02 STEC

26 9 7
                                    

"Puta..."



Naiinis kong ginulo ang buhok ko.
Bakit ba hindi ko mahanap ang pesteng 'yon?!


Kanina pa 'ko paikot-ikot dito sa Villain Street. Mali ba ang sinend sa'king location ni Mister Guevada?!



I called him to make it clear.



Alas-singko palang ng umaga ay tumawag na siya sa'kin para sabihing tuloy ang misyon ko. Pinag-ayos niya ako at pinapunta rito!



Pero alas-dose na at wala akong mahanap na demonyong kupido!
I really am frustrated.



"Hello? Goodafternoon, Mister Guevada speaking. How can I help—" pinutol ko ang sinasabi niya.



"Goodafternoon-goodafternoon ka d'yan! Mind you, I've been here for many hours yet no cupid is showing up!" inis na sigaw ko sa 'magic' watch ko.



Tumawa siya sa kabilang linya na lalong nakapagpa-inis sa'kin.



"Of course he won't. Nahalata siguro niya na nand'yan ka." paliwanag niya.



"Paano niya naman malalaman na nandito ako?! Eh samantalang normal naman ang kilos at suot ko." umirap ako at umupo sa gilid dahil nangangawit nako sa pagkakatayo.



"He knows, he's one of us. Malamang ay nararamdaman ka niya." he said, "Duh." I knew his eyes rolled even though I can't see him.



"Can't you tell me where he is? Specifically." umasa ako na tutulungan niya ako.



Bumuntong hininga siya. "Sorry Charma, but this time, no helping. I told you already that I can't help or else..." tumigil siya dahil alam niyang alam ko na ang kasunod.



"Okay, okay. I understand. But a little clue, please?" I pleaded.



"Remember what I told you? Maybe this is it." pagbibigay niya ng pag-asa sa'kin.



He ended the call. Masama kong tiningnan ang relo. Just a few clue will do!



I recalled what he said to me. Ang sabi ni Mister Guevada, marami kaming Karma, I mean, marami ang nagiging Karma. At pang-apat na ako sa nagiging Karma. Our role only stops when we successfully did our mission. Napunta kami sa pwesto na 'to dahil sa kasalanan namin.



Sana hindi ko nalang ginawa 'yon.



Madami na 'kong naging mission at ilang beses na ring sinabi sa'kin ni Mister Guevada na baka ito na, matatapos na. But it didn't. So I stopped hoping. Maybe this is really my fate. To be Charma.



"Sabi nang ibalik mo ang bag ko!" natigil ako sa iniisip ko nang may sumigaw.



I looked around and— wait! Sino 'yung may hawak ng bow and arrow sa may bubong? He isn't toasted yet? Sa init ng araw ay paniguradong sobrang init ng bubong na 'yon.



I shrugged my thoughts off when I realized it's the devil.



Dali-dali akong tumakbo papunta sa tapat ng bubong na tinatapakan niya nang mapatingin siya sa akin at tumakbo rin.



Is this temple run in real life?!



Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang patuloy ko siyang hinahabol.



Ngumisi siya sa akin at tumigil. Naka full speed pa ang takbo ko kaya nahirapan akong tumigil.



Dire-diretso akong humampas sa puno. Natumba ako and the last thing I saw is Cupid, smirking and waving his bow before I lost consciousness.



Idinilat ko ang mata ko nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.



Napahawak ako roon at napadaing. Nandito ako sa office ni Mister Guevada.



"Drink this. It will heal you faster." rinig kong sabi ni Mister Guevada. May inabot siyang baso sa akin na naglalaman ng green na likido.



"Witch's Goreen?" tukoy ko sa likido bago ko ininom 'yon.



I sighed when I felt that the potion is slowly being effective. Nawawala na ang sakit ng ulo ko.



"Let me guess. You saw Cupid, right? But you got aggressive and wanted to catch him immediately that's why you ended up here." sabi niya habang nakatalikod at may inaayos sa lamesa niya.



Umirap ako, "Who wouldn't be? I've been there for so many hours and when he finally showed up, I messed up." I said.



"I've waited more than years for something and haven't complaint and then you're complaining because you waited for... hours?" makahulugan niya akong tiningnan.



Right.i don't know so much about him nor his past. Because it's forbidden. But I wonder, ano kaya ang past niya at bakit may sakit na laging nasa mata niya kahit nakangiti siya?



Natahimik ng ilang segundo bago siya nagsalita ulit.



"You should not act aggressively next time. You need a plan before chasing things." he said, pinapagalitan na naman ako.



"Okay, so how am I supposed to do it?" pinagtaasan ko siya ng kilay at nagpangalumbaba.



Napatingin siya sa akin at nang magbeautiful-eyes ako ay umiwas siya ng tingin.



"Do it your way. I can't help you, remember?" paalala niya at ngumisi ng kaunti. Ininom niya ang tinimpla niyang Milo sa lamesa.



"Should I seduce him?" I voiced out my thoughts.



Naibuga niya ang iniinom niya sa akin. I looked at him, disgusted.



"Napakababoy mo naman!" I commented and got out of the sofa.



"Nababaliw ka naba? You can think of other things. But not that! Do it the right way." he rolled his eyes and wiped his mouth.



"Then think for me." nginisian ko siya.



"I told you I can't—" pinutol ko ang sinasabi niya.



"Blah. Blah. Okay I guess I should just seduce him." I said and shrugged, teasing him.



Hindi siya nagsalita kaya nag-isip ako ng way para ma-uto siya at tulungan ako.



"What should I wear kaya? Lingerie? Or panty and bra? Or maybe with no clothes—" natigil ako nang magsalita siya.



"Aish! Fine! I'll give you a clue!" inirapan niya ako bago umupo sa lamesa at masamang tumingin sa akin.



Tumawa ako at napa-palakpak, "'Yan ang gusto kooo." hinabaan ko 'yon para lalo siyang mainis.



Hinagisan niya ako ng basahan para raw sa basa sa sahig dahil sa pagbuga niya. Magrereklamo pa sana ako na bakit ako pero baka bawiin niya ang sinabi niya.



Diring-diri kong nilagay sa banyo ang basahan. Disgusting!



Naghugas ako ng kamay bago lumabas. Umupo ako sa tapat niya bago siya inusisa.



"Now, what's the clue?" excited na tanong ko. Ngumi-ngisi dahil naisahan ko siya.



"Alternate. Bow and arrow. Tip. Chase."

---------------------------------------------------------------------------------------

Saving the Evil CupidWhere stories live. Discover now