CHAPTER SIX

58 1 2
                                    

//Used to steal your parent's liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you//

Isang linggo na 'rin ang nakalipas simula nung kaarawan niya. Sobrang galit pa ni nanay sa'kin ng malaman niyang nag pa tattoo kami kesyo sobrang bata pa daw namin, hindi na rin daw malinis mga dugo namin kaya hindi na daw kami makkapag donate ng dugo sa hinaharap.

"Nay, maliit lang naman po ito oh" ipinakita ko ang maliit na tattoo sakanya.

"Kahit na Akig. Hindi parin tama ang ginawa niyo. Pa'no kung matetanos kayo kasi hindi pala malinis ang pagkakalinis ng mga
pinanggamit sa inyo? Nakuh naman anak, alam mo namang hirap tayo ngayon."

"Si nanay masyadong oa." sabat ni Naer. "Hindi naman po pipili si ate Alira ng pipitchuging magta tattoo sa kanila."

"Oo nga po nay. May tama siya." pag sasang ayon ko. Naiiling nalang si nanay na bumaling ulit sa'kin.

"Hay nako pinagkakaisahan niyo na naman ako." mahina kaming natawa ni Naer.

Hindi matampuhin si nanay kaya pinansin niya agad ako ng magtanghalian. Pagkatapos naming mananghalian ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Alira.

*BEBEKOH*

"Arat date :)"

Nangingisi akong parang aso na nagtipa ng mensahe sakanya.

*TO BEBEKOH*

"Swerte ko talaga sa jowa ko. Siya na mismo nag aayaya. Nakuh napagkakamalan kang patay na patay sakin niyan bebeko ^3^"

Wala pang isang minuto'y nag reply na siya.

*BEBEKOH*

"Wag nalang pala."

Nawala ang ngiti ko sa reply niya. Kaya agad agad akong nag tipa.

*TO BEBEKOH*

"Wala nang bawian bebeko.T_T  San tayo magddate? :)"

*BEBEKOH*

"Psh. Dito lang sa'min, sa rooftop to be exact. "

*

TO BEBEKOH*

"G! Mamayang alas 4?"

*BEBEKOH*

"Yep"

Since mamaya pa naman ang date namin ng bebeko, tinawagan ko muna si J saka inaya siyang maglaro ng basketball. Napagdisisyonan kong wag na munang maligo, yung tukmol lang naman ang makakasama ko e kaya hindi na kailangan. Mamaya nalang ako magpapagwapo pagka tapos kong maglaro.

"Mukhang good mood na naman si lover boy," bungad niya.

"Lagi naman J." ibinato ko sa kanya ang bola na agad naman niyang nasalo.

Nagsimula agad kami. Pareho kaming may ibubuga nitong si J pagdating sa basketball medyo lamang lang ako ng mga 90% sa kaniya. Kasali nga kami sa mga varsity player ng school namin kaya medyo kilala rin kami ng higat sa Kalahari ng populasyon ng mga estudyante sa school.

THE ONE THAT GOT AWAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon