Kabanata 28

725 24 8
                                    

Kabanata 28

Tunay


Huminto ang kotse na sinasakyan namin paglabas lamang ng resort na pinaggalingan namin. I waited for seconds wondering why we stopped. Bago pa man ako magtanong ay nasagot na ako ng pagbukas ng pintuan sa tabi ko.

I saw Levi wearing a black trench coat with a black turtle neck inside. With his phone in his hand, I'm startled seeing him here. Kahit ilang beses ko pa siyang makita ay ganito parin ang kabog ng puso ko. Hindi parin mapagtanto kung paano at para saan ba siya tumitibok.

Mwinestra niya na bumaba ako ngunit napalingon ako kay Lourd na mukhang walang pakialam sa nangyayari, ni hindi niya nga nilingon ang kaniyang kapatid.

Taka ko ulit na nilingon si Levi.

"You're not answering my calls."

Ngayon ko lang naalala na sinabi niya nga pala kanina na susunduin niya ako. Nilingon ko si Lourd at hinintay na may sabihin siya ngunit parang ang init-init parin ng ulo niya sa napag usapan namin kanina.

"Maraming salamat po, mag ingat po kayo sa pag uwi."

Magalang akong nagpaalam sa driver at sa manager niya, nilingon ko siya at tingin lang ang ginawad niya sa akin bago ako bumaba. I felt guilty and confused looking at him. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ipagpatawad o siya ang dapat humingi ng tawad sa buong araw na pagiging bugnutin niya.

Levi opened the door wider as I step outside. Nagtungo ako sa gutter para tumabi sa gitna ng kalsada. Naramdaman ko agad ang lamig ng simoy ng hangin habang nililipad nito ang dress, na suot ko parin hanggang ngayon. Malapit rin naman sa dagat ang mansyon ng mga Solidad ngunit higit na mas malamig ang simoy ng hangin rito sa Calicoan.

I saw Levi talk a bit before closing the car's door at nagtungo siya sa kinaroroonan ko. Now I realize it, ngayon ko na lang ulit sila nakitang dalawa sa iisang lugar at pagkakataon. I knew that they are not in good terms or not exactly like that but, it's a bit amusing seeing both of them in one frame. Kahit na hindi ko naman talaga nakita ang mukha ni Lourd nang mag usap silang dalawa ng sandali.

I smiled at him while he's getting near me. His lips twitched ngunit ng makalapit sa akin ay kumunot ang noo niya.

"You look cold, did you wear this all day?"

Hinubad niyang agad ang trench coat niya at ipinatong ito sa akin balikat. He's now wearing his black turtle neck. Iba ang dating niya sa iba't ibang suot. Ngunit itong turtle niya ang paborito ko sa kaniya. It's been weeks of being her girlfriend, Is he really my boyfriend?

Inayos niya ang pagkakapatong ng trech coat niya sa balikat ko bago niya ako binalot sa isang braso at dinampi ang labi niya sa tuktok ng aking noo. Warmness spread all through out my system, declining the cold I felt a while ago.

"Ito kasi ang binigay sa akin na damit para sa photo shoot."

Pinasadahan niya ako ng tingin at tumikhim bago pinagsaklop ang kamay naming dalawa. I heard nothing while he guided me into his car's direction. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayang makapasok roon.

Akala ko ay isasara niya na iyon ngunit kinuha niya ang magkabilang parte ng trench coat niya at itinakip ito ng mabuti sa aking hita. Uminit ang pisngi ko sa kaniyang ginawa.

"Photo shoot, hmm..." Nanatili siya sa gilid ko habang ramdam ko ang titig niya sa akin. Hinawakan ko ng maigi ang trench coat sa binti ko nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango.

"Should I buy those pictures so no one can see it?" He state with humor.

I pouted looking at his lips slightly twitched due to a suppressing a smile.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon