05 STEC

15 6 8
                                    

"Fuck! Ang hirap mong turuan!"



Ilang minuto palang kami nagpa-practice at parang suko na agad siya.



Kailangan pa namin gumawa ng kasunduan. Huwag ko raw siyang guguluhin sa pagpana niya at tuturuan niya ako.



Sumpa talaga pag wala kang talent!



Ayaw ko lang talaga mapahiya kina Charlotte at Addi na nagsasaya tuwing pumapalpak ako kaya ko gagawin 'to.



Sorry headmaster, parusahan niyo nalang ako pero hindi ko iaalay ang pride ko.



"Hindi ka lang marunong magturo!" sagot ko pabalik.



"Normal ka pa ba? Bakit ka natatawa?!" inis na sabi niya at ginulo ang buhok niya.



"Nakikita ko kase 'yung mukha mo! Natatawa tuloy ako!" totoo 'yon. Or ganon lang talaga ako? Kaya ayokong umaarte kasi natatawa lang ako sa mukha ng nasa harap ko.



Ang ending? 29 takes for a single line.
Pangit naman kasi ang mga binibigay na role sa'kin at hindi bagay. Lola, nanay at kung ano pa kaya natatawa ako.



I hope I'll do well this time since maayos na ang role ko— yata.



"Captain Marvel naman! Please listen to me! I'm making effort here?!" frustrated na sigaw niya.



"Eto na nga oh, eto na!" inayos ko ang sarili ko at ang boses ko.



"Can you tell me what he looks like?" banggit ko sa line ni Psyche.



Nagchange position kami at umakto ako na parang natutulog pero bukas ang mga mata ko, noh! Magmumukha akong tanga dito kapag sinara ko ang mata ko.



Binanggit niya ang linya niya at turn ko na ulit. Pinigilan ko ang sarili kong matawa kahit nanginginig na ang boses ko.



"W-who... i-is... t-there— pfft." hindi ko na kinaya at natawa na naman ako sa mukha niya.



Napaface-palm siya bago bumuga ng hangin.



"You're hopeless." umirap siya.



Inaya niya ako na magpahinga muna sa gilid. Nandito kami sa Fearless Camp, isang park katabi ng Villain Street.



"What the hell came into your mind and joined contest like this?" biglang tanong niya nang makarating kami sa bench para d'on kumain.



Kung titingnan kami ay para kaming nasiraan ng ulo.



Gulo-gulo ang buhok ko dahil sa pagkamot pati rin ang kanya. Siya naman ay may dalang bow, mukha siyang cosplayer dahil d'on.



"Bakit din kasi nila 'ko naisipan pag-aralin? Eh Charma na nga ako. Parang ikaw, Cupid ka. Hindi na dapat tayo—ako nag-aaral." sabi ko at kumain ng fishball.



"Answer my question." masungit na sabi niya at dinedma ang sinabi ko.



Do I need to tell him my reason?



"Inassign ako ng leader namin sa roleplay na 'to."



"Okay, but what's the real reason?" hindi kumbinsadong tanong niya.



Napakamot ako sa ulo ko at medyo tumagilid ang labi ko.



"Ayoko kasing mapahiya kina Charlotte at Addi sa school. Ilang beses na nila 'kong pinahiya sa school." sabi ko.



Saving the Evil CupidWhere stories live. Discover now