18

537 24 7
                                    


Chapter Eighteen
Jealous





4 pm na at nandito kami ngayon sa salon kasama ko si Bluhen, mamayang 6pm kasi yung Exhibit ni Madam Veronica Anna Ybanez.

Naka upo ako sa right side at nasa left side naman si Bluhen, bale same time kami ma-mmake up an. Dumating na ang dalawang make up artist. Ang gaganda nila parang mas bata pa ata sila sa amin.

"Naka make up po ba kayo ma'am? or may foundation na kayong nilagay?" tanong sa akin ng make up artist ko at umiling lang ako.

"Ang ganda naman po pala ng kutis niyo, Ma'am. Parang hindi na kailangan ng make up ah." pagbibiro niya sa akin habang hinahawakan ang mukha ko ngumiti naman ako ng may maramdaman akong nakatingin sa akin.

Pagtingin ko sa salamin nakatingin sa akin ng masama si Bluhen. Problema ba niya? I mouther her with why but she just rolled her eyes.

Okay? Badtrip? Masama gising?

"Ma'am start na ako ha." pagpapaalam niya kaya tumango lang ako para magstart na siya. Ang lapit niya sa akin and I was just looking at her eyes, she looks so focused to her work.

"Ace." tawag sa akin ni Bluhen kaya napatingin ako sa kanya sa mirror. Saka tinignan lang ako ng masama. Ano ba problema niya? Kanina pa siya ha! Wala naman akong ginagawang masama ah.

"Ilang taon na po kayo?" curious niyang tanong habang nagmmake up siya sa akin. "Uh, 29." tipid kong sagot at mukhang nagulat naman ito sa sagot ko. "Oh! parang kang 21." pagbibiro niya. "Eh ikaw ilang taon ka na?" balik kong tanong sa kanya.



"25 po hehe." sabi niya pero hindi parin siya nakatingin sa akin, busy siya sa pag make up. "Wag ka na mag po. Ace na lang. Ano name mo?" sabi ko habang nakatitig sakanya. Ang ganda talaga niya. Iba talaga pag mga make up artist mukhang alagang alaga ang kagandahan nila. "Abi." sagot niya.

"Ace, tingin ka sa taas." utos niya sa akin kaya ginawa ko naman. May itatanong sana ako sakanya kaya binalik ko ang tingin sa kanya. "Ace wag ka makulit, tingin sa taas." saka niya hinawakan yung chin ko.

Napatawa na lang ako saka ko siya tinignan ulit. "Ace, ang kulit mo." sabi niya sa akin saka may kinuha sa make up kit sa table. Tapos na ata siya sa pagpahid ng base sa mukha ko ng kung ano ano.

"Tingin ka sa akin. Check ko." saka ko naman siya tinitigan ng maayos. "Sisimplehan ko na lang make up mo ha. Anong color ng dress mo mamaya?" tanong niya sa akin. I checked myself in the mirror when I saw Bluhen staring at me again. Ano ba talaga problema niya?



"Black." sagot ko naman sakanya habang nakatingin kay Bluhen sa mirror. "Sige, nude pink nalang yung eye shadow mo tapos kapalan natin yung eyelashes mo para makita yung black-isk color sa mata mo and then.... Rose pink nalang yung lipstick mo." pag eexplain niya kaya tumango lang ako.

"Ilang years ka na bilang make up artist?" curious na tanong ko. "Almost 5 years." tipid niyang sagot habang nagmmake up. She's really focused in her work. It seems that this is her passion.

Nakakainggit lang. Gusto ko rin magwork ng kung anong gusto ko talaga ko. But now? I don't even know what my dream is.


Pagkatapos ng isang oras natapos na siya sa make up. Grabe ha! make up lang yun tapos light make up daw pero isang oras inabot. Wow.

"Can I see? Tingin ka sa akin ng diretso." sabi niya saka hinawakan ang side ng mukha ko. "Ang ganda mo talaga." pagpuri niya sa akin. "Salamat sa make up artist ko. Ang galing eh." bawi ko naman sakanya saka lang siya tumawa.



ACE OF SPADES: The Last Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon