Hi guys, sorry sa pangmatagalang update huhu. Dami ko na kasing ginagawa tapos nqg start na 'rin tong virtual learning kaya masyadong tambak ang mga modules na nasa harapan ko. I promise, I'll do my best para makapag update every other week. By the way, maikli lang ulit ud na' ting ngayon, habaan ko na sa next chap pramis!Thank you!
CHAPTER EIGHT.
Only know you've been high when you're feeling low..
Only missed the sun when it starts to snow..
Only know you love her when you let her go...
When you let her go....
Tanging pagbuntong hininga nalang ang nagawa ko matapos ang kanta. Sa mga nakalipas na araw, tanging ang musika nalang ang nagpapagaan ng loob ko kahit papaano. Ito nalang rin ang paraan upang maibsan ang pangungulila ko kay Alira... Mag dadalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng huli kaming makapag usap.
Hindi ko magawang tanggapin na kailangan kong mamili sa kanila at mas lalong hindi ko lubos maisip na hindi ko siya pinipili, ngunit yun nalang ang magagawa ko. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Alira at kung gaano ko siya nais makasama hanggang sa nabubuhay ako pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana..
Walang araw na hindi ko nilalabanan ang sariling kamustahin siya o kahit e text lamang sya. Laging nagtatalo ang isip at puso ko sa mga gagawin ko. Hindi pa man kami hiwalay ay parang nababaliw na'ko kakaisip sa sakanya, ano pa kaya kung wala na kami? Matapos ang nangyaring yon ay may nangyaring raw sa kaniyang Tita kaya dali dali silang umalis at ngayon, magdadalawang linggo na silang hindi nakaka uwi.
Araw araw ay hindi niya ako kinakaligtaang e text bagay na ako dapat ang gumagawa bilang nobyo niya ngunit gustuhin ko man, hindi pwede. Naisip ko, mukhang plinano ito ng daddy niya upang mahiwalay siya sa'kin at makapag isip ako. Nakakagago siya! Hindi ko lubos akalain mayroong taong tulad niya na pera't luho lang ang hinahangad.
"Ayos ka lang ba anak?" mahihimigan ang pag aalala sa tanong ni nanay. Umupo siya sa gilid ko saka sinimulang suyudin ng tingin ang kabuuan ko. "Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong masyadong okupado ang iyong isipan.. May bumabagabag ba sa iyo?"
Tunay ngang higit sa lahat ng tao, ay ina ang mas nakakikilala sa kaniyang anak. Ngunit kahit gaano ko kagustong ipaalam sakanya ang lahat-lahat, ay hindi naman pwede.
" Wala naman po 'nay. Namimiss ko lang po si.. Alira, " totoong miss ko na siya. Sobra!
Maraha niyang tinapik ang kanang balikat ko. Deretso siyang tumitig sa kawalan.
"Kung ano man ' yang gumugulo sa'yo, wag kong kakaligtaan na narito lamang si nanay para sayo."
Bumuntong hinga akong tumango-tango.Ilang araw pa ang lumipas, ganon pa rin ang mga pangyayari. Lagi akong nagdadahilan t' wing tumatawag siya at hindi ako manhid para hindi maramdamang nagtataka na rin siya sa mga kinikilos pero pinili parin niyang intindihin lahat. Mas lalo akong nasasaktan na isiping sinasaktan ko na siya pero hindi niya man lang magawang umangal. Napakabait niya at alam ko sa sarili ko kung gaano niya ako kamahal. Potangina naman kasi! Bakit kailangang magkaganito? Ba't sobrang sama naman ng tadhana para sa'ming dalawa.
Masama bang magmahal ng hindi mo kasing yaman o kasing hirap? Nasa estado ba ng buhay nakasalalay kung sino ang pipiliin mong mahalin? Kapag ba mayaman ka, ibig sabihin ay mayaman na rin ang dapat mong mahalin? Tangina naman! Potanginang mindset yan!
Bigla akong naputol sa pag iisip ng tumunog ang telepono ko. Hindi na ako magtataka kung si Alira na naman ang tumawag. Hindi nga ako nagkamali, si Alira nga..
*BEBEKOH IS CALLING*
Mapait akong napangiti ng masulyapan ang registered name niya. Namimiss ko na ang bebeko..
"Hello?" bungad ko.
[ I missed you... ] I missed you too.. sobra
"Ganon ba? Kelan ba uwi niyo?" pagsusubok kong ibahin ang topic. Rinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.
[ We're home.. already ]
"Uh.." sa isip ko'y gusto kong kamustahin siya, tanungin kung anong nangyari sa araw niya at sobrang dami pang iba pero sa huli, pinili ko nalang manahimik.
Rinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya. Ito na naman yung guilt, pota. Naiisip ko palang na nasasaktan ko na naman siya para na'kong sinasaksak.
[Hmm.. pwede ba tayong mag-usap?]
"Sige"
[ Sa dati pa'rin nating tambayan hmm? ]
" Sige, text mo'ko sa details. Kailangan ko ng ibaba babe, may tatapusin pa'ko . Ingat ka ha," sobrang sikip sa dibdib, alam mo yung feeling na gusto mo siyang tanungin ng mga bagay-bagay kahit na wala namang kwenta basta ba makausap mo lang siya? Dati malaya kong nagagawa lahat ng iyon.. dati
[Sige babe! I miss you.. Hintayin kita ha? I missed your hugs] bigla ay napalitan ng masayang tono ang boses niya.
"I missed you.. more"
![](https://img.wattpad.com/cover/229493618-288-k792209.jpg)