04 STEC

16 9 8
                                    

Nandito ulit ako sa paboritong lugar ni Cupid, Villain Street.



Same scenario lang ang nakikita ko. Cupid will shoot someone, that someone will disturb others like a zombie and a tanod chasing them.



I'm not here to observe pero para kunin ang bow ni cupid. Balak kong pindutin ang kung anong button na nandoon.



Nalingat lang ako saglit at napunta na naman siya sa likuran ko. That's good! Mas mapalit siya, mas madali makuha ang bow niya.



"You're here again, Captain Marvel." umirap siya.



Humalukipkip ako, "Does it matter?" tanong ko.



"Of course, you look like a creepy stalker." Sumandal siya sa pader at sandaling binitawan ang pana niya.
Napatitig ako doon at naisip ko ang plano ko.



I need to get that!



Pero kailangan ko muna siyang daldalin.



"Nauuhaw ka pala?" paligoy-ligoy na tanong ko.



"Malamang. Ikaw ba hindi?" umirap siya. Nang makita kong komportable na siyang nakasandal, I know this is the right time!



"Pahiram saglit nito!" kinuha ko ang pana niya. Naibuga niya ang iniinom niyang tubig.



"Hey, hey! What are you doing?!" kumunot ang noo niya at galit na inaagaw sa'kin ang pana.



Dali-dali kong pinindot 'yung button  at laking gulat ko nang walang mangyari.



Ano 'to display lang?!



Kinwelyuhan niya ako. I can see how angry he is.



"Are you dumb?!" galit na sigaw niya.



"Para namang may nangyari kung makapagreact ka! Napaka-OA mo naman." lintanya ko.



"Wow. Tingin mo wala?" bumuga siya ng hangin at tiningnan ako na parang ang tanga ko.



"Wala naman talaga ah!" umirap ako.
"See it for yourself." tumalikod siya at galit na kinuha ang bow niya.



Kakatapos ko lang maligo at nakatingin ako sa 'magic' watch ko. Wala talaga akong natatanggap na ibang mission habang nandito ako sa mission na 'to.



Dati kasi ay parang unlimited ang mission na natatanggap ko.



Dumarami ang makasalanang nilalang. Mga nagpapadala sa tukso at nagpapakain sa galit sa mga puso nila.



Binuksan ko ang cellphone ko.
Ordinary naman 'to tulad ng sa ibang tao.



I'm a student living a normal life— that's what other normal people think of me.



Tumunog ang cellphone ko at nagpop-up ang message ng kaklase ko. Sofia, our leader.



Sofia:
Anong gagawin natin?

Charlotte:
Oo nga, ano?

Luan:
Ewan.

Addi:
Ewan din.

Sofia:
Mga pabuhat naman kayo. C'mon guys, tatanggalin ko ang walang ambag. Hindi na tayo high school students. Share your ideas and cooperate.

Sofia:
🙄

Addi:
How about Eros and Psyche?

Luan:
I agree, tingin ko marami ang kukuha sa story nila Medusa at Persephone.

Saving the Evil CupidWhere stories live. Discover now