"Birthday na ni Lira bukas J. Ano kaya magandang regalo?" tanong ko habang humihigop ng sabaw. Nasa karinderya kami ngayon, hindi ko alam kung anong nakain nitong tukmol na'to at naisipang manlibre.
"Mahirap 'yan. Halos nasa kaniya na kaya lahat." sagot niya habang sinisimot ang buto ng baboy na halos wala ng laman.
"Kaya nga ' e" matunog akong bumuntong hininga. Nakita kong ngumisi siya ng nakakaloko. "Ano na naman yang iniisip mo?"
"Alam ko na kung anong pwede mong iregalo sakanya". kinuha niya ang natitirang laman sa mangkok ko.
"Ano?" inabot ko ang basong nasa gilid ko saka ito iniinom.
"Sarili mo." naibuga ko sa harapan niya ang iniinomng tubig.
"Tangina mo J." humagalpak siya ng tawa habang pinupunasan ang mukha gamit ang panyong hindi ko alam kung saan niya nakuha.
"Diba nga nasa kaniya na ang lahat? Oh edi e regalo mo nalang yang sarili mo." inilapit niya ang mukha saka muling nagsalita. "Virgin ka pa ba?"
"Gago! syempre naman, tinatanong pa ba yan?!"
"Hmm.. ba't ang defensive mo?"
"Tumahimik ka nga. Baluga mo!"
Kung alam ko lang na wala naman palang maitutulong sa'kin yung mokong na yon tinanggihan ko nalang sana ang libre niya.. hindi ko nalang sana siya sinamahan pa. Tuloy, nasayang lang ang oras ko. Wala pa'rin akong maisip na tamang eregalo kay Lira.
Sumubok akong humanap sa pinakamapit na mall, tumingin tingin ako roon ng pwedeng eregalo ngunit nabigo ako. Halos lahat ata ng nakikita ko't napipili ay meron na siya. Mula sa sapatos hanggang sa damit pati rin mga bag. Mas branded pa nga at mas mahal. Nahagip ng mata ko ang matandang nagtitinda sa gilid ng kalsada. Nakalatag ang iba t ibang kulay ng costumise bracelet na maaaring lagyan ng pangalan ng pagbibigyan.
Lumapit ako roon saka pumili ng magandang kulay na babagay sakanya. Pinili ko ang kulay brown saka marahang ibinigay sa tindero.
"Tatang, bibili po ako neto" inabot ko ito sakanya. "Maaari po 'yang lagyan ng pangalan di ho ba?"
"Oo iho. Ano bang pangalan ng nais mong pagbigyan nito? Nobya mo?" ngumiti siya saka isa sang kinuha ang mga gagamitin.
"Oho Tatang. ALIRA po ang ngalan niya. Birthday na po niya bukas.. wala na po akong maisip na eregalo sakanya dahil parang lahat na'y meron siya"
"Hmm.. paniguradong magugustuhan niya ito"
"Tingin niyo ho? medyo rich kid po kasi 'yon kaya hindi po ako sigurado kung magugustuhan niya." nagkamot ako ng ulo. Tiningnan niya ako deretso sa' king mata.
"Tandaan mo iho, hindi sa taas O baba ng presyo nakasalalay ang lahat ng kaligayahan ng isang tao." sambit habang sinimulang ikukit ang pangalan ni Lira. "Minsan eport (effort) ang lubos na pinagbabasihan lalo na't ang sabi mo'y siya ang iyong nobya." hindi ko napigilang mangiti sakanyang tinuran.
Mabilis na natapos ang araw. Hindi kami nagkasama sa kadahilanang masyado silang abala sa engrandeng kaarawan niya. Pinadalhan na 'rin kami nila nanay ng imbitasyon galing sakaniyang mga magulang. Ang sabi pa nga niya' y darating ang mga Tito't tita niya kasama ang mga anak nito. Ayos lang naman sa'kin iyon. Ano ba naman ang isang araw na hindi pagkikita lalo na't para naman din iyon sakanya diba?
[I'll wait for you tomorrow okay? be ready.] Sabi niya sa kabilang linya. Hanggang tawag nalang muna kami ngayon.
[Oo naman.. mag papagwapo ako ng husto para hindi mo na magagawang lumingon pa sa iba]