7

12 2 0
                                    

"You don't need to say anything,"

I felt so many unusual things inside my stomach. Is this what they call 'butterflies' in your stomach pag kinikilig ka? Unti-unti ko rin namang naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin kay Ivan.

I was already falling in love with him but I wanted to say it back in the right time.

Hindi naman porket sinabi niya na ay dapat may obliga akong sabihin iyon pabalik and it was nice knowing that I don't need to say anything back, I wasn't pressured to say it back.

After we ate ice cream ay hinatid niya na ako papuntang bahay. We just talked about what our expectations would be for the incoming school year and paano namin haharapin yung mga chismis na ibabato sa amin.

Ganon ang mga tao eh, kahit ibabaw lang ang alam nila pero ang tabas ng kanilang mga bibig ay kasinglalim pa ng karagatan.

"Ready ka na ba sa first day?" Nakangiting tanong sa akin ni Ivan.

It was our first day of school today at napagdesisyon niyang sunduin ako para sabay daw kaming papasok. He was just wearing an open buttoned denim long sleeve and underneath it was a white shirt. He was wearing maong jeans and white shoes.

I was just wearing a yellow sun dress and also a denim jacket, I was also wearing white shoes. Tinali ko lang ang buhok ko with a yellow scrunchie.

I took a deep breathe and nodded. "10th grade won't be so hard naman siguro diba?"

He playfully shrugged and chuckled. "You have to find out."

Nagpaalam na kami sa mga magulang ko at lumabas na ng bahay. Habang naghihintay kami ng jeep ay naka akbay siya sa akin habang bitbit niya yung bag ko.

Sinabi ko sakaniyang kaya ko naman bitbitin 'yon mag-isa pero sadyang nagmatigas pa rin siya at gusto niyang siya mag dala.

We parted ways pagdating sa gate dahil malayo layo pa ang kaniyang lalakarin papunta sa Senior High building. Buti nalang ay nakita ko agad sila Bea at Kalia na naglalakad papunta sa assigned classroom namin.

Dali dali akong naglakad para makahabol agad sakanila. Noong nasa likod na nila ako ay sabay ko silang tinapik kaya napalingon sila sa akin.

Nanlaki ang kanilang mata at agad silang nag cling sa aking mga braso na parang mga bata.

"Hoy! Ang landi landi niyo ni Ivan jusko! Yung Instagram niya parang hindi na siya kaniya, parang account mo na 'yon!" Kilig na kilig na sabi ni Kalia.

"Kayo na ba? Sabihin mo! Kayo na ba?" Pangugulit ni Bea.

I chuckled and shook my head. Sumimangot naman sila bigla sa sagot ko.

Napakamot si Bea sa kaniyang batok at ngumuso. "Ang hina pala ni Ivan. Ano ba yan!"

"Walang kwenta." Kalia disappointedly said.

"Pero nag I love you na siya."

Napatabon naman ako sa magkabilaang tenga ko dahil tumili sila ng napakalakas, pakiramdam ko ay mababasag yung pandinig ko dahil sa tili nila.

"My god." Mahina kong sambit nang mapagtanto ko na pinagtitinginan na kami ng ibang studyante dahil sa ingay nilang dalawa. Napayuko naman ako dahil umiiwas ako sa mga tingin nila.

"Anong sinabi mo pabalik?" Excited na sambit ni Bea.

"Wala."

"What the fuck, Nikka." Kalia said in disbelief. Humalakhak naman ako dahil sobrang nakakatawa yung mga itsura nila, para silang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa dismaya.

Where the Road LeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon