CHAPTER ONE

142 6 2
                                    

//"Summer after high-school when we first met..."//



It was summer, naglalaro kami ng kaibigan ko ng basketball.

"Akig!" sigaw ni Jason, pinasa niya ang bola sa'kin. Agad ko naman itong nasalo saka ako derederetsong nag dribble papunta sa ring at ipinasok ang bola.

Tumunog ang buzzer, tapos na ang laro. We won. Agad akong nag tungo sa bleacher ng court para kunin ang tuwalyang ipamumunas ko sa basang basa kong katawan. Umupo ako saka nagsimulang punasan ang noo ko.

"Akig ! Arat libre ni coach !" excited na sigaw ni Jonas. Kambal sila ni Jason, kaya lang sobrang kabaliktaran naman ang pag uugali ng dalawa. Si Jason ang tipong seryoso sa lahat samantalang si Jonas naman kabaliktaran nito.

" Sige sama ako"

Sa isang karenderya kami dinala ni coach. Masasarap ang mga pagkain dito kaya madami ring mga dayo. Matatagpuan ito malapit sa tabi ng dagat kaya't maganda rin ang tanawin.

"Kumain lang kayo ng marami" sambit ni coach habang Kumakain. Tumango naman lahat ng kasama ko.

"Hooo! busog.." hawak hawak ni Jonas ang tiyan habang hinihimas himas ito. May hawak rin itong toothpick sa isang kamay.

"Sino bang hindi mabubusog kung naka tatlong order ka?" sarkastiko kong sabi.

" Ikaw nga 'dyan 'e halos hindi naubos ang isang order. Yung totoo Kig, gusto mo na bang machugi?"

"Malamang hindi. Ayaw ko pa" ipinako ko ang tingin sa malawak na dagat. "Hindi ako pwedeng mamatay ng NGSB" seryoso kong sabi't nilingon siya.

"PFTT!! HAHAHAHAHAHA" umalingawngaw ang boses ni Jonas. May ilan ring nagsitinginan sa gawi namin.

"Hinay hinay lang J baka mamatay ka kakatawa. Alam mo bang nakakamatay ang pagtawa ng busog?" nakita kong natigilan ito, saka nagtatanong ang matang tumingin sa'kin.

"Totoo? ba't ngayon ko lang narinig 'yan? Pauso ka masyado Kig!"

"Uto uto." bulong ko saka binalik ang paningin sa dagat.

Lumipat ang tukmol sa katabi ng inuupuan ko. Ginaya niya ang pustura ko, maging ang pagkakaupo ko' T kung papaano ako tumingin sa dagat.

"Naniniwala ka ba talagang may meant to be ka -- aww!" siniko ko siya. Hindi dapat ginagawang biro ang mga ga'nong bagay !

"Wag na wag mong gagawing biro ang lovelife ko tukmol ka!"

"Alam mo Kig, napaghahalataan ka na talaga. Jowang jowa kana ba talaga huh?! " singhal niya sa harap ko. "Kase kung oo, alam mong marami akong pwedeng ereto sayo. Ano bang klase ang gusto mo? Yung coca cola body ba o yung mala 1.5 L?"

"Manahimik ka nalang. Yan ang gusto ko"

"Sungit mo! Kaya hindi ka nagkakagirlpren 'e!"

"Sapak gusto mo?!" umamba akong kunwari'y susuntukin siya, agad itinaas niya ang dalawang kamay, nangangahulugan ng kanyang pagsuko.

Muli akong lumingon sa kalawakan ng dagat, tinanaw ang isang yate na may sakay na hindi karamihang mga tao ngunit hindi' roon napako ang mga mata ko, kundi sa babaeng nasa unahan nito. Habang mas lumalapit ang yate, mas lalong lumilinaw ang paningin ko sakanya. Ang ganda niya, mula sa maaalon niyang buhok hanggang sa mukha nitong walang makikitang kahit ano mang depekto. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong.. grabe, mukha siyang dyosa.

THE ONE THAT GOT AWAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon