©3

148 2 0
                                    


Nasa harapan ako nang kwarto ni Lolo Guil kaya kumatok ako nito. Sabay pihit nang door knob.

"Lolo Guil?" tanong ko habang dahang-dahan na pumasok sa loob.

"Felicya hija halika dito" sabi nito

Kaya napunta ang tingin ko sa terrace nang kwarto ni Lolo Guil. Malaki ang bahay ni Lolo Guil. Lalo na ang Terrace nito na may coffee table set don at doon nga cya naka-upo habang nakatingin sa mga ulap.

Lumapit naman ako sa terrace at inilapag sa table nito ang tray na dinala ko.

"Lolo Guil kain na po its 12:00 na po kaya sige na wag magmatigas ang ulo dahil omeje na talaga kong anong mangyari sa inyo specially sa Lola ko na parang si prita kong magalit" pag-alalang sabi ko

Tumawa naman si Lolo Guil sa akin " hija sino naman yang si Prita?" tanong nito sa akin.

"Ay! Naku Lolo kong alam mo lang kung sino si Manang prita iwan ko lang kong maiintindihan niyo yun" pahayag ko kay Lolo Guil na nakatawa pa rin."O sige na Lolo kumain kana po wag tawa nang tawa" sabi ko dito

"Hija sa susunod na dalhan mo ako nang pagkain ay magdala ka rin para sayo para sabay tayong kakain ok ba yun?" sabi ni Lolo sa akin.

"Sige po Lolo"

Pagkatapos kumain at uminom nang gamot si Lolo ay agad ko naman itong pinatulog upang magpahinga. Ako naman ay bumaba na upang masimulan ko ang trabaho ko.

Ang trabaho ko ngayong hapon ay ang linisin ang quadra at golf area. Kaya wala na akong paligoy-ligoy pa at agad pinuntahan si manong edring.

Hinanap ko sa buong hacienda si manong edring upang magpaturo kong paano linisin ang quadra at ang golf area. Nang hindi ko ito mahanap ay nagpasya akong pumunta sa quadra. Pagdating ko dun ay doon ko nakita si manong edring na naglilinis nang mga dumi nang mga kabayo.

Lumapit naman ako dito "manong edring" tawag ko dito.

Humarap naman ito "O? Felicicha? Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni manong edring.

"Sabi po sa akin ni Lolo Guil ako raw po ang maglilinis dito sa quadra" sagot ko kay manong edring

"Ganun ba? O sige tuturuan kita bago ako pumunta sa aking mga gawain"

Tumango naman ako. Katulad sa sinabi ni manong Edring ay tinuruan nga niya akong malinis dito sa quadra. Pagkatapos ay sinabihan niya din ako tungkol sa paglilinis nang golf area.

Nang umalis si manong Edring ay minadali kong linisin ang quadra upang makalinis na ako sa golf area. Nang pumunta na ako sa golf area ay napangiti ako dahil 2:30pm palang ay tapos na ako sa quadra.

Habang naglilinis ako nang golf area ay hindi ko naman ma pa-alis si manong guard na panay chika sa akin.

"Alam mo Felicitae ikaw lang talaga ay kasambahay na tumawag kay Don Guil na Lolo ey kahit si Amylyn hindi yan nakatawag nang ganyan ey" sabi sa akin ni manong guard.

"bakit naman po manong guard?" tanong ko dito

"dahil sa apo nitong masungit na si Sir LQ" sagot naman ni manong guard

"sinong LQ?"

"Ang apo ni Don Guil"

"ahh?? May apo po pala si Lolo Guil?" tanong ko dito.

"aba! Oo naman tatlo ang mga apo  ni Don Guil ganon din ka dami ang apo nito"

"Hoy! Ikaw manong guard ah! Ini-echos mo ako niyan ey!"

"Uy! Hindi ah!" sabi nito

"O kung hindi niyo ini-echos sige nga payongan niyo nga ako" pangbobola ko nito.

"sus! Sige na nga total malakas ka naman sa akin dahil talkative kang bata ka" sabi ni manong guard sabay alis.

'thank you lord at may magpayong na din sa akin' pasasalamat nang isip ko.

Nang bumalik si manong guard na may dalang payong ay napangiti ako dito.

"Uy!manong guard ang galing niyong kausap ah!" pabiro kong sabi kay manong guard.

"E sa magaling kang mang-uto ey"

Natawa naman ako sa pangbabara ni manong guard at hindi ko akalaing alam niya palang binabara ko din siya.

"Manong guard may asawa na po ba kayo?" tanong ko kay manong guard

"aba! Oo may asawa na ako bakit balak mo ba siyang palitan?" sabi sa akin ni manong guard.

"hoy! Manong guard ang kadiri niyo po!"

Natawa naman ito at agad ring sumeryoso " Oo Felicitae may asawa na ako yun yung magandang babae dun sa mansiyon"

"Talaga po? Sino po?"

"Si Melanie"

"Weh? D ako maniwala"

"Oo nga! Ang ganda nga nang lovestory namin ey" napangiting sabi ni manong guard

"Talaga po ey pano po yan ey ang layo naman nang agwat niyo ni ate melanie?" tanong ko kay manong guard

"malayo talaga e 8 years yung gap namin nun ey"

"Talaga po?" pagkamanghang tanong ko

"Oo, kaya ikaw felicitae tawag mo sa akin kuya doming or kaya kuya dominick kasi ang gwapo ko sa dominick" ngiting sabi ni kuya dominick.

"kung ganon po kuya edi ang tawag ko sa inyo ay kuya nick yan! Mas bagay sa inyo kasi diba kung tawagin kayong kuya dominick ay gaguwapo kayo e pano kung tawagin pa kayong kuya nick e mas babata at gagwapo kayo nun" pahayag ko kay kuya nick.

"Talaga ba Felicitae?"

"Oo, kuya nick magtiwala kayo"

"ey! Hindi naman kati-katiwala yang mukha mo ey" pangbubully sa akin ni Kuya Nick

Agad ko namang tiningnan nang masama si kuya nick na ngayon ay nakatawa na.

"Ewan ko sa inyo kuya nick ang bully niyo" simangot kong tugon nito

"sige sumimangot kapa at tingnan natin kong sino sa atin ang tatandang maaga" pangbabara sa akin ni kuya nick.

"syempre kayo po e ang tanda niyo na po ey lalo na po kung ang tawag ko sa inyo manong guard" sabay tawa nang malakas.

Agad naman umalis si kuya nick dahil sa kapikonan.

'ayan marunong kayong mangbully tapos ngayon nagwawalkout' sabi nang isip ko.

Natawa nalang ako sa inasal nito. At agad pumasok sa loob nang Golf house. Dito kasi inilagay ang mga kagamitan sa paggogolf. Nang pumasok ako sa loob ay napakakalat kaya wala akong nagawa kundi linisin iyon lahat.

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now