Patak ng ulan.
Mga malalaking patak ng ulan ang walang sawa kong tinitignan.
Ayon sa balita, may malaking posibilidad na maaring bumagyo ngayong linggo.
"Ma'am, ano pong order niyo?" tanong ng waitress na parang naiinis na.
Ilang oras na ba akong naghihintay rito? Tinignan ko ang relong pambisig ko na nagsasabing alas kwatro dos na ng hapon.
Napabuntonghininga ako.
"Isang caramel macchiato at black forest cake," sagot ko sakaniya.
Agad naman niya iyong inilista at iniwan ako saking pwesto.
Hindi naman na ako umaasang darating siya dahil kung darating nga dapat kanina pa.
Kinuha ko nalang ang notebook na palagi kong dala kung saan nakasulat lahat ng saloobin ko.
Entry #98
Late na naman siya. Pero bakit pakiramdam ko sa puntong to hindi na siya muling magpapakita pa?
Muli akong napabuntong hininga at tinanaw na lang ang madilim na ulap at pagbagsak ng mga tubig na nanggagaling dito.
"Here's your order, M'am. Enjoy."
Enjoy.
Malamig na panahon at mainit na kape. Ngayon ko lang napagtanto na katulad ng panahon at kape, ang relasyon namin ay naghahalong init at lamig.
Lamig, dahil napapansin ko ang paunti unti niyang pag-iwas, pagiging late, hindi pagsipot sa mga tagpuan namin pati narin ang tipid niya sa pagtetext.
Init, dahil kapag alam niyang nagtatampo na ako ay susuyuin niya ako.
Ngunit pakiramdam ko, may puntong napipilitan nalang siya na gawin ang mga bagay para sakin.
"Excuse me." Tumingala ako sa taong nagsalita at nakita ang isang lalaking may hawak na tray sa dalawang kamay niya.
Kung titignan mo ay parang napakaseryoso niya, basa ang kaniyang buhok at sa tindig niya, mukha siyang pagod sa kung saan man siya galing.
"Uh, may kasama ka ba?" tanong niya pa.
Bumaba ang tingin ko sa upuan na nasa harap niya, may kasama nga ba ako?
Nasa ganung pagiisip ako ng makatanggap ako ng mensahe.
From: Lukas
I can't go there, babe. I'm sorry.Sorry.
Pang-ilang beses ko na bang narinig yan sakaniya? At bakit pa siya humihingi ng tawad sa bagay na alam naman niyang uulitin niya?
Napatingin nalang ako sa lalaking naghihintay ng sagot ko.
"Wala," tipid kong sagot.
Akala ko tulad nang mga nakagawian ko sa mga fast food chain ay kukunin niya rin ang upuan upang ilipat sa ibang lamesa ngunit mukhang iba ang araw na to.
Umupo siya sa tapat ko.
Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan siya.
"Sorry pala kung nakiupo ako rito, wala na kasing ibang lamesa."
Tumango lang ako. Wala naman talaga akong pakialam. Hindi rin naman sakin tong cafe.
"May hinihintay ka ba?" tanong niya.
Bakit ang matanong ng taong to? Pero sige, para iwas bagot na rin.
"Oo, pero hindi na susulpot yun."
Tumango naman siya. "Is it your friend? Perhaps boyfriend?"
"The latter."
Tulala lang ako sa notebook ko at nag-isip ng isusulat.
"Are you a writer?"
Napakarami namang tanong nito. "Yup."
"Nag-aaral—"
Padaskol kong sinara ang notebook ko at tinignan siya ng diretso sa kanyang mata. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
"Sa sobrang dami mong tanong nakagawa ka na ng isang buong test paper."
Natawa naman siya at nagkamot ng ulo. "I'm sorry-"
"Nope," pagpapatigil ko sa kaniya.
"Huh?"
"I don't wanna hear another sorry kung uulitin niyo man lang."
Tumango-tango siya, mukhang na-gets ang gusto kong sabihin. "I see."
Natahimik naman kaming dalawa ron. Siya ay patuloy na umiinom sa kanyang kape at panaka-nakang pinagmamasdan lahat ng tao at kotse na dumaraan sa harapan namin.
Habang ako naman ay patuloy na nag-iisip ng maaaring isulat at mga posibilidad kung bakit hindi na naman sumulpot yung taong hinihintay ko.
Hinihintay. Ilang beses ko na bang ginagawa yan kada may usapan kaming magkikita?
"So, saan ka nga nag-aaral?"
Napabuga ako ng hangin nang magtanong muli yung lalake.
Hindi pa rin ba ubos yung kape niya at mukhang magdamag siya rito para lang tanungin ako ng mga bagay bagay.
"Eastwood," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.
Do I need to break my heart just so I can write a piece?
"Damn! You study there?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa tanong niya. Nag-angat ako nang tingin.
"Yeah, why?"
Umiling iling pa siya na tila hindi makapaniwala. "Nothing. We're just schoolmates."
Napairap ako. "Yun lang pala pero kung makapag react ka, kala mo mamatay ka sa sobrang gulat."
He chuckled. "Aren't you scared?"
I arched my brow. "Scared of what?"
"That we might see each other there."
Napangiwi naman ako. "Of course, we will see each other. That's normal, I guess."
"Unbelievable, hindi ka man lang kinabahan or what?"
"Bakit naman?"
"Baka kulitin kita or what."
"Ah, kung mangungulit ka siguraduhin mong ililibre mo ako."
I looked at him when he became silent. His mouth went open as he looked at me with amusement.
Natawa siya ng makabawi. "Of course, I'll treat you. But introduce yourself to me first."
I shook my head. Impossible.
BINABASA MO ANG
Change of Heart
ChickLitCHANGE OF HEART [COMPLETED] - A cheating boyfriend and a bestfriend. A stranger she met the coffee shop. Shann Vanness isn't the typical writer. She doesn't believe in destiny. She always believed that you don't need to be a hopeless romantic for yo...