Gabi na kaya pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan namin nila Lolo na magjamming muna dito sa baba bago ito matulog kaya hito kaming lahat nasa sala. Naglalaro kami nang hula-hulaan tapos nagkantahan. Kaming lahat ay narito pwera nalang kay Xayah na nasa kwarto nito.
Kaya napag desisyon kong pumunta sa kwarto nila Xayah. Pinihit ko ang door knob nito at tamang-tama hindi ito naka lock.
Nakahiga lang si Xayah habang nakatingin sa kisame nito. Double deck kasi ang higaan nila amylyn at si Xayah ang nasa taas.Kaya umakyat ako sa higaan nito.
"Xayah?" pukaw ko rito.
Agad naman siyang bumaling sa akin at bumangon sa pagkahiga.
"Bat ka narito?" diretsahang tanong nito
"Kasi ikaw lang yung wala dun sa sala ey kaya pinuntahan kita baka kasi kong anong nangyari sayo dito" mahinahong sabi ko.
Tumango lang ito sabay yuko "Ayoko ko siyang makita Feli" malungkot na tugon ni Xayah sa akin.
"Sino?"
"Si Nicolas"
"Bakit anong ginawa niya sayo?" naguluhang tanong ko
"Mahal ko siya Feli pero yung agwat namin sa lipunan sobrang baba ako kasambahay at siya amo ko" iyak na sabi ni Xayah
Agad naman akong lumapit rito at yinakap ito sabay hagod sa likod nito " shhh alam ko yun pero Xayah sana naman hindi mo yan gawing basihan sa pagmamahalan niyo" sabi ko rito
Napalayo naman si Xayah sa akin at tumingin ng maigi sa akin "anong ibig mong sabihin Feli?" naguguluhang tanong nito.
"Ang ibig kong sabihin kong mahal mo talaga si Nicolas ay hindi mo yan pag babasihan yang estado niyo at saka Xayah malaki kana at si Nicolas rin may karapatan kayong magmahalan at magsama kung tutuusin" pagtatamang sabi ko.
"Alam mo Feli tama ka"
"Matagal na akong may tama"
Tumawa nalang si Xayah kaya napatawa narin ako rito. Pagkatapos nang aming pagkukwentuhan ay napagdesisyunan ko nang lumabas. Si Xayah naman ay magpahinga sa raw muna.
Paglabas ko agad naman bumungad sa akin si Nicolas. E sinara ko muna ang pintuan bago ko hatakin si Nicolas palabas nang mansiyon papunta sa quadra.
"Hoy! Ikaw! Alam kong narining mo lahat so ano ba talaga?" diretsahang tanong ko rito.
Napayuko naman ito "Actually pareho kami nang feelings ni Xayah mahal ko rin siya Feli but Xayah always think that were not capable for each other she thinks that she's just a maid and were really not meant to be" pagpa-intindi ni Nicolas sa akin.
"hayss...pag-ibig ba naman oh!" pagsasabi ko rito "pero ano ba talaga mahal mo si Xayah o hindi?" pahabol kong tanong.
"Mahal ko siya"
" yung pala ey edi e padama mo sa kanya ligawan mo ganun!" diretsahang sagot ko.
"Pero paano kong papatigilin niya rin ako?" natatakot na tanong nito.
"alam mo hindi kita gets sabi mo mahal mo? Edi kung mahal mo sipagin mo kung papatigilin ka niya wag kang tumigil hanggat hindi mo masungkit ang matamis niyang 'Oo' gets mo ba yun?"
"fine" sabi nito sabay alis
Ako naman ay napalabas nang malakas na bunting hininga.
'Bakit ang dadrama nila pareho?'
'may estado-estado pa silang nalalaman'
'Si Mama nga na mayaman ay pinakasalan niya si Papang hardinero lang nila noon'
'hay naku! Pag-ibig ba naman'
Pagsasabi ko sa isip ko habang bumalik sa kwarto ko. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita tiningnan ko ang petsa sa kalendaryo at tamang-tama bukas ay sabado na.
Bago ako natulog ay nagplano ako na lumiban muna sa paglilinis o magdouble time ako. Kaya napagdesisyunan kong maglista muna sa mga bibilhin ko.
Pagkatapos nang aking ginawa ang hinagilap ko naman ang wallet ko at alkansiya ko. Kailangan ko nang 2k kaya nang buksan ko ang wallet ko tamang-tama 5k ang laman kaya nagbuget na din ako nang lahat-lahat bago ako matulog.
Kanina pa ako gustong humiga pero ang kaso hindi pa ako dinadalaw nang antok ko kaya no choice ako kundi lumabas at maglakad-lakad.
Sa aking paglakad-lakad ay na padpad naman ako sa swimming pool sa hindi pa ako nakalapit ay nakita ko ang bulto nang babae at lalaki. Nagyayakapan ang dalawang ito at wala na akong ibang naisip pa kundi si Nicolas at Xayah ito.
Napangiti nalang ako sa nakita ko kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko sabay higa sa higaan ko.
'Dear Felicitae,
Kailan kaya dadating ang taong mamahalin mo nang lubusan?'