"Alam mo, punta tayo dun sa mga turo turo! Nagugutom na ako eh."
Hinila ko na siya papunta roon sa may mga nakahilerang street foods banda sa likuran ng People's Park.
Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin sa sinabi niya. Umiwas rin ako ng tingin dahil feeling ko nagiging kamatis na ako sa sobrang pula ng mga pisngi ko.
Ganito pala ako kadali kiligin? Nakakahiya talaga.
Narinig ko namang natatawa si Ivan mula sa likuran ko at inalis niya ang pagkakahawak ko sakaniyang kamay saka siya umakbay.
"Chansing ka uy!" Sabi ko at agad na tinanggal ang kaniyang pagkakaakbay.
"Tapos yung pag hawak mo sa kamay ko hindi?" Mapang asar niyang sabi.
Napamulsa nalang ako at nanahimik habang papalapit na kami sa mga street foods.
Pagkarating namin roon ay kumuha ako ng proben at isinawsaw ito sa maanghang na suka. Ganoon rin ang ginawa ni Ivan.
"Gusto mo? Kain ka." Sabi niya at ihinarap sa akin ang kinuha niyang isaw. I opened my mouth at pinakagat naman niya ito sa akin.
I was just enjoying my food when I caught him staring at me. I raised an eyebrow as my face was stuffed with food.
"Akala ko ayaw mo sa ganito." Sambit niya.
I cleared my throat. "Pa'no mo nasabi?"
"Anak mayaman ka eh." He said and shrugged.
I chuckled. "Hindi naman ako yung mayaman eh. Mga magulang ko. I'm just..Nikka. Mas gugustuhin ko ring makatipid kaya."
His eyes glowed with admiration and he smiled at me. When we finished eating naupo muna kami sa mga benches na nasa lilim ng mga puno.
"Nag e-enjoy ka naman diba?" Ivan suddenly asked.
Napasandal naman ako sa bench at dinama ang simoy ng hangin. I nodded. "Oo naman."
We both stayed silent. I smiled as I saw a little girl kissing the cheek of her playmate.
"Tingnan mo, cute nila." Sambit ko at itinuro sila.
"Bata bata pa ang landi na." Natatawang sabi ni Ivan.
I just smiled. "Ivan." Tawag ko sakaniya.
"Oh?" He responded and looked at me.
"Bakit ako?" I said and looked at him straight in the eyes.
"Bakit naman hindi ikaw?" He said. Sumandal na rin siya sa bench kagaya ko.
I shrugged. "I don't know. Ang dami daming magaganda na halos ka-level mo lang. Mas lalo na siguro ngayong mag s-Senior High ka. Panigurado marami kang makikilala." I said in a low voice.
I was feeling so insecure kahit pa man ay crush ko si Ivan, I know I was way out of his league. I just feel that I'm..average.
"Pero hindi naman sila..ikaw." He said reassuringly.
"They'll be better than me. I'll be hidden in the shadows by then." Nanlulumo kong sambit.
"Nikka," He called. I glanced at him with sad eyes. Napupuno ako ng kalungkutan at kinakain ako ng mga insecurity ko.
"Remember that I won't make decisions if I wasn't sure." Sabi niya.
I sighed heavily.
"I'm sure about you."
I took a deep breath at tumingala ako sa kalangitan para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko. I don't want to be so emotional in front of him.
"Asan ka mag s-Senior High?" Pilit ko nalang ibahin ang topic.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
General Fiction(ON-GOING) Ang buhay ay hindi isang diretsong na daan na madali nating matatahak at makakapunta na tayo agad sa ating destinasyon. Paminsan mawawala tayo, paminsan akala natin tamang daan ang ating tinatahak, paminsan magandang kapaligiran ang ating...