"Where do you want to eat?"
Napangiwi ako sa tanong ni Zade. Pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura niya dapat maawa pala ako. Ako may kasalanan nito.
"Ganiyan ba pag nabubugbog? Umi-english?"
Natawa siya sa tanong ko without knowing na seryoso ako ron.
"Nah, sabihin mo nalang kasi kung saan."
Agad ko namang nginuso ang stall nang siomaian.
Tapos na ang awarding para sa mga nanalo sa buong foundation week. At nanalo ang banda nila Zade sa battle of the bands.
"Tara." Hinila niya ako at agad kaming umorder nang beef siomai at gulaman.
Panglimang araw na simula nung tumigil magpunta sa bahay si Lukas. Hindi narin kami naguusap dahil palagi silang magkasama ni Kat.
Well, kahit noon pa man magkasama na talaga sila. Ang kinaibahan lang, solo na ngayon ni Kat si Lukas.
"Hoy, tulala ka nanaman." Napabaling ang ulo ko kay Zade na titig na titig sakin.
Ang sungit ng nabugbog na to.
Simula rin nung nangyari ang gabing yun palagi na siyang nakadikit sakin. Aniya, wala naman daw bubugbog sakaniya.
Pero simula rin nun, pansin kong palagi siyang may bugbog sa mukha.
Dahilan naman niya ay away kalye lang at wag na akong mag-alala pero hindi ko parin maiwasan.
"Pakialam mo ba?"
Kumunot ang noo niya sakin kaya tumawa ako. "Char, issa prank."
Hindi niya ako pinansin at bumaling sa inorder namin. Pinuno ko nang toyo at calamansi ang siomai ko at kumain.
"Ano ba talagang nangyari sayo?" tanong ko sakaniya habang kumakain.
Itinapat niya sakin ang cellphone niya at ngumiti.
"Say cheese."
Ngumiti naman ako at nagpeace sign. I heard the click sound and he was smiling all the time while looking at my picture.
Nagbeep naman ang notif nang instagram ko at nakita ko ang picture ko sa post niya.
zdlfrnc: siooooooomaaaaaaiiiii
Natawa ako dahil walang kasing tino ang caption niya. Sa sobrang tino ang sarap ipadelete nang ig niya.
"Wala to. Nadulas lang." sabi niya at itinago ang phone.
Napaisip ako. Nadulas tas andaming pasa? San ang bumugbog dun?
"Sige, magsinungaling ka lang."
Hindi na rin naman siya nagsalita nun.
Nang matapos kaming kumain, nag-aya si Zade sa cafe na paborito namin gaya nang nakasanayan.
"Frappe and caramel macchiato," sabi niya sa waitress na agad namang tumalima.
"And for your dessert, sir?"
"Two slices of black forest cake."
Tumango lang ang waitress at agad na umalis sa table namin.
"So, kamusta yung storyang sinusulat mo?" panimula niya.
"So far, so good. May times na nawawalan ako ng gana pero kalaunan nakikita ko yung sarili kong nagsusulat ulit."
Tumango naman siya halatang interesado sa mga kwento ko.
To learn that someone is interested in whatever you do is something.
Kahit kailan ay hindi ko pa naranasang magkwento tungkol sa mga ganito ko kay Lukas dahil puro buhay niya ang ikinukwento niya. Not that, I'm condracting. Gusto ko rin naman. Pero siyempre, gusto ko ring may alam siyang tungkol naman sakin.
"Eh, ikaw ba? Anong pinagkakaabalahan mo?"
Nagkibit balikat siya at tinapik tapik ang lamesa.
"Wala, banda at pag-aaral lang. Pangarap ko kasing makilala ang banda namin sa music industry."
Ako rin, pangarap ko ring makilala sa writing industry pero alam kong mahirap kaya my dream will stay as a dream.
Sa panahon kasi ngayon dapat praktikal ka kaya naman naisip kong pagsabayin ang passion and career.
"Pero naisip kong iba na pala ang takbo nang buhay ngayon. Wala na masiyadong tumatangkilik sa mga kanta kasi mas nangingibabaw yung alam mo na? Mga walang maayos na mensaheng dinadala."
Dumating ang order namin kaya saglit kaming natigil at nang makaalis ang waitress ay nagpatuloy muli sa usapan.
"Naisip kong after my college grad. Dun na papasok yung totoong buhay. The battle between passion and career will be hard but atleast alam kong gusto ko rin naman yung career na papasukin ko."
Natutuwa ako kasi may mga lalaki paring tulad niya na alam ang gusto sa buhay. Samantalang, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong landas ang tatahakin ko pagtapos nang college.
"I'm sure kung ano mang kukunin mo pagtapos nang college ay makukuha mo. Para kasing alam mo na yung gusto mo sa buhay."
"Nah," sabi niya. "Hindi naging madali para sakin to. Ilang beses pa nga kami nag-away ni daddy dahil palagi niyang sinasabi saking walang mararating ang pagbabanda ko." Tumawa siya na para bang may naalala.
"Pero narealize kong tama siya. Simula kasi nung nakita kong nagsisipag magaral yung mga kasama ko sa banda na natauhan kuno ay gumaya narin ako sakanila. Alam mo yun? Bandwagon ako, e."
Napangiti nalang ako. Life has been rough for him like it was for me.
There are things that I'm still figuring out. Who says, that life will start in highschool? Nah, life will make you realize everything when you enter college.
Dun mo kasi mararanasan yung totoong hirap. Dun mo makikita yung mga sides ng buhay na hindi mo nakita sa highschool. Dun mo marirealize na hindi pala lahat ng pinangarap mo sa secondary ay pangarap mo parin sa college.
It will be a rough battle between your dreams and your career.
"But atleast, alam mo na yung gusto mo ngayon."
Tumango naman siya. "Yeah. Mag-gabi na pala, uwi na tayo?"
Napatingin ako sa labas at di nga siya nagkamali. Color red and orange na ang kalangitan at para sakin isa yun sa pinakamagandang view ngayon.
I captured it with my finger heart and posted it in instagram.
shnnvnnss: sunset ⛅
This day is the best.

BINABASA MO ANG
Change of Heart
ChickLitCHANGE OF HEART [COMPLETED] - A cheating boyfriend and a bestfriend. A stranger she met the coffee shop. Shann Vanness isn't the typical writer. She doesn't believe in destiny. She always believed that you don't need to be a hopeless romantic for yo...