Kabanata 33
Car Service
Nasapo ko ang noo ko nang mapuntahan ko ang huling kumpaniya sa list na binigay sa akin ni tita Matilda. Pangatlong kumpaniya at lahat ng iyon may kaniya-kaniyang dahilan kung bakit hindi sila tataggap. Either there's no available slot for me, or outdated na ang information na tumatanggap pa sila.
Panay ang tawag ko kay tita Matilda sa tuwing mabibigo ako sa kumpaniya na pinupuntahan ko. Wala na siyang ibang pwedeng maibigay sa akin, kaya't heto at sumasakit ang ulo ko.
"Okay, I'll just take care of this tita. I'm sorry."
"Sorry hija, marami rin talaga akong inaasikaso rito, those were the only companies I know."
Ayoko rin naman na maabala pa si tita dahil alam kong marami rin siyang trabaho. It's for my internship at natural lang na ako dapat ang mag asikaso nito bakit ko pa ba inaasa sa iba?
Buong araw ay iginugol ko ang sarili ko sa pag re-research ng kumpaniya, but of course, kapag pinaglalaruan ka ng tadhana ay wala kang magagawa. I stumbled upon two choices, either hindi ako mag iintern. Or I'll play with the dangerous fire taking the risk.
Kung hihinto ako, masasayang ang panahon. Isang taon na lang at ayos na, maiiwan ko na ang modelling industry. But at the same time I can't just take the risk, hindi lang ang sarili ko ang dapat kong isipin kundi pati ang kapatid ko. Hindi imposibleng makarating sa pamilya niya na nakabalik na ako rito sa Pilipinas at ang malala ay magtatarabaho pa ako sa ilalim ng pamamalakad ng kanilang anak.
I let out a big sigh. I've never been torn like this in my entire life. Ang hirap namang magdesisyon gayong parehong importante ang pinag pipilian.
I stared at the number who called me last time. Is this his personal number? O baka business number niya? I don't know. Tatawagan ko ba at sasabihin na itutuloy ko ang application? Oh no. Pupunta nalang ako roon at hahanapin ang HR nila para iyon ang kausapin ko. Yeah, definitely. Panigurado naman na sa laki ng kumpaniya na iyon ay hindi na magtagpo pa ang landas namin, intern lang naman ako at hindi ako regular employee niya.
The next day, iyon nga ang nangyari. Kinain ko ang sarili kong pag aalinlangan at tinungo ang VREC Building. I even assured myself on not meeting him today dahil kung iyon man ang mangyari ay hindi na talaga ako tutuloy. Kung ang HR nila o ang kahit sino ang mag assist sa akin ay mas mabuti. Basta ay wag lang siya.
Wearing a mid-calf nude slim jumpsuit, I paired it with my one and only black talons. For some reasons, I had time to put light make up, well...I kind of had time so...yeah.
Panay ang lingon ko sa mga tao na makakasalubong ko habang tinatahak ang mga pasilyo ng building, tila ang iilan ay nahihinto ang tingin sa akin, making me uncomfortable. I don't know if it's normal, but for as long as I can remember hindi naman ganito ang tingin sa akin ng mga tao rito nang huli akong magpunta.
Tinahak ko ang desk ng clerk at nang mahinto ako sa harap nila ay marahan ang pagkagulat nila. Hilaw ang ngiti na naibigay ko.
"Uhm, wala akong appointment but I was informed to go back here-"
"Sa 40th floor po ba ma'am? Kay Mr. President?"
My eyes widened at nataranta ako sa kaloob-looban. Tinaas ko ang kamay ko at tinaggihan ang nilantaya niya. I breathed a laugh.
"No, uhm, pwedeng sa HR na lang or sa mga naghahandle ng Intern?"
Ang mapanghusga na mata ng babae ay nalipat sa kasama niya, tila may pag uusap ang mga mata dahilan para mas lalo akong maging hindi kumportable.
BINABASA MO ANG
Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1
RomanceAva Cyreese Suarez, an innocent lady who grew up in Mar De Vena, given the opportunity of a lifetime trying to make ends meet, pushing unto her limit until she goes beyond it. Will she ever survive the impossible future knowing that the reason of i...