CHAPTER THREE

70 1 0
                                    


Hawak hawak ko ang aking gitara habang nakaupo sa seawall kaharap ng dagat. Alas tres na ng hapon, nagsisimula na 'ring mag kulay orange ang langit.

"Kig!" rinig kong tawag sa'kin. Sa boses palang niya ay nakilala ko na agad kung sino' yon. Palihim akong napangiti saka nagkunwaring hinarap siya habang  nagugulat.

"Lira.."

"Ginagawa mo?" malumanay niyang tanong habang umuupo sa tabi ko.

"Wala Lang. Muni-muni" nagbaba siya ng tingin sa hawak hawak kong gitara.

"Hmm.. can you sing for me?"  nahihiya akong tumango.

"Bangag boses ko ngayon kaya pag pasensyahan mo na" umayos ako ng pagkakaupo, ganun rin ang ginawa niya. Umusog siya ng mas malapit sa'kin.

Sinimulan kong  'e strum string ng gitara ko saka nagsimulang kumanta.

Hindi masabi ang nararamdaman, 'di makalapit

Sadyang nanginginig nalang, mga kamay na sabik sa piling mo oh..

Bahagya akong huminto saka muling itinuloy ang pagkanta. Tumagilid ako paharap sakanya.

Ang iyong matang wala mintis sa pagtigil ng aking mundoooo oh..

Ako' y alipin ng pag-ibig mo

Handang ibigin ang 'sang tulad mo

Sinadya kong harapin siya nang kantahin ko ang bahaging 'yon. Kitang kita ko ang  lalim ng pagtitig niya na para akong unti unting nalulunod dahil' ron. Marahan kong ipinikit ang aking mata saka mas lalong dinama ang kinakanta.

Hangga't ang puso mo'y sa akin lang hindi kana malilinlang

Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin...

Didilat na sana ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit sobrang sarap nito sa pakiramdam.Nagdulot ito ng sandamakmak na kuryente sa'king katawan. Dumagundong rin ng  napakalakas ang tibok ng puso ko. Unti unti kong dinilat ang aking mata, bumungad sa'kin ang napaka amo niyang mukha. Nakapikit siya, dahilan kung bakit napagmasdan ko ng di katagalan ang kanyang maamong mukha. Naudlot lamang ito ng dumilat na siya.

"A-ah.. sorry" yumuko siya na para bang nahihiya sa nagawa. Napangiti akong tumitig sakanya.

"Alam mo bang.. first kiss ko 'yon?" bigla ay nagtaas siya ng paningin. "Dapat panindigan mo 'to" nakangisi kong tinuro ang aking labi.

"H-huh?"

"Halaman.." pagbibiro ko, bumusangot ito.

"S-sorry nadala l-lang ako." ramdam ko ang pagkahiya niya.

"Hmm.. 'yun lang ba talaga?"

"W-what do you mean?" nalilito nitong ani.

Mukhang ito na ang pagkakataon

Humugot ako ng lakas. Ito na 'yon, wala nang atrasan pa.

"Lira, gusto kita. Gustong gusto." nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Awtomatiko kong hinawakan ang pisnge niya saka pinunasan ito.

"Sorry.. nabigla ata kita" nagbaba ako ng tingin.

"N-no.. I w-was just shocked. I t-thought hindi mo'ko gusto"

"Unang kita ko palang sa'yo, nahulog na agad ako" tangina, hindi ko alam nakakabakla pala kapag umamin.

"S-same.." 

THE ONE THAT GOT AWAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon