CHAPTER SEVEN

61 0 0
                                    

A/N: Short update lang muna about sa pinag usapan nila Kig and daddy Hector. Also, I would like to ask 5 more chaps before the end of TOTGA. SCAM lang yung hanggang 10 chapts. HAHAHAHAHHA

LOVE YOU GRACES! ❤️

=============
CHAPTER SEVEN


"What is your relation to my daughter?"  seryosong pagkakasabi ng dad ni Alira. Naiwan kaming dalawa rito samantalang nasa baba na si Alira. Hindi pa sana siya papayag na iwan ako ngunit sadyang masyadong maawtoridad ang ama niya.

Napapalunok akong bumaling sakanya saka sumagot. "Nobya ko 'ho siya s-sir." napansin kong tumaas ang kilay nito saka ako pinasadahan ng tingin mula sa paa hanggang ulo. Agad akong nakaramdam ng konting inis dahil sa uri ng pagkakatingin niya sa kabuuan ko. May bahid 'yon ng pagkadismaya at kung ano ano pang hindi maganda na para bang liit na liit siya sa akin.

"So.. what's your family name?"

"Baldamero 'ho.." mula sa kanina'y napalitan ang ekpresyon nito na parang nag iisip.

"Hindi pamilyar ang apelyedo mo.. 'iho," ramdam ko ang pait sa pagkakasabi niya. Wala akong nagawa kundi ang yumuko nalang. "Mahal mo ba ang anak ko?" deretsahang tanong nito. Walang pag aalinlangan akong tumango tango.

"Mahal na mahal 'ho.." naglakas loob akong tumingin deretso sa mata niya. Wala akong mabasa ni anomang emosyon.

"That's good to hear." may kung anong humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon bagay na maaaring mangahulugan ng mabuting mangyayari. Ngunit ganon na lamang ang pagbagsak ng dalawa kong balikat ng muli siyang magsalita. "Hiwalayan mo ang anak ko."

Napapaawang ang labi ko siyang binalingan. "Ano  'ho?" pag uulit ko, nagbabakasakaling namali lamang ako ng pagkakarinig.

" If you truly love my daughter, then let her go. Break up with her." preskong pagkakasabi nito na para bang napakadali lamang iyon gawin. Gayong hindi ko man lang makayanang hindi makita ng isang araw ang anak niya, ang hiwalayan pa kaya?

" Mawalang galang na  'ho pero hindi ko po gagawin  'yon. Mahal na mahal ko si Alira," pilit kong nilalabanan ang namumuong galit sa loob ko dahil kailangan ko parin siyang respetuhin hindi lang dahil ama siya ng babaeng mahal ko,  kailangan ko paring respetuhin siya bilang nakatatanda.

" Alam mong unika iha ko si Ali. And I don't want someone to meddle with my bright plans for her... not even you." naikoyom ko ang kamao dahil sa sinabi niya.

"Kaya ko siyang bigyan ng magandang buhay. Gagawin ko lahat maibigay lang sa kaniya ang buhay na pinapangarap niyo." umiling iling ito habang nangingisi.

"You don't understand what I'm saying, do you?"
Hindi ako kumibo. Siya ang hindi nakakaintindi
" Okay I'll get straight to the point. Tatagalugin ko so you can understand well. Hiwalayan mo ang anak ko. Hindi ang tulad mo ang nababagay sakanya."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko, siguro ay may punto lahat ng kaniyang sinabi. Gayunpaman, hinding hindi ako susuko. Hindi ko isusuko si Alira, siya ang buhay ko.

" I'm sorry sir pero hindi ko po kaya." humalakhak siya na parang nahihibang. Hawak hawak niya ang tiyang gamit ang isang kamay, huminto siya saka matalim akong tiningnan.

"Mukang hindi ka madadala sa santong dasalan iho ," napapahiya niyang sabi. "Ganito nalang, kapag hindi mo hiniwalayan ang anak ako, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay niyo lalong lalo na ang nanay at kapatid mo. Kilala mo'ko, wala akong hindi kayang gawin." maawtoridad na banta nito. "Mamili ka.."

Putangina! Ba't kailangang idamay pati ang pamilya  ko?!  Hindi ko kayang pumili sa kanila, pareho silang mahalaga sa'kin...

Wala akong nagawa kundi ang yumuko saka ikuyom ang dalawa kong kamao. Sobra sobrang galit na ang nararamdaman ko, si Alira nalang talaga ang dahilan kung  bakit napipigilan kong hindi suntukin ang pagmumukha  niya.

"Wala akong kailangang piliin sakanila." tumalikod ako saka nagsimulang maglakad palayo. Muli siyang nagsalita na talagang nagpatigil sa akin.

"Tingnan natin kung hindi magbago ang isip mo sa gagawin ko."

Buong buhay ko, ngayon lang ako nahirapang pumili at mag desisyon. Mas pipiliin ko pang mamatay nalang kesa pumili sa kanila.. pero kung kinakailangan ko na talagang pumili, pikit mata akong pipili kahit na... labag sa puso't kalooban ko..

Alira...

THE ONE THAT GOT AWAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon