11

6 0 0
                                    


"Gano na nga ulit kayo katagal?" 

I looked at Aine with curiosity. Nasa library kami nag-aaral para sa midterms nang bigla siyang nag salita.

I leaned back on my chair and looked up at the ceiling. I tapped my ballpen under my chin, trying to recall kung gaano na nga ba kami katagal ni Ivan.

"A year? More than a year." I shrugged. "Pakiramdam ko nga ang tagal tagal na naming magkakilala!" I said and smiled at her.

She just nodded and went back to writing her notes. "Mukha nga, sana all diba?" Bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya.

"Ikaw ba? Wala kang boyfriend? Wala kang nak-kwento sa akin eh! Akala mo talaga hindi tayo mag bestfriend." Sunod sunod kong sabi. 

Her head shot up to look up to me, mukhang nagulat pa. 

Bakit? May nasabi ba akong mali? 

Pero maya maya ay binigyan niya naman ako ng ngiti at umiling. "I think..I think it's not for me? My relationships don't always work eh." 

Tumaas naman ang isa kong kilay, "Ha? Bakit naman? Eh, kung lalaki ako edi sana niligawan na kita!" 

She playfully rolled her eyes. "Pero 'di ka naman lalaki diba?" She chuckled. "Ewan, parang panglaro lang ako eh." Sumeryoso bigla ang kaniyang mukha at binalik ang tingin sa kaniyang notes.

Tiningnan ko lamang siya. Pero, hindi naman panglaro si Aine eh. Alam ko 'yon. Hindi na ako nangulit pa at baka ay ayaw niya pag-usapan.

"Nandyan na pala sundo mo." Siniko ako nang bahagya ni Aine noong paglabas namin ng pintuan. Natapos na kami kaka-aral at pagod na pagod na utak ko. Parang ayaw ko na pala sa ABM.

Lumingon naman ako sa lalaking nakatayo sa aming harapan. I felt like my face instantly lit up when I saw him. "Hi!" Masigla kong sabi.

"Mauuna na ako." Paalam ni Aine sa amin. I hugged her goodbye and Ivan waved at her bago siya tuluyang umalis.

"Kamusta?" Tanong ni Ivan. I looked back at him and pouted. "Should I shift?" Sabi ko.

He raised an eyebrow at me. "1+1?" Tanong niya bigla.

Ha? Anong 1+1? Ang out of topic naman non. "2." Sagot ko nalang rin.

"Oh, edi kaya mo mag ABM." Nakangiti pa niyang sabi.

Aba'y... Ba't ko nga ba 'to jinowa ulit? 

"Aray! Aray ko naman! Nikka!" Paulit-ulit niyang sigaw dahil pinaghahapak ko siya.

"Eh, kung 1+1 lang naman lagi sa ABM, edi sana hindi alanganin grado ko!" Irita kong sabi sakaniya. 

Natawa lamang siya at inakbayan ako. Kinuha niya rin ang aking bag at siya na nagdala nito. "Kain nalang tayo, baka sakali hindi na 1+1, maging 2+2 na." Humalakhak naman siya ngayon.

Inis kong inalis ang kaniyang pagkaka-akbay at naunang maglakad. Pinipigilan ko sarili kong matawa kasi aasarin niya nanaman ako dahil ang babaw ng kaligayahan ko kahit walang kwento mga biro niya.

Naririnig ko pa ang tawa niya noong hinabol niya ako at inakbayan ulit. Dinala niya lang ako sa labasan ng school kung saan may iba't ibang street food na nakadisplay. Parati kaming tambay rito pagkatapos ng mahabang araw sa eskwelahan.

Bigla ko nanamang naisip si Aine habang kumakain kami. "May tanong ako," Sambit ko habang ngumunguya ng chicken skin.

Tumingin naman sa akin si Ivan habang iniinom yung gulaman niya. Tinaas niya lang ang kaniyang isang kilay na senyales kung ano ang aking tatanungin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where the Road LeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon