Kabanata 16

679 31 9
                                    

Kabanata 16

Nasasaktan


"Cy," Nilingon ko si Jomar at hinawakan niya ang dalawang braso ko at ipinunta ako sa gilid na bahagi ng daan. Iniiwas sa mga nakakasalubong na sasakyan.

As if we both have a choice, kami na ngang dalawa ang naatasang humingi ng pirma ni Lourd Vidalio. May sakit si Alicia at hindi pwede si Mariel, Oscar at pati narin si Leo.

Ayos lang naman sa'kin dahil naawa ako kay Alicia, alam ko ang sakripisyo niya sa proyekto naming ito kaya maliit na bagay na lamang ito na maitutulong namin.

"Cy, sa Prom ba mayroon ng nagyaya sayo?"

"Prom?"

Tumango siya.

Wala na nga iyon sa isip ko, bakit ko nga ba nakalimutan na mayroon kami nun?

Wala naman kasi akong balak na sumama pa roon. Voluntary lang rin naman ang pagsali roon kaya't hindi narin ako nag isip na sumama. Wala akong isusuot at wala rin naman akong mga kaibigan na makakasama roon.

"Wala akong balak sumali Jomar." Hinawakan ko ang palda na suot ko para hindi hanginin, gayong kasalukuyan kaming naglalakad sa sentro papunta sa gusaling sadya namin.

"Bakit naman Cy? Huling taon na natin ito, sayang naman kung hindi ka pupunta."

I hummed at his statement. Tanaw ko nanaman ang matayog na gusali na pinuntahan namin noong isang linggo.

Tama rin naman si Jomar, ngunit mas maiisip ko sana iyon kung mayroon akong kaibigan ruon ngunit wala naman.

"Hindi ko pa alam Jomar, wala rin naman kasi akong isusuot at wala akong kaibigan doon."

"Andun naman kami!"

Nginitian ko na lamang ang kaniyang sinabi, pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin sakin pero hindi niya nalang ito itinuloy. Hindi ko na lamang siya inintindi.

Naisip ko naman si Oli. May balak kaya siyang dumalo roon?

"May sadya po kami kay Lourd Vidalio."

Sabi ko sa pamilyar na guwardya sa building na ito.

"Si Sir Lourd ba? Wala yata siya ngayon dito ineng." Sabi ng isang guwardya at kinausap ang isa pang guwardyang nasa maliit na silong.

"Nako Cy, paano yan? Kailangan na natin yan ngayon."

Lumingon ako kay Jomar na may bakas ng inis at pag alala.

Inantay kong matapos makipag usap ang guwardya roon sa isa pa, may mga kinakausap sila sa walkie talkie na hawak nila.

"Wala raw sa loob si Sir Lourd." Pagkumpirma niya sa amin.

"Pwede po bang antayin na lang namin siya rito?"

"O sige kayo ang bahala."

At wala na nga kaming nagawa ni Jomar kundi ang mag antay sa isang sulok. Pareho kaming naka tayo rito banda sa naglalakihang pangalan ng hotel.

May mga iilang mga taong pumapasok na napapatingin sa amin. Siguro ay nagtataka sila kung bakit may mga estudyanteng nandirito.

Napaka rami na naming napag usapan ni Jomar at minsan ay wala na akong maisagot sa kaniya dahil napaka rami niyang tanong. Patungkol sa mga Solidad at personal na buhay na ayoko rin namang pag usapan.

Isang buntong hininga na lang ang naibigay ko sa huli niyang itinanong sa akin.

"Naiinip ka na ba Cy?" Napabaling agad ako sa kaniya at umiling par malaman niya ang sagot ko.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon