Kinabukasan ay napabangon ako dahil sa nagtilaok na manok na sa kapit bahay namin. Nang kunin ko ang pambisig kong relo ay agad ko naman itong tiningnan alas sais papala nang umaga. Kaya agad kong ginising si LQ na nasa tabi ko.
"LQ gising" tapik ko rito.
"hmm"
"gising na" sabi ko rito.
"Why" maikling tugon nito habang nakapikit parin.
"Hindi tayo pwede makita dito ni Lola na naka huba't baru tayo kaya halikana please!" pagmamakaawa ko rito.
Kaya napamulat naman ito " give me a kiss"
" sa cheeks?"
"Lips"
Nagdadalawang isip naman ako na kinalaonan ay pumayag na rin. Habang nakahalik ako ay mapapalalim na sana nang bigla ko itong tapikin ang dibdib nito ay humiwalay naman ako agad.
"Halika ka na maligo ka muna gamitin mo muna ang towel ko" sabi nito
Tumango lang ito. Kaya ako naman ay tumayo sabay hawak nang kumot.
"don't cover it up I saw it all last night" sabi nito sabay kindat sa akin.
"Heh! Umalis ka na nga" sabi ko rito
Tumawa naman ito. Sabay kuha nang towel ko at lumabas pagkatapos ay lumabas naman ako na nakatuwalya lang.
Pagkatapos maligo ni LQ ay ako naman ang pumalit nito upang maligo na din. Pagkatapos naming maligo ay naghanda naman ako nang almusal namin. Habang naghahanda ako ay hindi ko maiwasang tingnan si LQ Para kasi itong palaging may katawag at parang namomoblema ito.
Nang bumaba na si Lola ay agad naman itong itinago ang phone nito.
"Nay Rebe" sabi nito sabay mano kay Lola
"L-Louis?" utal ni Lola
"Opo"
"Bakit ka narito? Kanina ka pa ba narito?" tanong ni Lola nito.
"Kaga---"
"Kanina lang po dumating itong si sir Louis Lola" patay malisya kong tugon rito.
"Ahh?? Ganun bah?"
Tumango naman ito.
"O? Hali na hijo dito kana kumain" sabi nito sa akin.
"Nay pinapatawag po kasi ako ni Grandpa sa hacienda kaya mauna na muna ako" sabi nito
Agad naman itong lumapit sa akin sabay halik sa noo ko at kay Lola Rebe din sabay alis na parang may masamang nangyari.
Nung umalis na si LQ ay hindi naman maiwasang ang mga tingin na ibinibigay ni Lola sa akin kaya napabuntong hininga nalang ito.
"La tama na po" sabi ko rito
"Bakit?" sabi nito habang nanunukso ang mga tingin nito.
"yang tingin niyo kasi"
natawa naman ito sa sinabi ko " kayo na ba ni Louis hija?" biglaang tanong nito.
"hindi pa po" mahinahong tanong ko.
"Pero mahal mo?" biglaang tanong ni Lola
Yumuko naman ako sabay tango.
Tumayo naman si Lola sa akin sabay tabi sa inuupuan ko.
"Alam mo hija? Mahal ka din nang taong mahal mo"
Napatingin naman ako ni lola sa biglaang sabi nito " paano niyo naman na sabi niyan?" malungkot kong tanong