Maaga akong gumising ngayon at ayun sa pambisig kong relo 6:30 palang kaya naman ay bumangon na ako at nagsimulang magluto nang pagkain para sa almusal ni Lola. Naglinis na din ako nang bahay at tamang pagdating nang 7:30 ay lumabas na ako nang bahay at nagsimula nang lumakad papuntang kanto kung saan nakaparking ang lahat nang motorcab.
Habang nasa byahe ako ay lungkot ang bumungad sa akin isang araw ko lang kasi nakasama ang Lola ko. Kaya hindi ko alam kong kailan pa-ulit ako papayagan ni Lolo Guil na puntahan si Lola ulit.
Nang huminto ang motorcab ay agad akong nagbayad pagkatapos ay agad lumapit sa guard house.
"Good morning Manong Guard" bungad ko kay Kuya Nick na umiinom nang kape pero ngayon ay napapunas na dahil ginulat ko ito.
"Hoy! Panget ang aga pa pero makapangbungad ka! Pero in fairness panget ang ganda nang outfit mo today"
"Hay! Naku! Kuya nick kung mangsisira ka nang araw sa akin aba ipagliban mo yan kasi maganda ang day ko ngayon kaya babosh na" sabi ko sabay lakad ko papuntang mansiyon.
"Hi Golf area"
"Hi Quadra"
Kaway ko sa mga lilinisin ko ngayong araw. Napatakbo naman ako dahil malapit nang mag 8 at kakain na ang Lolo Guil ko. Pagdating ko sa hagdanan nang mansyon ay napahinto ako at sabay hinga dahil hinihingal kasi ako sa pagtatakbo.
Pag-akyat ko ay ngumiti muna ako at sabay pasok " HI EVERYBODY!" sigaw ko sa loob nang mansiyon. Tumingin naman sila agad sa akin kaya napangiti na din ako. Nakita kong nagdala nang tray si ate melanie kaya lumapit ako dito at kinuha ito.
"Ako na Melanie" ngiting sabi ko " at saka ate- este melanie paki kuha rin nang gamot ni Lolo Guil Please" habol ko rito.
Dali-Dali naman akong lumapit kay Lolo Guil na naka-upo sa sala habang na nunuod nang balita.
"Good morning Lolo" ngiti ko rito
"Good morning din hija ang ganda nang umaga mo ah?" sabi nito sa akin.
"Lolo always pong maganda ang umaga ko ey sa maganda ako ey" pangbabara ko dito.
"Oo nga hija" tawa nitong tugon " hija hindi ka ba sasakitin nang tiyan diyan sa suot mo?" pahabol na tanong ni Lolo sa akin
Tumayo naman ako at ipinakita ang suot kong highwaisted jeans ko at croptop na stripe.
"Ito po Lolo? Naku hindi po" natatawang sagot ko.
"Who shout early in the morning?" sigaw nang isang galit na britonong boses na-nakatalikod.
Agad naman akong naghands up. Kaya humarap ito sa akin at dali daling pumunta sa harapan ko.
"You know what!? Ang aga-aga ang laki niyang bibig mo! Babae ka ba---"
Hindi na ako nakinig sa dadak nito dahil napatingin ako sa mukha nito.
'Ang gwapo niya! Sheeetttt Father almighty sure kana na po ito na?' sigaw nang isip ko.
Tiningnan ko lang ito habang nagsasalita sa hairstyle palang nito katulad ni tony Labrusca tapos yung makakapal na kilay at pilok yung mata naman nito ay kulay brown at ang ilong napakatangos tapos yung labi nito ang pula tapos ang kinis nang balat mapapa sana all nalang ako rito.
"Hey! Woman are you listening?" tanong nito habang ang kilay nito ay nakasalubong na.
"N-Not R-really" utal kong tugon rito.
"Are you stupid?" naiiritang sabi nito
"Hindi"
"You are!"sigaw nito
"O sige bobo na! Baka hindi mo malunok ang kakainin mo dahil hindi ko tinanggap ang compliment mo sa akin" pangbabara ko rito.
Napaligoy nalang ito. Sabay umalis "Don't Call Lolo Guil my Granpa stupid Girl" habol nitong sabi.
"Bakit gusto mo ikaw tawagin kong lolo?"pangbabara ko ulit.
Humarap naman ito at agad lumapit sa akin as in super lapit " Don't start me stupid Girl"
"Ok, Good morning" sabi ko rito
Binigyan lang niya ako nang masamang tingin bago sinabing " My Morning is not Good because of you stupid" sabay pasok nito sa hapagkainan.
Nagkibit-balikat nalang ako at humarap ulit kay Lolo. Nakangiti ito sabay blink para bang sinasabi niya sa aking 'Good Job'.
Hindi na ako pinalinis ni Lolo nang kwarto niya dahil hindi na raw yun gaano karumi kaya agad naman akong pumunta sa kwarto ko upang magbihis at maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako nang susuotin kong damit nagdamit ako nang isang denim dress na hindi aabot ang haba nito sa tuhod ko. At agad kong sinuklayan ang mahaba kong buhok pagkatapos ay agad kinuha ang cowboy hat ko na binili ko sa boutique.
Paglabas ko ay agad akong pumunta sa loob nang mansiyong upang uminom nang tubig.
Maaga pa kaya nagpasya akong tulungan sa muna ate melanie sa paglilinis dito sa loob nang mansiyon. Pero hindi ako pinatulong nila kaya wala akong nagawa kundi nakisabay nalang sa panunuod nang telebisyon ni Lolo Guil.
Nanuod kami ngayon nang action movies kaya hindi naming maiwasang hindi mapasigaw ni Lolo Guil kaya natawa nalang kami sa inakto namin. Nang matapos ang palabas ay naghintay naman kami ni Lolo Guil sa susunod Fast And Furious kasi ang sunod kaya naghintay kami.
Pero bigla naman itong nag-iba nang channel at ayun nga Golf na ang palabas.
"Lolo Guil wag mong ibahin!" pagmamaka-awa ko rito.
"hija wala sa akin ang remote"
"ha?"napatanga nalang ako rito.
Nanghaligapin ko kung nasan ang remote ay agad ko namang nakita ang gwapong asungot.
"Hey, Mr. LQ" wave ko rito sabay ngiti
"Don't Call me that name stupid girl" sabi nito sabay tingin sa akin nang masama.
"Bakit naman? E Louis Quimpano ka naman in short LQ diba?" pagtatama ko rito.
"Call me with my whole name not in short cut"
" nge? Alangan naman Louis Quimpano ang palaging tawag ko sayo ang haba" pagrereklamo ko rito
"Then don't talk to me"
"pwede ba yun?" tanong ko
"why are you so talkative"
"because I was born to talk to you" sabay kindat ko rito na ikina-irita nito at agad umalis.
Si Lolo Guil naman ay tumawa lang habang nakikinig sa aming sagotan kanina.
Kinahaponan ay ginawa ko na ang gawain ko kaya ngayon ay nasa Golf area na ako ngayon naglilinis.
Habang naglilinis ako ay biglang may humarang sa winawalisan ko nang tingalain ko ito. Agad naman bumungad sa akin ang gwapong asungot.
"You know I'm angry at you" sabi nito
"O? Bakit naman? Hindi naman kita sinaktan ah?" sabi ko
"I'm angry because you always have something to say and don't you know I'm the boss here?"
"Yes, you are a boss but you seem to be mismanaging it"
"Don't blame me on my management here because you're just a housemaid"
"Hay! Naku! Wala na akong english nagamit ko na lahat manipis lang ang dictionary ko kaya bahala ka na!" sabi ko rito sabay patuloy sa ginagawa ko.
"Bahala na talaga ako dahil tingnan natin kong kakayanin mo pang mabuhay sa lahat nang mga ipapagawa ko sayo" pagbabantang sabi nito.
'Aba Kakayanin ko talagang mabuhay kapag ikaw na ang kasama ko habang buhay' pangbabara nang isip ko