©14

94 2 0
                                    

Kinabukasan habang nasa kusina ako naghahanda nang pagkain ni Lolo Guil ay bigla nalang may sinalapak na papel sa noo ko. Nang kunin ko ito ay agad nakita ko si gwapong asungot. Gusto ko sanang magalit pero dahil sa gwapo nitong mukha ay napasmile nalang ako.

Nang tingnan ko kung ano ang nakasulat sa papel ay napa-awang nalang ang labi ko sa gulat nito.

"Stupid girl, stop taking care of Grandpa because from now on you'll obey my commands and melanie will do your job" sabi rito sa sulat.

'Ha?' tanong nang isip ko.

Napatakbo naman ako papunta sa kwarto ni Lolo Guil. Pagpasok ko ay agad ako lumapit ni Lolo.

"Lolo legit po to?" sabi ko sabay pakita sa papel.

Tumango naman si Lolo Guil " Louis is the boss in this house Felicya and wala akong magawa kong yan ang utos niya" sabi ni Lolo.

Napabuntong hininga naman ako sa sinagot ni Lolo "hayss...wala tayong magawa Lolo e sa gusto niya akong makasama ey" sabi ko sabay tawa.

"You know I'm really surprised you are so full of confidence in yourself" pangkamangha ni Lolo Guil sa akin.

"Because LOla Rebe tells me I shouldn't be discouraged by everything I do in life" sagot ko kay Lolo Guil.

Napatango naman ang matanda "Good luck then hija" sabi nito.

Umalis na ako sa kwarto at agad hinanap si asungot. Nilibot ko na ang buong mansiyon pero wala paring gwapong asungot ang nakita ko. Kaya no choice ako kundi lumabas na ng mansiyon. Pagalabas ko ay pumunta na ako agad sa swimming pool nagbaba sakali baka nandun ang gwapong asungot.

Tama ako nasa pool nga nakahiga nagpapachill chill sa life. "hey, future husband kong masungit" tawag ko rito.
Agad naman itong tumingin sa akin sabay kuha sa eyeglass nito.

'urghh! Isa nalang' gigil sa isip ko

"What are you calling me?" sabi nito sa
akin habang nakasalubong ang kilay nito

"Sabi ko LQ"

"Don't call me by that name"

"Ok" kibit balikat ko "Ano pala ang mga gawain ko?" pahabol kong tanong

"Well, let's change your schedule yung part na magluluto ka ng pagkain para kay Lolo ay para na sa akin ngayon and Lilinisin mo na din ang kwarto ko then lastly whatever I command you, you must obey nagkakaintindihan ba tayo?" mahabang sabi nito.

Tumango na nga ako. Pagkatapos ay tinalikuran ko na ito.

"Saan ka pupunta?" tanong nito

Humarap naman ako "Edi gawin ang mga pinagawa mo"

"What? I haven't ordered you yet"

"diba sabi mo lilinisin ko ang kwarto mo? Kaya ngayon lilinisin ko na" sabi ko rito.

Tumango naman ito.

"by the way ano pala ang gusto mong kainin ngayong tanghali?" pahabol kong tanong

"Its up to you stupid Girl" sabi nito sa akin.

Pagdating ko sa kwarto nang gwapong asungot ay bumungad sa akin ang kwartong puno nang ewan mga gamit na kahit saang sulok ay makikita mo talaga.

'jusko! Gwapo nga pero ang kwarto parang dinadaanan nang bagyo' sabi ko sa sarili ko

Tumingin ako sa relong pambisig ko at exsaktong 9:30 nang umaga.

'9:30 ka magsisimula felicitae kaya tatapusin mo to hanggang 11:00' utos nang isip nito sa akinKaya sinimulan ko na ang paglilinis.

Ilang araw na din akong naging isang buntot ni Mr. LQ at walang araw din na hindi ko babarain ang gwapong asungot na yun. Hindi ko maiwasang mapangiti palagi kahit nahihirapan na ako sa ginagawa ko. Gabi lang kasi ako makapaghinga at tapos ang aga ko gumising sa umaga.

Gabi na ngayon at alas dose na nang gabi kakatapos ko lang sa gawain ko. Balak ko sanang matulog na nang tingnan ko ang gawin ko bukas ay napabuntong hininga nalang ako at lumabas sa kwarto ko.
Nasa golf area ako at sinimulan ko nang gawin ang gumawa ng malaking bahay-bahayan para sa thanks giving nang mga Quimpano. Ito ang utos ni gwapong asungot sa akin bukas ko na sana ito gagawin pero dahil marami akong gagawin bukas ay ginawa ko na.
Pagkatapos nang bahay-bahayan na ginawa ko ay agad naman ako naglinis nang quadra. Pagkatapos ay nagsimula naman ako ngayong magluto para kay gwapong asungot alas sais na kasi nang umaga.

Pagkatapos kong magluto ay agad kung pumunta sa kwarto nito at nilagay ang pagkain. Pagdating ko sa kwarto ko ay napahiyad nalang ako sa sakit nang likod ko. Mahapdi na ang mata ko kaya no choice kundi hiniga ko ka-agad ang katawan ko sa higaan ko.

'Dear Felicitae,
          Lumaban ka lang girl para sa Lola Rebe mo to'


Nagising nalang ako dahil sa may tumatapik sa akin. Nang e mulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin si Xayah na nakasuot nang magandang damit at naka maskara. Napabangon naman ako dito upang harapin ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito

"Kaninang umaga kapa natutulog girl kaya gumising kana gabi na at saka pinapatawag ka sa amo mo" sabi nito

"Ano? Wala na bang pahinga?"
Nagkibit-balikat nalang si Xayah " Girl nag insist na sana ako na ako na ang sasalo sa trabaho mo pero ang kaso kailangan ikaw raw ang gagawa nun" sabi ni Xayah sa akin.

"Sige pupunta na ako dun" sagot ko rito.
Pagka-alis ni Xayah ay agad naman akong naligo at nagbihis nagdamit ako nang Maxi dress ko na color blue na binili ko dati sa boutique. At inayos ko naman ang buhok kong mahaba na inilagay ko sa kabilang leeg ko at nag mask din ako katulad na sinuot ni Xayah kanina.

Pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa golf area kong saan may maraming tao na nagsasayawan nang lumapit ako rito. Ay bigla nalang may humablot sa akin na lalaki hindi ko alam kong sino ito dahil sa maskara at sa ilaw na madilim nakisayaw lang ako dito.

"Hi" britonong boses nito

"uhm...Hi" sabi ko sabay linga sa paligid habang hinahanap si gwapong asungot.

"can I court you" biglaag sabi nang lalaki na kasayaw ko

"Ha? E sorry not available ako kasi gusto ko kasi si asungot" sabi ko rito bigla naman itong napangiti na hindi ko alam ang dahilan "Ngumiti ka ba?" tanong ko rito.

"Nope" sabi nito sabay bitaw sa pagkahawak nito sa akin kaya napahinto naman kami sa pagsasayaw. Lumapit ito sa akin "thank you for being so honest" bulong nitong sabi sa akin.

Naguluhan naman ako sa inakto nang lalaki. Pero benaliwala ko nalang ito at nagpatuloy sa paghahanap nang gwapong asungot.

'asungot nasan ka na ba? Pag-ako pinagalitan mo hahalikan talaga kita' maharot na sabi nang isipan ko

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now