8

529 31 3
                                    


Chapter Eight
Her boyfriend




Sa buong isang buwan na pagsasama namin sa iisang bahay puro kami asaran, awayan at minsan magbabati kami kapag ipaluluto niya ako, tapos ako naman taga hugas ng pinagkainan.

Ganon buong routine namin, araw araw ko siyang sinusundan palihim kasama si X at Nine kapag may lakad, pupunta ng club o kaya kapag nasa work siya sa restaurant niya.

"Nine? Can you hear me?" hinawakan ko ang tenga ko para mas marinig ko ang sagot ni Nine pero wala akong marinig.

"X? Agent X. This is Ace. I repeat this is Ace. Where are you?" mariin kong tanong ngunit wala akong marinig. Is my earpiece broken?

Wala akong magawa kung hindi tawagan sila sa phone.

[X! Where.Are.You?] naiinip na ako sa dalawang to.

[He.... H...He...llo?] hindi ito clear at putol putol pa. Kaya lumabas ako ng sinehan. Was my signal bad? Or his signal?

[I can't trace the both of you. Saan kayo?] paulit ulit kong tanong at baka hindi nila marinig.

Ang dami kong naririnig na sound hanggang naging clear ito. [Hello? Ace? Can you hear me?] Finally!

[Yes. speak...] sabi ko sakanya.

[Mahigpit yung security dito kaya pati internet o signal wala. Nandito parin kami sa Prescon ng President. Yung iba nasa Exhibit ni Madam Anna Ybanez. Are you okay? Do you want me to go there?] sabi niya sa akin. Tumingin tingin ako sa paligid.

[No, I'll be fine. Just checking the situation. Make sure to check your phone always.] iritado kong sinabi.

[Noted. Si Nine nga pala sinundan ka. I think she's checking the security of the mall.] he said as we ended up the call.

Papasok na sana ako sa sinehan kung saan binabantayan ko yung movie date nila Bluhen at ang kanyang boyfriend ng hindi niya alam pero biglang nagkakagulo ang mga tao na lumalabas.

Shit!!

Papasok sana ako pero pinigilan agad ako ng security guard.

"Ma'am bawal po kayong pumasok. May nagpindot po ng fire button sa loob kaya ang mga security guard lang po ng mall ang pwedeng pumasok para icheck ang sitwasyon sa loob." pag eexplain niya sa akin pero umirap lang ako.

"Sir, may kasama po ako sa loob please papasukin niyo ako." pagmamakaawa ko sakanya pero nagmamatigas siya. I was about the punch this guy when I felt my phone vibrating inside my pocket.

It was Nine.

[Bakit hindi kita macontact sa earpiece?] bungad niya sa akin. I was about to speak but she quickly cut me off.

[Go to the parking lot now. Nandun si Bluhen. Papaalis na sila.] nagmadali naman akong tumakbo papunta sa elevator.

[Where are you?] tanong ko sa kanya.

[Rooftop. Monitoring the CCTVs. Hindi ko nasagot yung tawag mo kasi busy akong hinihintay yung paghack ni IV sa CCTV ng mall. Now, Limited CCTV lang ang nahack niya. Etong mall at yung road CCTV. You need to catch up with them baka mawala natin sila at mahihirapan ako hanapin ulit sila.] sabi niya at nagmadaling sumakay sa sasakyan ko.

[Faster Ace. Paalis na sila ng main road.] kaya mas lalo kung binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa nakita ko yung Red Ferrari.

Okay. Got it.

[Got them.] nakangiting sabi ko kay Nine.

[Okay, pababa na ako ng parking lot. Turn on your gps. I'll track you. I'm gonna hang up now.] sabi niya kaya mabilis kong binuksan yung gps ko.

ACE OF SPADES: The Last Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon