"Ha?"
Bahagyang umawang ang aking labi sa pagkabigla. Did he just say I was beautiful? Gsauce! Hindi ata kinakaya ng puso ko 'to.
"Sabi ko, you look beautiful." Ivan repeated and smiled at me.
Umiwas naman ako ng tingin ng maramdaman kong nagiinit ang aking mga pisngi.
"Thank you?" Mahina kong sambit. "Ngayon lang 'to." Pagbibiro ko pa.
Tumingin na muli ako sakaniya noong nakalma ko na ang aking sarili. He shook his head at akmang magsasalita pero hindi niya ito tinuloy kaya ipinagwalang bahala ko nalang ito.
Tahimik lang kaming dalawa na sumasayaw at nakatingin pa sa magkabilang direksyon.
Nakikita ko kung gaano na kalapit ang iba naming mga schoolmate sa isa't isa habang sumasayaw.
Noong natapos ang kanta ay hinatid na ako ni Ivan sa aming table, "Salamat, Nikka."
"Thank you for making it memorable." Sambit ko.
He just nodded and smiled shyly before going back to his friends. I saw how eagerly his friends were looking at us, naghiyawan pa sila noong nakabalik na sila Ivan sakanila.
"Saya ka?"
Muntikan pa akong mahulog sa aking kinauupuan dahil mayroong biglang bumulong sa akin.
Lumingon ako at sinamaan ng tingin si Bea. Si Kalia naman ay nasa likod niya nakangiti. Pinagitnaan nila ako at nakita ko sa kanilang mga mukha na naghihintay silang mag kwento ako.
"Bouquet..dance.." Sabi ni Kalia as she tapped her finger on her chin. "Sabihin mo sa amin, kayo na ba at hindi mo lang sinasabi sa amin?"
My forehead creased and I shook my head vigoursly. "What?! No!" I said in defense.
Bea slumped on her seat and crossed her arms while Kalia massaged her temples. I innocently looked at the both of them like I'm a lost puppy.
"Be, mahina." Sambit ni Kalia.
"Olats." Tugon naman ni Bea.
"Look, he doesn't like me okay? He's just being friendly." Sabi ko as I held both of my hands up para malaman nilang wala akong alam.
"Hindi ko inaakala na ganito pala ka dense si Nikka." Kalia mockingly said.
Was I really dense? Hindi ko naman kasi talaga nararamdaman na gusto ako ni Ivan.
He just smiles and waves at me. Eto na ata yung pinakamalapit na interaction na meron kami other than noong pinakauna namin paguusap nung nag hihintay kami ni jeep.
I mean..if he does like me, magsasabi naman siguro siya.
Anyone could give me flowers and it won't mean anything! Ayaw kong bigyan kahulugan lahat ng nangyari ngayon kasi baka ako lang nag a-assume.
I slumped on my seat when Valentine's Day arrived.
Magkabilaan ang mga nagbibigay at nakakareceive ng mga regalo ngayong araw ng mga puso.
Pati si Kalia at Bea may natatanggap! Sana pala nag-absent ako ngayong araw.
Kung hindi lang sana siguro last day of exams ngayon ay umabsent na talaga ako.
"Nik, eto oh. Para may matanggap ka rin." Mapangasar na sabi ni Kalia at naglapag ng mangilan-ilan na chocolates sa desk ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko. Di ko type ang chocolates."
Tumawa naman siya ng malakas. "Sus, wag ako Nikka. Ilang taon na tayong magkaibigan, alam kong paborito mo ang chocolates."
I pouted at hindi na sumagot sa kaniya. Bea walked towards us with a mouth full of chocolates, mayroon pangbahid ng chocolate sa gilid ng kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
General Fiction(ON-GOING) Ang buhay ay hindi isang diretsong na daan na madali nating matatahak at makakapunta na tayo agad sa ating destinasyon. Paminsan mawawala tayo, paminsan akala natin tamang daan ang ating tinatahak, paminsan magandang kapaligiran ang ating...