Eversince na nagkausap kami ni Ivan noong naghihintay kami ng jeep ay palagi na siyang ngumingiti pagnakikita ako dito sa campus. Ngumingiti rin naman ako pabalik pero agad rin iiwas dahil nahihiya pa rin ako sakaniya.
Pinagmamasdan ko lang siya pag hindi siya nakatingin sa akin. Ayaw ko kayang malaman niya na crush ko siya! Sapat na sa akin yung ganitong level up na ngumingiti siya sa akin at alam niya ang pangalan ko.
Papunta kami nila Bea ngayon sa gym dahil championship na sa basketball nila Ivan at ang kalaban nila ay kapwa naman 3rd years. Huling araw na rin ng Intramurals kaya lahat ng mga studyante ay excited.
I'm excited too dahil makikita kong lalaro si Ivan. He was the team captain of his team.
Pagdating namin sa gym ay buti nalang may nakita kaming magandang pwesto na makikita ang kabuoan ng laro. Agad agad naman kaming umupo ni Bea at Kalia at naghintay magsimula ang laro.
"Sino kaya pinaka-excited sa ating tatlo?" Sabi ni Bea as she tapped her chin with her finger. Pinaningkitan ko naman siya ng mata at hindi siya sinagot.
"Feel ko 'yong isa nating kasama, Be." Natatawang sagot ni Kalia.
"Feel ko rin. Feel mo ba 'yon, Nikka?" Sabi ni Bea at sinundot ang aking tagiliran.
I was ticklish kaya natawa ako ng bahagya nung sinundot niya ako pero agad kong binawi ito at ibinalik ang blankong ekspresyon sa aking mukha.
"Kanino ka susuporta?" Tanong ni Kalia sa akin. "Sa kapwa natin 3rd years malamang." I said in defense.
I saw how unconvinced they were with my response and laughed hysterically.
"Sure ka dyan ah." Natatawang sabi ni Bea.
Hindi na ako sumagot dahil nagsimula na ang laro. Sa 1st at 2nd quarter ay mainit na agad ang labanan dahil naghahabulan sila ng score. Sa 3rd quarter ay nakalamang ang mga 3rd year kaya todo hiyawan ang mga kasamahan ko.
"Let's go Tigers! Let's go! Rawr!" Chant ng mga 3rd year, nakisabay naman rin ako sa chant dahil sinusuportahan ko ang aking team.
Sa 4th quarter ay humabol ang mga seniors kaya nanahimik ang aming panig at ang mga 4th years naman ngayon ang maingay.
"Tuklaw, Vipers! Tuklaw!" Malakas nilang chant mula sa kabilang side ng gym.
Nakita kong na kay Ivan ang bola, tumingin naman ako sa oras at mayroon na lamang siyang 15 seconds para ma shoot ang bola at mananalo na sila. I crossed my fingers as I eagerly watched him dribble the ball. I saw how the 3rd years try to steal the ball from him and how his team mates guard him well.
Biglang nanahimik ang lahat as everyone was focusing on whether or not mas-shoot ni Ivan ang bola. The anticipation built up inside of me kaya sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Akala mo ay naroon ako sa posisyon ni Ivan at todo ang aking kaba.
He positioned himself to shoot the ball.
"GO IVAN!"
I widened my eyes dahil narealize kong I shouted that as he shot the ball. He looked at my direction and when he saw me, he smiled.
I stood frozen on my position nang maramdaman ko ang mga tingin ng lahat ng tao sa gym.
Oh my god, oh my god! Did I actually just said that? Ano bang pumasok sa isip ko at bigla bigla nalang tatayo at sisigaw ng 'Go Ivan'? Shit. Shit. Shit.
My gaze was also focused on Ivan who was smiling from ear to ear. I heard the buzz go off at naghiyawan ang mga 4th years. He winked at me bago tumalikod at pumunta sa kaniyang teammates.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
General Fiction(ON-GOING) Ang buhay ay hindi isang diretsong na daan na madali nating matatahak at makakapunta na tayo agad sa ating destinasyon. Paminsan mawawala tayo, paminsan akala natin tamang daan ang ating tinatahak, paminsan magandang kapaligiran ang ating...