Clark's POV
Hello guys! I'm in a good mood because I am in love with Andrea. And yes, of course, share ko lang yan, HAHAHA. Pagbigyan nyo na, minsan lang 'to mangyari. As usual, gagawin ko na ang aking daily routine: washing face, brushing teeth, and taking a bath.
Mela and I make sure na saktong 7am in the morning, bababa na kami sa dining area para kumain ng umagahan. I don't know kung ano na naman ang mangyayari ngayong araw na ito. Napangiti ako nang nakita ko si Andrea na naghahain na sa lamesa. Si Michael naman ay naglalagay ng tubig sa bawat baso. Sina lolo at lola ay nakaupo na. Binati namin silang lahat at binati rin naman nila kami pabalik.
Naupo na kami ni Mela at nagsimula ng magdasal. Si Andrea ngayon ang magle-lead ng morning prayer.
*sign of the cross
Mahal naming Panginoon, nagpapasalamat po kami sa araw na ito na kung saan ay patuloy nyo kaming binibigyan ng mga biyaya, at sa pagpapanatili namin dito sa mundo. Nawa po ay mapatawad mo po kami sa aming mga kasalanang nagagawa. Sana po ay muli mo po kaming gabayan sa aming paglalakbay patungo sa iyo Panginoon. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ng inyong anak na si Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen...
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara noong unang-una ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan. Amen...
*sign of the cross
Nang matapos ay nagsimula na kaming kumain.
"Oh mga iha at iho, kayo ba ay may gagawin sa araw na ito?"tanong ni lolo.
"Uhmm.... Kuya meron ba?"tanong ni Andrea kay Michael.
"Ahmmm wala naman insan. Lolo, wala po kaming gagawin ngayon,"sagot ni Michael.
"At saka dito lang po kami sa bahay,"dagdag ko.
"Hmm... Tutal naman ay wala kayong anumang gagawin ngayong araw na ito, ano kaya't samahan ninyo kami sa pagtatanim ng mga halaman sa likod-bahay?"sambit ni lolo.
"Wow! Talaga po? Sige po. Agree ako dyan!"excited na wika ni Michael.
"Payag rin po ako lolo,"sambit ko.
"Sige tara. Walang matitira dito sa loob ng bahay ah?"sabi ni Andrea.
"Syempre naman insan. Hindi pwedeng maiwanan ang gwapong Michael 'no?"sabi ni Michael.
"Iyan ka na naman kuya. Mas pogi pa nga si Clark kaysa sa'yo eh,"sabi ni Andrea.
'Owww.... Mas pogi raw ako o, sabi ng future girl ko.'
"Really?"gulat na tanong ko kay Andrea.
"Oo kaya. Di ba Mela?"
"Uhm. Of course naman,"sagot ni Mela.
"O sya, fine. You won this time Clark, pero hindi pa tayo tapos,"mayabang na sambit ni Michael.
"Whoaaaaa! Michael ah. Hindi yan bagay sa'yo,"sabi ko.
"Weh?"
"Oo nga naman kuya. Mas bagay sa'yo kapag nakangiti. Pogi ka naman talaga eh, pero may mas hihigit talaga sa'yo,"pagsang-ayon ni Andrea.
"Okay fine. Pinagtutulungan nyo naman ako e,"sabi ni Michael.
"HAHAHAHAHAHAHA!"tawa naming lahat.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomanceSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...