03 STEC

16 10 11
                                    

Pabalik-balik akong naglalakad habang iniisip ang binigay na clue sa'kin ni Mister Guevada.



"Alternate. Bow and arrow. Chase?" ulit ko sa clue na binigay niya.



Of course there's bow and arrow, he's Cupid for effin' sake!



Kinalma ko ang sarili ko dahil umiinit nanaman ang ulo ko.



How about chase? Chaser?! Ugh.



Some may ask if nakakarma rin ang isang tulad ko. Heck no. This is already our— my karma dahil sa ginawa ko dati.



We are told what to do every fucking day! Wala kaming magawa dahil may gagawin sila na hindi namin gugustuhin— na ikakasakit niya.



Hinilot ko ang sentido ko at nag-isip ng paraan nang tumunog ang 'magical' watch ko.



Cupid is inside the Villain Street.



Napataas ang isang kilay ko. Mukhang ginawa niyang tambayan ang street na 'yon.



Tumayo ako at nagprepare para pumunta ulit doon.



Tahimik akong naglalakad at patago-tago pa sa gilid. Mahirap na, baka makita na naman niya ako at tumakbo.



"Diba siya 'yung babaeng tanga na nauntog sa poste?" pumintig ang tainga ko sa narinig kong bulungan.



Oh, I forgot to tell that I have sharp ears. Perks of being Charma.



Tiningnan ko ng masama ang dalawang babaeng 'yon pero hindi ko pinatulan dahil busy pa 'ko.



I need to focus on my mission. I have to. More than 50 na ang biktima niya in just 2 days!



May narinig akong sigaw kaya sinundan ko kung saan 'yon nanggaling.



There, I saw Cupid sitting on a window. Nakangisi na naman siya.



Dali-dali akong nagtago sa gilid nang mapatingin siya sa direksyon ko. He stared at my place for a minute before jumping off the window.


Patalon-talon siyang naglakad habang nasa likod ang bow niya. Patingin-tingin siya sa paligid— probably aiming for another victim.



Tahimik ko siyang sinundan. I can't approach him yet. I need a plan first.
Inibserbahan ko muna siya. Nakita kong itinaas niya ang bow and arrow niya tsaka pinatama sa isang middle age na babae.



Napangiwi ako nang makita kong mag-iba ang akto ng babae, nawala ang kalmadong mukha nito at napalitan ng pagkagalit.



Tumawa si Cupid at naghanap ng bagong biktima.



This time, lalaki naman ang pinuntirya niya. Then babae ulit. Wait— is this the first clue? Alternate gender ang pinapatamaan niya? Pero anong connect n'on?



I quickly hide when his gaze turned to me.



Shit— natapakan ko ang tuyong dahon! It made a sound.



Hindi naman siguro niya narinig 'yon, di ba? Mata ang matalas sa kaniya at hindi pandinig.



Binalik ko ang tingin kay Cupid at nataranta ako nang wala na siya d'on!



May sumipol sa likod ko. My eyes widened when I saw him behind me.



"I knew it, you're following me again. Tsk. Tsk." umirap pa siya at pinalobo ang bubble gum na nginunguya niya.



Saving the Evil CupidWhere stories live. Discover now