10

6 0 0
                                    


"Nikka!" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses, agad naman akong napangiti nang makita si Bea at Kalia na papalapit sa akin.

We were all wearing our togas and graduation cap. Today is finally the day.

Niyakap ko agad sila noong nakalapit na sila sa akin. "Wag na kasi kayo mag-ibang university." Pagmamaktol ko kaya natawa naman sila.

"Clingy mo naman. Wag kang mag-alala, kukulitin parin kita parati sa chat." Natatawang sabi ni Kalia. I chuckled as well.

"Tara na sa loob! Mags-simula na!" Pag-aaya ni Bea. 

Bago pa man kami pumasok sa venue ay tumingin muna ako sa paligid at hinanap si Ivan. Sabi niya ay papunta na raw siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Pamilya ko naman ay nasa loob na, naghihintay lang magsimula ang graduation ceremony.

I let out a sigh nung hindi ko siya nakita, baka na traffic lang at maya-maya ay meron na rin iyon. Sumunod na ako kela Bea papasok sa venue. We greeted our classmates, congratulating one another even when the ceremony hasn't started yet, we reminisced our moments together in Junior High. It was like an ending but also a beginning for something greater ahead of us.

We settled down nung nagsimula na ang ceremony. I just looked ahead as the preliminaries of the ceremony started. The awarding ceremony commenced kaya naman tumayo na ako at luminya. Tumabi naman sa akin si Papa na siyang magsasabit sa akin ng medalya.

"Nikka Avery Lim, With honors." Sabi ng announcer. Agad naman akong umakyat kasama si Papa. I shook hands with my teachers and principal, binigay naman nila kay papa ang medalya at sinuot niya ito sa akin. Kumuha kami ng ilang litrato bago bumaba ng stage. 

Niyakap ako ni Papa pagbaba namin ng stage bago siya bumalik kung saan sila nakaupo kasama sila Mama. Napangiti naman ako dahil don at bumalik na sa kinaroroonan ko. Hindi nanaman nakauwi si Kuya William para sa graduation ko pero naiintindihan ko naman dahil mas lalo na siyang sumisikat sa Maynila, at natutuwa naman ako para sakaniya. 

Pagkatapos ng awarding ceremony ay umakyat si Sofia, ang aming batch valedictorian, at nagbigay ng maikling mensahe para sa aming lahat. 

"Let's keep soaring high and beyond. Congratulations to all of us graduates!" Masiglang sabi ni Sofia. Maya't maya ay idineklarang official graduates na kami kaya sabay sabay namin itinapon sa ere ang aming mga graduation caps at nagyakapan.

Naiiyakan pa kaming tatlo ni Bea at Kalia habang magkayakap. "Walanghiya kayo, ang ganda ganda ng make-up ko ngayon tas pinapaiyak niyo lang ako." Sabi ni Kalia habang pinipigilan yung luha na tuluyang sirain make-up niya.

"Thank you for giving me the best 4 years I could ever experience in Junior High." I emotionally said. Bea gently patted my head and Kalia gave me a warm smile. "Hindi ko alam pano ako makaka-survive ng Junior High kung wala kayo." Natatawang sabi ko.

"Basta kung sasaktan ka ni Ivan, nako! Sabihan mo kami agad. Walang pag-aalinlangan, kahit nasan ka at nasan kami ay pupuntahan ka namin." Sabi ni Bea. I chuckled and nodded. 

"Malabo pero oo, tatandaan ko yan. Ganoon rin ako sainyo, kung sakaling heartbroken kayo o kaya may problema kayo, pupuntahan ko agad kayo." I replied.

We said our final goodbyes to each other before going to our families. Sinalubong naman ako agad ng yakap ni Mama, paulit-ulit niyang sinasabi kung gano siya ka-proud sa akin. Binigyan rin ako ng yakap ni Papa at ni Ate Queenie. Napansin kong hindi nila kasama si Ivan.

"Wala si Ivan?" Mayroong kalungkutan sa aking tono. They just smiled at me at nakatingin sa likod ko. Sinundan ko naman ang tingin nila at bumungad agad sa akin na malaking bouquet na white peonies and sunflowers. Unti-unti itong bumaba at niluwa ang pagmumukha ni Ivan. 

Where the Road LeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon