili pa rin akong nakikinig.

At sa pagtatapos ng kanilang ginawa, narinig ko ang salitang hindi ko kailanman naisip na sasabihin niya.

"Your virginity, Van... Doon ka nagkulang..."

Change of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon