©30

124 3 0
                                    

Nakahiga na ako sa kwarto ngayon tapos ko ng binihisan si Veca na ngayon ay natutulog na. Pero napatayo nalang ako dahil sa pagtawag ng pangalan ko na nagmula sa labas. Agad naman akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko ang nakasalubong na kilay ni LQ. Kaya nagsalubong din ang Kilay ko rito.
Pinapahinahon ito ng mommy niya kaya mas lalo akong naguguluhan.

'may kasalanan ba ako?' patanong ng isipan ko.

"Ma matulog na po kayo mag-uusap lang po kami ni LQ" malambing kong sabi sa mama ni LQ

Tumango naman ito kasabay ng pag-lis nito.

Pag-alis ng mommy ni LQ ay nilapitan ko ito sabay bitad sa kamay nito papuntang labas.

"Bat ka sumisigaw! Gabi na! At san ka galing!?" galit kong tanong rito.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan kong saan ka galing! Naghahanap ako sayo sa buong bayan! Mula umaga tapos ngayon pagdating ko galit ka!?" pasigaw na sabi ni LQ

"Sinisigawan mo ako?" gulat kong sabi rito.

Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na agad humawak sa kamay ko. Binalikwas ko ito "Dun ako sa kwarto ko matutulog pag-ikaw gumawa ng katarantadohan humanda ka sa akin Louis! Wag mong subukang gisingin si Veca dahil alam mo kong anong sitwasyon ko" mahabang pagbabanta ko rito.

Tinatawag niya ako pero hindi ko ito pinapansin hanggang sa pumunta ako sa kwarto ko dati at dun humiga para matulog.

Madaling araw ako nagising kaya bumangon muna ako para maglakad-lakad muna hanggang sa mag-umaga na.Pumunta ako sa mansyon at nagtimpla ng gatas at kumain na din na hinanda ng mommy ni LQ.

Sa ngayon na pagkatapos kong kumain ay naka-upo ako sa Sofa sa sala habang nanunuod ng paborito kong action movies.

"Moma Feli" masayang tawag sa akin ni Veca na lumapit sa akin. Bago niya ako yinakap ay hinalikan niya muna ang tiyanan ko.

"Morning" maikling bati ni LQ sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng masama na kasabay ng pag-iwas niya sa akin ng tingin.

'So ganyan ka lang? D ka magsosorry sa akin? Maging ma pride ka!?' galit na sabi sa isipan ko.

Buong araw akong iniiwasan ni LQ at buong araw ring nasa kwarto ito. Hindi ko alam kung anong ginagawa pero bumababa lang ito kapag kakain na.

Gabi na ngayon at katulad ng ina-akala ko na baka susuyuin ako ni LQ pero ni anino nito hindi ko makita.

Napanguso nalang ako habang naglalakad papunta borol. Dinala ko rin ang speaker ko at nagdamit din ako nang makapal para hindi mahamogan.

Napa-iyak nalang ako dahil hindi ko akalain na hindi na pala ako sinusuyo ng taong mahal ko. Dati kasi sa tuwing mag-aaway kami ay sinusuyo niya ako.

"Yan ka kasi Feli ey! Ang maldita mo!" sabi ko sa sarili ko sabay buhos ng luha ko.

Habang umiiyak ako ay bigla namang may yumakap sa akin na ikinagulat ko. Gusto ko sanang sumigaw kaso ang hinalikan niya ako sa batok ko.

"Sorry sweety" sabay sabi nito

Tumulo naman agad ang luha ko " Ikaw naman kasi ey! Sinigawan mo ako alam mo namang kahit kailan hindi mo ako sinigawan sadyang kagabi lang talaga" pahagulgul kong sabi.

"Shhh.....I know thats why I'm here to say sorry to you I was scared when you suddenly left without even saying you were leaving tapos What if something happened to you and my baby? what will I do?" malungkot nitong tugon sa akin "do you know that baby and you are my life right?" pahabol nitong sabi.

Tumango lang ako rito.

Ilang oras din kami ni LQ dito sa Borol na naka-upo nagtatanong ito kong saan kami pumunta kagabi bat ko raw kasama si Lolo Guil at dun ko sinabi lahat.

Nagulat si LQ sa umpisa na inakala na ang grandmother nito ay kabi pero ng pina-intindi ko ang storya nila ay tumatango-tango lang ito.

"Kaya pala ganun ang ngiti ni Grandpa while may katawag s Telepono" sabi ni LQ  sa akin.

"Nakita mo pala?" ngiti kong tanong

"i have eyes my wife pero ngayon ko lang nakita si Lolo na ganun kasaya" bungisngis ni LQ

"alam mo parang teenagaer si Lolo Guil ey! May patawag-tawag pa siya tapos sasayaw bigla kapag masaya ang pag-uusapan ng babae niya" pangiti ko sabi ni LQ na ina-alala ang mga kilos ni Lolo Guil.

"Yeah" tango nito " what is that sweety?" pahabol na tanong ni LQ habang tinuturo ang malikt kong speaker.

"Mini speaker ko" sabi ko sabay hayag sa speaker ko.

"can we use it?" tanong nito

Tumango naman ako at agad pinatug-tug ang mini speaker ko. Nang magsimula na ang tugtug ay napasandal naman ako sa dibdib ni LQ.

Hindi ko namalayan ng bigla nalang hinawakan ni LQ Ang dalawa kong  kamay sabay patong niya sa balikat nito. Naguguluhan naman ako pagkatapos ay hinawakan niya ang beywang niya ako At sumabay sa indayog ng tugtug.

Nakasandal parinang mukha ko sa dibdib niya habang sumasayaw kami. Sobrang saya ko  kasi dati pinapangarap ko lang na sana isang lalaki ang sinasayaw ako. At heto nga si LQ lang pala ang lalaking hinahanap ko.

Ang lalaking bubuo ng buhay ko. Alam kong dati akong ulila at si LQ naman ay naghiwalay ang parents nito na hindi ko alam ang dahilan. Gusto ko na sa aming pagsasama ni LQ ay maging kami pa rin sa isa't isa.

"Love?" tawag ko rito.

"hmm?"

"promise me na until we get old you'll stay by myside ok? And ipapadama natin kay baby na kumpleto tayong pamilya" malungkot kong tugon.

Agad naman tumingin si LQ sa akin " Feli? Sweety listen to me ok!? I love you no matter what happen ikaw ang babaeng mamahalin ko at aalagaan ko pinapangako ko din sayo na yung pinapangarap nating buong pamilya ay tayo ang bubuo non ok?" sabi niyo

Tumango lamang ako kasabay ng paghalik niya sa akin.

'Now it feels as though my decision to marry LQ is complete and I have never regretted it'


Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now