14

544 31 1
                                    


Chapter Fourteen
The blooming of Dahlia


"Pupunta si Mr. President sa Museum Exhibit ni Madam Veronica Anna Ybanez?" tanong ko sakanila. "His schedule for that day is fully packed." sagot ni Dos.

"Edi mahahati ulit tayo." sabi ko habang nagiisip. "Sa tingin ko kaya na namin yun ni Dos." sagot ni Tres. "Isama niyo na rin si IV incase of emergency." sabi ko at tumango yung tatlo.

"What about Bluhen? Pupunta ba siya sa exhibit ng mama niya?" tanong sa akin ni Nine at tumango lang ako bilang sagot.

"X and X3 kayo na lang magbantay kay Bluhen saka si Infinity at Sven kayo kay Madam Veronica." saka inikot ang paningin ko sa iba. "Kaming mga natitira ang magbabantay sa paligid." sabi ko.

"Paano kung may emergency? Hindi tayo pwedeng bumaril o pumatay tapos 100 VIP guest pa ang darating next week?" tanong ni sixto. "We can use the smoke bomb that Pip made." saka ko at tinignan si Ele.

"May bago ka bang gawa?" she was hesitating if she's gonna tell us. "Baka magkagulo tayo niyan sa mga police kung mapoison natin sila." singit naman ni X.

"Okay lang yung nagawa ko naman hindi poison eh. Injection na pangpatulog lang naman pero---" nanghihinayang na sinabi ni Ele.

"Pero ano?" tanong ni Nine. "Pwede silang ma-coma, o kaya kung may sakit sila sa puso pwedeng heart attack. Isa pa lang kasi natest ko kaya hindi ako sigurado pero 80% makakatulog sila." pag eexplain niya sa amin.

Nag isip ako ng matagal bago nagsalita. "Okay lang basta siguraduhin niyo na lang na wala kayong ma-inject na VIP saka damihan mo ang magpack ng easy inject para may mga extra tayo kung marami sila." sabi ko saka naman sila tumango.

"Yes, I'll do my best to finish it this week. Okay na ba yung tig 50 each kayo na injection?" tumango lang ako saka tinignan si Pip.

"Ikaw na bahala sa mini smoke bomb mo." sabi ko sakanya. "Yes." sagot naman niya sa akin. Wala namang ibang effect yung mini smoke bomb niya hindi ka lang makakakita sa sobrang puti kaya pakiramdaman na lang kung sino ang kalaban.

Pagkatapos ng 30 minutes natapos narin kami. "Back to your position now." sabi ko at unti unti na silang nagtayuan. "Kayo, mauna na kayo sa mansion at baka may ibang pumasok." sabi ko kay Nine at X.

Mukhang wala silang balak umalis kaya nauna na akong umalis dahil alam ko naman na chichikahin lang ako ng mga yon.

Nung nasa top floor na ako ng Palace nag aalinlangan akong kumatok. "Oh, Hi Ace, pasok ka." bungad sa akin ni Madam Veronica nginitian ko naman siya.

"Are you looking for my husband or daughter?" malumanay na tanong niya sa akin. Kitang kita ko na nakaapron pa siya at may mga mantsa ng paint yung apron niya, may hawak pang brush yung kamay niya. Mukhang naistorbo ko yata siya.

Sasagutin ko sana siya pero naunahan niya ako. "Oh, right. Sabi pala ng anak ko na dumiretso ka na lang sa kwarto niya." sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.

"But can I get you a cup of tea and talk a for little bit?" nahihiyang tanong niya. "Yes ma'am. It's a pleasure." ngiti ko sakanya.

Habang gumagawa siya ng tea napatingin ako sa door na open. Pagsilip ko bumungad sa akin ang walang kalaman laman na kwarto puro mga canvas at mga paintings ang nandun sa floor.

May isang table at dalawang chair lang.

Marami rin mga abstract painting na nagawa na niya tinignan ko yung ibang painting hanggang sa napahinto ako sa pinakamagandang painting.

It was Bluhen's face with a color of rainbow parang tinapon lahat ng colors tapos yung brush na ang bumuo sa mukha niya.

"Is it beautiful?" nagulat ako nung narinig ko ang boses niya. "I'm sorry Ma'am for entering this room without your permission." natatarantang sabi ko sakanya pero nginitian niya lang ako saka nilagay yung isang tea sa may table.

ACE OF SPADES: The Last Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon