Kabanata 31

653 29 5
                                    

Kabanata 31

Run


"No! She's not coming back!"

Hinawakan ni Lucy ang braso ng aking kapatid nang magpakita ito ng matinding pagtutol sa desisyon ni tita Matilda.

"Hijo, kung gusto mong ikaw ang masunod..." gigil na mwinestra niya ang kaniyang cellphone at hinagis ito sa ibabaw ng lamesa. I swallowed the lump in my throat. Ano nanaman bang gulo ito?

"Ikaw ang sumagot sa walang hanggang tawag diyan sa telepono ko!"

Umawang ang labi ni Lourd at tumayo at tinalikuran kami. Sinapo niya ang kaniyang batok, pinipigilan ang galit. Nahanap ko ang naguguluhang mga mata ni Lucy. I bit my lip.

"Lourd, siguro ay dapat nating sundin si tita Matilda."

"And what? Kakagat ka sa issue na 'yon? Coming back in the Philippines will just fuel the fire! You will just look defensive dahil bumalik ka pa roon upang pagtakpan ang pangalan mo!"

My eyes begged him to calm down. Tila nahirapan siya nang makita ang mga mata ko.

"Hindi niya pagtatakpan ang pangalan niya Lourd, she will come back to the Philippines dahil iyon ang utos ng company." Ani ni tita Matilda.

Napatango ako bilang pag sang ayon. He keeps on jumping into conclusions kaya't heto ang init-init nanaman ng ulo niya.

"Babe you knew na need niyang sumunod sa company. Her contract have not ended yet." Pang aalo niya rito.

"Then fucking end that contract!" His voice thundered at napapikit ako ng mariin duon. My heart skipped a bit.

Ang telepono ni Tita Matilda na walang tigil sa pag tunog ay mas nagpapalala ng sitwasyon.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Lourd? Ava is one of the highest paid model today, hindi siya pwedeng basta-bastang gumawa ng mga estupidong desisyon!" Napahawak si tita Matilda sa sintido niya at kinuha ang kaniyang telepono upang sagutin ito. Tumayo siya at nagtungo sa kusina.

"Lourd, I t-think I really need to go back."

He hopelessly shook his head. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa sandalan ng sofa.

"What the fuck is that scandal Ava?"

"N-no! Hindi ako yun!"

Don't tell me he believed that?

"But I saw it! Ang pustura at ang buhok maging ang hubog ng katawan ay gayang-gaya sayo!"

My mouth hanged opened, so he really did think na totoo iyon?

"There's also this picture of you Ava with that guy, and it's really your face in the picture. Madilim lang pero I can still saw your face and you're wearing that gown you wore in -"

Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang link na sinend ni tita Matilda. There I saw some unbelievable article with a video na hindi ko na kayang panoorin pati narin ang iilang litrato.

It's... It's really me. That's me!

Kitang-kita ang mukha ko habang nakasandal sa pader at kinukulong ako ng isang lalaki. Sumunod na litrato ay hindi na kita ang mukha ko dahil natakpan na nang ulo ng lalaki dahilan para magmukhang naghahalikan kami.

Mabilis ang paghinga ko kasabay ng panginginig ng aking kamay. This is Jomar. This is the night in Mar De Vena high at Graduation ball namin ito. Naalala ko ito!

"This is...me." Sa akin nanggaling iyon pero kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala.

Napasinghap si Lucy ngunit si Lourd ay tabang ang ekspresyon at tila hindi makapaniwala.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon