"Bilisan mo na, Nikka!" Sambit ni Bea.
Nag-aayos na kami para sa Buwan ng Wika celebration namin ngayong araw, kelangan kasi namin mag-ayos at magsuot ng naayon sa okasyon. Napagdesisyunan ni Kalia at Bea na dito sa bahay maghanda para daw sabay sabay na kaming pumunta sa school.
"Sandali nga. Kali, pa-zipper naman ng likod ko oh." Nahihirapan kong sabi at lumapit kay Kalia na kanina pa tapos mag-ayos. Tumalikod ako, lumapit naman siya sa akin at tinulungan akong i-zipper ang aking Filipiniana.
I was wearing a light pink Filipiniana, it was more on the modern side dahil cocktail style ito at bedazzled. Si Kalia naman ay naka-traditional cream colored Maria Clara style Filipianiana. Si Bea naman ay naka puting fitted Filipiniana.
I put my hair in a bun and let some strands loose in the front. I also put on some gloss on top of my pink lipstick.
"Oh, tapos na ako. Okay na?" Natatawa kong sambit sakanila na kanina pa naghihintay sa akin.
Kalia playfully rolled her eyes at me. "Finally!"
Nagpaalam na kami sa mga magulang ko at nag book kami ng taxi para hindi na kami mahirapan papuntang school.
Ivan wanted to be with us pero mas nauna na siya sa school dahil may sarili ring event ang Senior High. I didn't bother him dahil I understand that we have our own respective events.
"Pag wala pang na in love sa akin sa itsura kong 'to, ewan ko nalang." Mahinang sambit ni Bea habang hawak hawak ang compact mirror sa harapan ng kaniyang mukha.
She retouched her blush, sabi niya pa kanina dapat mukha daw kinikilig lagi dahil gusto daw ito ng mga lalaki.
"Behave ka nga! Naka Filipiniana ka, tapos ganyan ka?" Sambit ni Kalia sa front seat.
"Ay, bakit ba? Modern Filipina ako eh, medyo shy medyo malandi." Humalakhak naman si Bea sa kaniyang sinabi.
"Ipapareto ko nalang kayo sa mga kaibigan ni Ivan, para matahimik mga kaluluwa niyo." I said and smiled at them.
Almost instantly they looked at me with beaming faces. They both even squealed synchronously.
I got my phone out to text Ivan.
To: Ivan
Pa-reto nga kay Kalia at Bea d'yan sa mga kaibigan mo. May single ba?
I looked at them who were still eagerly looking at me waiting for a response.
"Tinext ko na si Ivan. Chill nga mga pochi niyo." I said and scratched the back of my neck. They were still smiling from ear to ear at parehas tumalikod para mag retouch.
I just shook my head and chuckled.
From: Ivan
Sige, mangbubudol lang ako mamaya.
Napalakas ang tawa ko pero agad kong tinabunan ang aking bibig dahil nalingon sa akin si Kalia at Bea.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa school. Naghati hati rin kami sa bayad para sa taxi para hindi ganoon kabigat sa bulsa.
Marami na ang studyante sa campus pagdating namin. Dali dali naman kaming pumunta sa gym dahil doon gaganapin ang event.
I looked around to search for Ivan pero hindi ko siya nakita. I took a deep breathe. Baka mamaya ay makita ko naman siya.
Both of the girls dragged me around the booths. Sunod lang rin naman ako ng sunod and enjoyed whatever we were doing.
I was gazing over the streetfoods stall when a heavy arm draped over my shoulders.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
General Fiction(ON-GOING) Ang buhay ay hindi isang diretsong na daan na madali nating matatahak at makakapunta na tayo agad sa ating destinasyon. Paminsan mawawala tayo, paminsan akala natin tamang daan ang ating tinatahak, paminsan magandang kapaligiran ang ating...