Mela's POV
Pagkamulat ng aking mga mata, bumangon na ako at nag-inat inat sa may bintana. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita kong 7:00am na pala. Nakita ko ring tulog pa si Clark sa higaan niya. Haysss.... napahimbing rin siguro ang tulog kagabi tulad ko. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinapik siya para magising.
"Hoyyy Clark, gising na. 7am na. Dali!!! Para naman mapaaga yung pamamasyal natin sa buong rent house pati na rin sa bukid,"sabi ko kay Clark habang tinatapik ko siya sa kanyang braso.
Nakita ko namang dahan-dahan niyang inimumulat ang kanyang mga mata. Nang mabaling ang ang tingin niya sa'kin........
"Good morning, Clark! Hehehe... Tara ng mag-ayos ng ating mga sarili bago tayo pumunta sa may dinning area,"sabi ko sa kanya.
"Okay,"sagot niya habang nag-i-stretch ng kanyang katawan.
Dumiretso na lang ako sa may lababo para mag-toothbrush at maghilamos. Si Clark naman ay tapos na rin sa pag-totoothbrush at paghihilamos. Kinuha ko naman ang aking mga damit na isusuot ngayon pagkatapos kong maligo. Nang matapos ako maligo ay isinuot ko na ang aking mga damit at nagsuklay na nang aking buhok. Pagtingin ko sa gawi ni Clark ay bihis na rin pala! At naglalagay na ngayon ng gel sa kanyang buhok.
'Ang bilis naman nito kumilos.' Hindi naman kami pupunta kung saan ah. Hmmppppp! Ang arte talaga nito, rent house at bukid lang naman ang pupuntahan eh, naglagay pa nang gel. Haysssss bahala na nga siya.'
"Let's go downstairs, Mela,"pag-aaya sa'kin ni Clark.
"Okie,"sagot ko naman sa kanya.
Pagkabukas niya ng pinto eh nakita namin si Andrea.
"Good morning, Sir Clark at sa inyo rin po, Ma'am Mela,"nakangiting bati niya sa amin.
"Good morning rin sa'yo Andrea/Morning,"sabay naming bati ni Clark sa kanya.
'Infairness ah, bumati si Clark kahit papaano.'
Ngumiti naman siya sa amin.
"Tara na daw po sa dining area. Nakahanda na po ang umagahan,"sabi ni Andrea.
Sinarado ko na ang pinto at sumunod na kami ni Clark kay Andrea. Pagkarating sa may dining area ay sabay naming binati si Lola Gloria at Lolo Lorenzo.
'Owwww..... nadito pala si Michael. Akala ko eh sa hapon lang siya walang pasok. Siguro day off niya ngayon, maitanong nga mamaya.'
Binati na rin namin si Michael. Nagkaroon kami ng pang-umagang pananalangin at saka nagsimulang kumain.
"Ah, Michael. May itatanong sana ako sa'yo,"sabi ko kay Michael.
"Yes, you can ask me anything,"nakangiti niyang sagot sa akin.
"Day off mo ba ngayon?"tanong ko sa kanya.
"Oh yes naman, hehehe. Sorry di ko kasi nabanggit kagabi,"sabi niya sa akin.
"Ah, okay lang yun,"sabi ko.
Ngumiti na lang siya sa'kin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Kasama natin si Michael sa pamamasyal dito sa buong rent house at sa bukid. Ayos lang ba sa inyo iyun, Sir Clark, Ma'am Mela?"tanong ni Lola Gloria.
"Okay lang po,"sabay naming sagot ni Clark.
"Oh hala sige. Ipagpatuloy na natin ang pagkain para maipasyal na namin kayo,"saad naman ni Lolo Lorenzo at nakangiti kaming tumango ni Clark.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na si Andrea ng mga hugasin. Hinintay namin siyang matapos at sinimulan na ang pamamasyal dito sa rent house.
Dito sa first floor pagkapasok sa entrance door makikita ang living room, dining area, at kitchen. Sa pag-akyat namin papuntang second floor, kapansin-pansin ang hagdan na yari sa matitibay na kahoy at pininturahan ng kulay kayumanggi. Dito sa second floor makikita na ang ilang rooms na available, sa bandang kaliwa ay para sa pang-solo lamang at sa bandang kanan naman ay para sa pandalawahang tao lamang tulad namin ni Clark.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomanceSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...