Michael's POV
Hayssss grabe, ang bilis talaga ng panahon. Biruin nyo, 2 months na sila dito pati yung ibang costumers. Maraming moments ang nagawa namin sa loob ng 2 months na kasama sina lolo, lola, Clark, insan, at Mela katulad ng pagkekwentuhan, movie marathon, paggagala sa labas, pagkanta sa videoke, pagluluto, pamimili, pamamasyal sa mall, pagkain sa mga eatery, pagbisita sa bukid, paglalaro ng kung ano-ano, pagtatanim, pagse-serve sa mga new costumers, at higit sa lahat ang pagiging in love ng pogi at torpeng si Michael at Clark, HAHAHA!
2 months na kaming torpe ni Clark kina insan at Mela. Kailan kaya aamin si Clark kay insan? Ready to help naman ako eh, I'm sure na tutulong din si Mela MYLOVES. Sasabihin ko rin kina lolo at lola para mas masaya! Halata na nga nila yun eh, na in love si Clark kay insan. Eh ako kaya? Halata na rin? Baka nga, hahaha! Paniguradong matutuwa sila kapag umamin na si Clark! Hindi ko lang alam kung ano na ang nararamdaman ni insan kay Clark. Baka nga may gusto na rin yun kay Clark eh, todo deny lang kapag tinatanong ko. 'Nako, sinasabi ko sa'yo insan, 'wag kang manhid', iyan lang naman ang sinasabi ko kay insan noong 2 weeks na ang nakakalipas. For now, nagpapahinga kaming tatlo dito nina Mela at Clark dito sa living room. Busy ngayon si insan eh, tinutulungan nya sina lolo at lola sa pag-aasikaso sa mga new costumers. Nagfe-facebook lang naman si Mela MYLOVES at si Clark naman ay kanina pang malalim ang iniisip, halatang problemado. Maitanong na nga kay Mela at baka may maitutulong pa ako. Ako lang 'to, hahaha. Hindi pinapabayaan ang kaibigan na malungkot. Teka lang ah, edi ba mag-bestfriend sina Mela at Clark? Bakit kaya hindi tinatanong ni Mela si Clark kung anong problema nun? Baka naman naitanong na, hindi ko lang napansin. Hays eto na, kikilos na. Lumapit ako kay Mela at saka ko siya tinabihan. Mabuti na lang at medyo malayo ang pagitan namin ni Clark. Bubulong na lang ako para hindi niya marinig.
"Uy Mela."
"Oh bakit ka naman nabulong dyan?"
"Shhhh.... Bumulong ka na lang muna. Si Clark ang pag-uusapan natin ngayon eh, baka marinig pa tayo. Awkward naman kung iiwanan natin yan."
"Sige sige. Ano bang sasabihin mo?"
"Si Clark, kanina pa yan ganyan eh. Alam mo ba kung bakit?"
"Tinanong ko na yan kanina kung bakit yan ganyan. Ang isinasagot eh wala lang daw iyun. Tinanong ko ulit, nagbabasakali lang na baka sagutin niya, pero wala pa rin ang sagot eh. Alam kong may problema yan e. Ayaw lang sabihin. Kaya nga nandito rin ako e, baka sakaling mag-open sa atin."
"Ayan nga rin ang iniisip ko kanina eh. May problema nga yan, hindi lang sinasabi. Ano kaya sa tingin mo ang problema niya?"
"Eh baka gusto ng mag-confess kay Andrea, nahihiya lang o baka naman hindi alam kung paano niya sasabihin ng direkta."
"Hayst! Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Iyan nga siguro ang problema niyan. Matagal ko 'tong hinintay!!! Ano? Tara. Tanungin na natin sya para makasigurado."
"Hala,sige. Tara na."
"Clark, pare. May problema ka ba? Nandito lang kami ni Mela o, pwede mo namang sabihin sa'min e."
"Oo nga Clark, kanina pa namin napapansing ganyan. 'Wala lang' ang isinasagot mo sa'kin kahit alam kong meron. Sige na Clark please.... Tell us what's your problem now,"dagdag pa ni Mela.
Saglit siyang bumuntong-hininga at humarap sa amin.
"I know that you all knew na I'm in love with Andrea. I can't take this anymore. Ayokong magsekreto sa kanya. I have to confess my feelings for her before it is too late, but I don't know when can I start,"sagot ni Clark.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomansaSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...