©5

128 1 0
                                    

Pagdating namin sa loob nakita namin ni Lolo Guil sina ate Melanie, Xayah at Amylyn na nakayuko ang ulo. Tinalikuran sila ni Lolo Guil at agad pumasok sa loob.

Lumapit naman sila ate melanie sa akin at amylyn.

"pinagalitan ka rin ba?" tanong sa akin ni ate melanie

"Hindi po"

"buti ka pa ate Feli" malungkot na sabi ni amylyn sa akin.

"Ano ba ang trabaho nang babaeng yan?" tanong ni Xayah sa akin.

"taga luto ng pagakain ni Lolo Guil, taga linis nang quadra at golf area" sagot ko sa tanong ni Xayah

"Weh?" tanong ni Xayah sa akin.

"Oo, yan ang trabaho ni Felicya, isipin niyong maigi kabago-bago niya pero lahat nang trabaho niya ay nagawa niya at nalinis niya din ang kwarto niya kahit puyat siya sa paglilinis yan dapat ang tingnan niyo nang pansin" sabi ni Lolo Guil na kinayuko ko

"Graveh ka Feli nagawa mo yun? Anong sercreto mo?" tanong ni ate melanie sa akin

"wala naman akong secreto melanie ey" ngiting sabi ko.

"ate Feli patingin nang kwarto mo mamaya ha?" sabi sa akin ni Amylyn

Tumango lang ako nito.

"Alam niyo wag kayong mamangha alam naman natin na simula lang yan mabait ey at saka hindi natin alam kong may baho din yang e bubuga pagdating nang mga  araw" sabi ni Xayah sabay pasok sa loob nang mansiyon.

Hinagod ni ate melanie ang likod ko sabay ngiti sa akin. "wag mo nang pansinin yun ganyan talaga yang malditang yan" sabi ni ate melanie na tinutukoy ay si Xayah.

Ngumiti naman ako kay ate melanie " ok lang po yun melanie" sabi ko nito " ate melanie ako na po ang magluluto nang dinner natin ngayon pwede po ba?" pahabol kong tanong nito.

"sige ate feli" ngiting sabi ni amylyn sa akin.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong nanunuod si Lolo Guil ng Telebisyon. Kaya hindi ko nalang ito nilapitan at pumasok na sa kusina.

"Ano po ang Lulutuin mo ate Feli?" tanong sa akin ni Amylyn.

"Adobong Baboy at Pinakbet" sabi ko sabay tadtad nang mga gulay para sa lutuin kong pinakbet.

"Wow? Siguro po masarap yan" matakam na  sabi amylyn " pero ate wag mong kontrahin si ate melanie ha? Magagalit yun sayo sige ka" pahabol na sabi ni amylyn sa akin

"Hindi ko naman aagawin ang pwesto ni ate melanie mo syempre siya parin ang cooker natin dito pero sa ngayon ako sa muna kasi feel ko napagod kayo ey" pahayag kong sabi ni amylyn.

Tumango lang ito sabay alis sa kusina. Kaya ako naman ay nagsimula nang magluto. Pagkatapos ay lumabas ako sandali upang maghanda sa lamesa pero nakita ko na naka-upo na pala sina ate melanie, Xayah, amylyn, at si Lolo Guil. Pero may kulang si Manong Edring kaya lumapit ako sa lamesa.

"Amylyn tawagin mo si Manong Edring dun sa kwarto niya para kumain tayo nang sabay-sabay" sabi ko kay amylyn

Napatingin naman lahat kay Lolo Guil at tumingin ito sa akin. Napangiti nalang ako dahil napaisip ako na siya pala ang Don.

"Lolo sorry pwede po ba?" tanong ko dito

"Go ahead amylyn call Edring to join us here" sabi ni Lolo "Simula ngayon sabay-sabay na tayong kakain sa mesang ito nagkakaintindihan ba?" pahabol na sabi Lolo

"Opo Don Guil" sabay nilang sabi

" Call him Lolo Guil din" singit ko

Natawa naman si Lolo at tumango sinyas nang pagsang-ayon nito.

Pagdating ni manong Edring ay agad naman akong tinulungan ni ate melanie sa pagserve nang niluto ko.

"Ate melanie este melanie" tawag ko nang atensiyon ni ate melanie "May topperwer jan sa gilid ate bigyan niyo din nang pagkain ang asawa niyo po"ngiting sabi ko.

Agad naman lumapit si ate melanie sa akin. "Paano mo nalaman na may asawa ako dito?" pangambang tanong nito sa akin.

"sinabi po niya sa akin" sabi ko kay ate melanie.

"hay! Naku yang asungot na yun talaga!" sabi ni ate na mangiyak na sa kaba

Natawa naman ako "ate melanie wag kang mag-alala hindi ko kayo e bubuking" sabi ko " basta't stay strong kayo ok!?" pahabol na sabi ko sabay labas sa kusina.

Habang nasa hapagkainan kami ay hindi talaga maiwasan ni Lolo na mapatingin sa adobo ko kaya kumuha ako nang maliit na karne at inilagay sa plato niya. Napatingin naman siya sa akin.

"alam kong kanina pa kayo natatakam niyan" ngiting sabi ko

"pwede ba hija?"

"Lolo hindi po kayo mamatay sa isang tikim lang niyan hindi mo naman yan araw-arawin ey" sabi ko nito.

"salamat felicya"

"hija Felicicha ang sarap nang ulam ah san mo to natutunan?" tanong sa akin ni manong edring.

"Kay lola po manong edring" ngiti kong sagot

"aba? Hindi tayo pinatikim ni manang rebe nito ah?" sabi ni manong edring sabay tango nang lahat.

Natawa nalang ako sa inakto nila sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay nama-alam na si manong edring na bumalik nasa gawain niya na hindi namin alam. Sina Xayah at amylyn naman ay gumawa na nang kanilang gawain.

Habang si ate melanie ay nagpa-alam upang punatahan ang kanyang honey bunch.

Pagpasok ko sa kwarto ni lolo ay agad kong nakita na kinuha niya ang isang treasure chest box na iwan ko kung ano ang laman kung kayamanan ba o isang oracle nang manghuhula.

Nang ibigay niya ito sa akin. Ay napatanong nalang ako sa isip ko. Nang tingnan ko si lolo ay nakahiga na ito. Nangbuksan ko ang treasure Box ay nakita ko ang napakaraming sulat.

'ano kaya ang mga sulat nito? Para sa akin na ba ito?' tanong ko sasarili ko.



Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now