Andrea's POV
Helow ebrewan!
Masaya akong bumangon mula sa aking pagkakahiga upang gawin ang aking daily routine, ang pag-aayos ng aking kwarto at paglilinis ng aking sarili bago bumaba sa kusina. Sa mga nakalipas ng araw at linggo, nagiging mas sweet sa akin si Clark sa kanyang panliligaw sa akin. Akalain nyo nga naman mga bhe, ganoon pala magmahal ang isang Clark Anderson. Sa dating masungit at cold, naging mabait at sweet. Hindi ko rin inaakala na ako pala ang naging dahilan para mag-iba ang kanyang attitude. Isang buwan na ako nililigawan ni Clark kaya naman palagi siyang may mga surprises at gifts para sa akin. Napuno na yata ng mga regalo niya yung kwarto ko eh. May mga damit, pagkain, jewelries, sapatos, bulaklak, chocolates at kung ano-ano pa. Hindi rin mawawala ang palagi niyang panghaharana sa'kin which is yung favorite band pa ang kinakanta niya. Ang favorite band ko is Westlife, ang gaganda kaya ng mga songs nila. Sa part ng panliligaw ni Clark sa akin, hindi naman magpapatalo ang mga sweet moments naming dalawa kahit saan man kami pumunta, except sa kwarto ko ah? Naku iba na yun kapag umabot na sa kwarto ang ligawan. Ang mga sweet moments na sinasabi ko ay yung mga old and new routines naming dalawa tulad ng pagkakaroon ng date sa isang resto or eatery, halos na yata ng mga kainan dito sa Tiaong ay napuntahan na namin eh, paglalaro ng mga pambatang laro, hahaha, it sounds weird but sweet kung titingnan, kinukwento ko yung mga paborito kong laruin noong bata pa ako eh kaya naman naisipan niyang laruin namin yun isa-isa, nakakapunta din kami sa mall para mamasyal, kumain at manood sa sinehan, sabay lang kaming nagja-jogging tuwing umaga at tulungan kami sa pagluluto ng almusal, tanghalian o kaya naman ay sa hapunan, pagtatanim at paglilinis ng bakuran, pag-attend ng misa at marami pang iba. Sa ngayon ay pass muna kami ni Clark sa jogging, Thursday ang schedule namin eh para sa pahinga. So ayun, pwede na akong bumaba sa kusina para magluto ng almusal as usual, may isang taong naghihintay sa akin bumaba para tulungan ako sa pagluluto walang iba kundi si Clark. Tsaka pala mga bhe, nakapagdesisyon na ako kagabi na sasagutin ko na sya. Wala namang problema sa kanya eh. He's already perfect as my boyfriend. I'm sure na matutuwa siya kapag sinagot ko na ang pinakahihintay ng mga tao dito sa rent house na salita na walang iba kundi OO sinasagot ko na sya edi happy hahaha. Mamaya ko pa yun sasabihin para mas exciting.
Nag-greet kami sa isa't-isa at sinimulan na naming magluto. Siya na ang nagsangag at ako naman ang magpiprito ng itlog at tinapa. Para maiba naman ang ulam namin. Nag-suggest na rin ako sa kanya na magtitimpla ako ng pineapple flavored juice. Pagkatapos naming magluto ay naghain na kami ng sinangag at ulam sa ibabaw ng lamesa. Siya na ang nagprisinta na tumawag kina Mela, kuya, lolo at lola. Tulad ng nakagawian, bumabati kami sa isa't-isa at saka mauupo para simulan ang pagdarasal at kumain. Ang magle-lead naman ngayong morning prayer ay si lola. Pagkatapos ng pananalangin ay kumain na kaming lahat.
Habang kumakain, si kuya ay umaasta ng jowa ni Mela dahil sinusubuan pa niya ito. Grabe talaga si kuya eh, advance lang mag-isip. To be honest, masaya rin ako para sa kanilang dalawa dahil sila lang din pala ang para isa't-isa. Eh dati nga lang ay parang aso't pusa at ngayon? Eto, ang sweet na nila sa isa't-isa. Kami naman ni Clark ay nakikiepal sa kanila minsan kaya naman asar na asar si kuya at sesermunan pa kami whahahaha. Hindi naman yun nagpapatalo dahil ginagantihan niya kami ng kung ano-anong kalokohan ang maiisip niyang gawin sa aming dalawa.
"Uy kuya."
"Oh bakit insan?"
"Ang sweet nyo namang dalawa."
"Sus, matagal na'to insan. Ang Gwapong Michael lang ang malakas."
Yayabang na naman po ang aking magaling na pinsan mabara na nga lang 'to, hahaha.
"Sa ka-sweetan mo nga kuya nilalanggam na kayo dito o. Nadadamay na kami dito, ang sakit kaya mangagat."
"Ang ibig mo bang sabihin eh para akong si Jeydon? Kapag ang bad boy nagmahal, pati asin nilalanggam."
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomanceSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...