"Lola sigurado po ba kayo? Pero lola kasi ayaw ko pong mag-isa kayo dito" malungkod kong sabi sa Lola ko na panay impake sa mga gamit ko."tumahimik ka Felicya sinabi ko na kay Don Quimpano na ikaw ang papalit sa akin dun kaya hindi natin pwede tangihan ang mga Quimpano dahil sila ang tumutulong sa atin" pagmamaktol ni lola sa akin.
"Oo nga po lola may utang na loob tayo sa kanila pero kasi paano kayo dito? Sa tuwing ina-atake kayo sino ang gagabay sa inyo at magbabantay din!?" pag-alala kong sagot dito.
"Wag kang mag alala hija kasi nanjan naman tita Bebang mo hindi ako pababayaan non"
"Pero lola alam mo naman yang si tita bebang marami yang raket kaya nga po gabi na po kayo pinupuntahan dito dba?"
"hay! Naku! Basta si tita bebang ang magbabantay sa akin at ikaw! Pagbutihan mo ang pagtira sa mansiyon ng mga Quimpano nagka-intindihan tayo?" pagpa-alala nito sa akin.
"Opo, pero Lola may kondisyon ako!" sigaw ko rito.
Napatigil naman si lola sa ginawa niya at humarap sa akin. Agad naman akong lumapit at inilahad ang cellphone kong nokia. " Ito ang kondisyon ko kapag tatawag ako dapat sagutin mo agad dahil kong hindi babalik talaga ako dito at itigil ko na ang pagtira dun sa mansiyon" sabi ko dito.
Nagdadalawang isip pa sana si Lola pero agad itong tumango. Alam ni Lola kong paano gumamint nang telepono ko kaya hindi na ako nabahala dito.
"pero paano ka tatawag e isa lang cellphone mo" tanong nito sa akin.
"may telepono dun sa mansiyon kaya makikitawag lang ako dun" sabi ko.
Tumango lang si lola at agad ipinapatuloy ang pag-iimpake nito.
Na una akong lumabas at nakita ko agad ang tita bebang ko. Kaya nilapitan ko to agad. "tita bebang" tawag ko dito.
"Felicitae? Bakit?"
"Tita bebang alagaan mo po sana lola ko tapos kong maging matigas ang ulo nang Lola ay sana e report niyo agad sa akin." mahinahong sabi ko kay tita bebang.
"sige hija wag kang mag-alala" sabi ni tita sabay tapik sa aking balikat.
Nang lumabas si lola ay agad naman akong lumapit dito. " hanada kana?" tanong nito sa akin.
"matagal na akong handa pero hindi pa po ako handa na mawalay sa inyo" malungkot kong tugon dito.
"tumahimik ka felicya"
"tahimik lang naman ako lola nong hindi mo pa ako tinanong ey"
"namimilosopo kapa!?"
Natawa nalang ako at agad kinuha ang mga gamit ko. Agad ko namang inilagay sa motor cab ang mga gamit pagpasok namin sa loob ay agad akong nagsign of a cross. Sabi kasi sa akin ni lola magdasal raw bago umalis upang gabayan sa paglalakbay.
"Lola?" pukaw nang atensiyon ko dito.
"bakit apo?" mahinahong sagot nito.
"Doon na po ba ako titira?" tanong ko.
"Hindi naman" sabi ni Lola
"Eh? Bakit po lahat nang gamit ko pinadala niyo sa akin? E hindi pa pala ako dun titira?"
"lahat ba?" tanong nito
"Hindi Lola hindi lahat! Malamang lahat po e tatlong bag ito ey" sabi ko sabay turo sa mga bag.
Natawa nalang si Lola " hay! Naku! Matanda na talaga si Rebe apo" sabi nito.
"Opo lola matanda na po talaga kayo pati ngapo tsenilas niyo nagkabaliktad ey" hagikhik ko dito.
YOU ARE READING
Hacienda Series:Quimpano's Love
Storie d'amoreLouis Quimpano And Felicitae Carillio