//We make out in your Mustang to Radiohead and on your Eighteenth birthday we got matching tattoos//
PS: MEDYO SPG. MEDYO LANG GUYS HAHAHA!
Naglalakad ako papuntang basketball gym. Suot ko ang blue jersey ko. Hawak ko 'rin ang bola sa kaliwang braso.
"Hoy Kig!" boses palang, alam kong si Jonas na.
"Oh?" ramdam kong bahagya pa niyang binilisan ang paglakad ng sa gano' y maabutan niya ako. Hindi ko alam kung saan siya ng galing.
"Mag babasketball ka?" tanong nito na para bang hindi nahalata ang suot ko pati ang bolang hawak ko.
"Di ba obvious?" nakataas kilay kong tanong. Umismid siya.
"Medyo." patawa niyang sagot. Binilisan ko ng bahagya ang lakad dahilan kung bakit naiwan ko siya. Nagmamadali na naman siyang lumakad papunta sa'kin. "Hoy hintayin mo'ko gago."
"Bakit kita hihintayin? Maglalaro ka ba?" pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Naka itim na pantalon siya saka simpleng tshirt na kulay blue.
"O-oo." ngayon lang niya na realize ang suot na damit. "Ito na ang bagong uso ngayon damit habang nagbabasketball." kampante nitong sabi.
"Tss."
Hindi ko aakalaing seseryosohin niya ang sinabi. Nakipaglaro nga siya sa'kin habang suot ang damit niyang 'yon. Hirap na Hirap siyang maagaw sa' kin ang bola hindi siya makagalaw ng maayos dahil sa suot niyang pantalon.
"Nakakapagod!" pareho kaming naliligo sa sariling pawis ng matapos ang laro.
"Hindi halata J." sarkastiko kong sabi. Sino ba naman kasi ang hindi mahihirapan sa suot niya pagkatapos ay makikipaglaro pa ng basketball.
Umupo siya malapit sa bleacher habang tagaktak pa'rin ang bawis. Sumunod 'rin ako matapos ang ilang sandali.
"So.. kamusta na kayo ng crush mo?" panimula niya.
"Hindi ko na siya crush." nagtataka niya akong tiningnan. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kase.. girlfriend ko na siya."
"HAHAHAHHAHAHA! PATAWA KA MASYADO KIG!"
"Gusto mo sapok?" inamba ko siya ng suntok. "Sabihin mo gawa." pag uutos ko.
"Psh! Yung totoo, nagdadrugs ka ba?--aww" binatukan ko siya. Hindi pa'rin naniniwala.
"Sa gwapo kong 'to iisipin mong nag dadrugs ako?!"
"San banda? wait di ko makita" umakto siyang nag angat ng tingin. Nagpalipat lipat ito mula sa kaliwang bahagi ng mukha ko hanggang sa kanan naman.
"Bulag mo tangina."
"Hakdog! Bakit mo naman naisip mag ilusyon na mag jowa na kayo ng crush mo? hayop Kig lakas na ng tama mo! hahaha"
"Ayaw maniwala amp." umiling iling ako saka tumayo upang kunin ang bola. Nag simula akong mag dribble saka dali daling shinoot ito sa ring.
"Totoo talaga? As in? mamatay pa'ko?"
"Wala akong pake kung mamatay ka" pinilit kong sumeryoso. Nakita kong bumusangot siya. "Joke lang."
"Tawang tawa ako sa joke mo grabe! ansakit na nga ng tiyan ko 'e" kunwari' y hinawakan niya ang tiyan saka napipilitang tumawa.
"Seryoso J. Kami na, walang halong keme."
"Seryoso na ha?" pagsisigurado niya. Tumango ako. "Seryoso?!"