39

426 20 2
                                    


Chapter Thirty Nine
Captured




Nasa funeral home kami ni Madam Veronica Anna Ybanez, kitang kita ko si Bluhen na wala sakanyang sarili, ilang araw na walang tulog, ilang araw na kain at namamaga ang kanyang mga mata. Ilang araw ko na rin siyang binabantayan sa malayo.


"Bakit hindi mo lapitan?" tanong sa akin ni Nine. I don't know but I don't have the guts to come near her. "Alam mo bang araw araw niya kaming tinatanong kung nahanap ka raw namin. She thought it was her fault that you got kidnap, hindi niya alam na ikaw talaga ang pakay ng mga kumuha sayo at hindi siya." pagdagdag niya sa akin.



"Just make sure she eats her meal. Kayo ng bahala sa mag ama. Aalis na ako." sabi ko sakanya at hindi ko na inaantay kung ano sasabihin niya.



Nasa headquarter kami ngayon preparing for our battle tonight. "Are you all prepared?" sabi ko kila Dos, Tres, IV, Pip, Sixto, Infiniti, Ele, X2 at X3. Maiiwan sila X at Nine sa funeral home para bantayan ang mga Ybanez.


"Listen, I want you kill every fucking member of Blacksmith." at lahat sila sabay sabay na sumagot ng "Yes, Ace." kaya nagsilabasan kami sa headquarters ng may makita kaming madaming sasakyan na nakaparada sa tabi ng van namin.


"Oy Pinsan!!!" mayabang na tawag sa akin ni Ren at kumindat sa akin. "What are you doing here?" gulat kong tanong sa kanya. "Like what you told me, I need to train but you know what couz hindi ako makakatrain ng maayos kung puro pekeng tao lang yung binabaril ko. Mas exciting pag totoong tao." excited na sabi niya sa akin na ikinairap ko sakanya.


"Wow!! magpinsan nga kayo. Nakakatakot kayo maexcite." sabi ni Tres sa amin. "Nagdala ako ng tao 20 snippers and 100 na tutulong pa." nakangising sabi niya sa akin.


"Siguraduhin mo lang na kaya mo kaming sundan." kindat ko sakanya, si X3 pa naman magddrive. "Wow!! mahina man ang skills ko sa labanan pero ibahin mo sa driving." mayabang na sabi niya kaya binigay ko na lang sakanya ang ear piece at isinuot ito.


Isinuot niya ang wolf mask niya saka ibinigay niya sa akin ang black mask na may red roses. "I don't need that." sabi ko sakanya, aalis na sana ako hinigit niya ang kamay ko.

"Our clan needs it. Mga mafia rin ang kalaban mo hindi ba? Edi mas kailangan mo itong isuot para matatakot sila sa clan natin." pailing iling ko na lang kinuha ang mask sakanya.

Hindi nga ako ang leader ng Yamamoto clan pero ginagawa naman niya akong parte ng clan na yun. At talagang ginagamit pa ako ha! Tsk.




Nakarating kami sa mga hideout ng Blacksmith. Nakaparada kami sa labas habang tinitignan ko ang monitor ko. 2 am na ang tahimik ng paligid, may mga nagbabantay rin sa mga entrance at exit.


At unti unti kong pinindot ang button saka sumabog ang buong building nila. This is the real war now. Nagsilabasan ang 100 na tauhan ni Ren pumwesto na rin yung mga snipper niya. Nakita ko rin na habang sumusugod ang mga tauhan ni Ren nagkakalat rin sila ng black roses. What the hell?


"Of course cousin kahit hindi mo kinuha ang position ng leader sa clan natin, you'll always be our black rose. Alam mo may magic ata ang black rose eh kasi pag nakakakita sila ng ganon natatakot agad sila." natatawang sabi ni Ren sa ear piece na nasa loob siya ng sasakyan niya.


He's insane. Really.


Nagsilabasan narin kami para patayin ang bawat miyembro ng Blacksmith. Halos lahat kami may iba ibang kalaban humiwalay rin kami sa isa't isa para lahat talaga mapatay namin.


ACE OF SPADES: The Last Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon