Andrea's POV
Natapos na kami ni kuya sa pagluluto ng mga pagkain na kakainin ng mga costumers namin para mamaya. Na-enjoy ko naman ang pagluluto dahil kasama ko si Michael. Masaya talaga yan kasama lalo na't lagi siyang nagpapatawa.
"Andrea!"tawag ni lolo sa'kin.
"Bakit ho lolo?"tanong ko naman sa kanya.
"Maayos naman ba ang paghahanda mo dyan iha?"tanong ni lolo.
"Opo lolo. Kamusta naman po yung kabuuan ng rent house?"tanong ko.
"Naayos na namin ng lola mo iyun. Oh Michael nandito ka pala. Gusto mo bang kumain muna dito bago ka umuwi?"bungad ni lolo kay kuya.
Pagkasabi naman ni lolo ay saktong dumating si lola galing sa 2nd floor.
"Naku Lorenzo, isabay na natin iyang si Michael kumain pagkadating ng ating mga costumers. Ayos lang ba iyun sa iyo iho?"singit naman ni lola.
"Hala, nakakahiya naman po kung makikisalo pa ako sa inyo kumain mamaya, may mga bisita po na darating eh,"sagot ni kuya.
"Naku iho, ayos lamang iyan. Huwag ka nang mahiya. Kami na ang bahala sa iyo,"sabi ni lola.
"Sigurado po ba kayo diyan, lola?"paninigurado ni kuya.
"Oo naman iho. Bueno Andrea, ihanda mo na ang mga pagkain sa lamesa at nang mapalamig ito kahit kaunti,"baling sa'kin ni lola.
"Masusunod po, lola,"sagot ko.
"Pwede po ba akong tumulong kay insan?"tanong ni kuya.
"Oh sige, kung iyan ang gusto mo,"sagot naman ni lolo.
"Insan, tutulungan na kita ah?"sabi naman ni kuya sa'kin.
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Sina lolo at lola naman ay nasa labas na upang hintayin ang mga bisita. Ilang minuto na lang din ang natitira at paparating na sila.
Hindi nagtagal at dumating na ang mga bisita sakay sa kanilang kotse. Sinalubong namin sila upang i-welcome sila dito sa rent house na tutuluyan nila. Isang lalaki at isang babae ang dumating, hindi kaya't magkasintahan sila? Inaya na ni lola ang mga bisita sa may dining area upang kumain at nagkusa na kaming kunin ang kaninang mga dala-dala para ilagay ito sa kanilang kwarto.
Tahimik kami ni Michael na bumaba ng sala at sakto namang inutusan ako ni lola na ipagsalin sila ng tubig. Sa pagsasalin ng tubig sa baso nung lalaki, pero.........paktay!
"Look lady! What have you done to my clothes! Lahat nabasa!"sigaw sa'kin ng lalaki.
Natapunan yung damit ng lalaki dahil napabigla ang pagsasalin ko at di ko namalayang napuno ito at umawas. Lagot na. Na-stock ako sa kinatatayuan ko at di ko malaman ang gagawin habang sina lolo, lola, at Michael ay dali-daling kumuha ng pamunas sa lamesa.
"Okay ka lang ba, Clark?? Ano ba naman kasi ang ginawa mo eh?!"bungad sa'kin nung katabi nyang babae.
"Naku sir, ma'am. Sorry po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya. Pasensya na po talaga,"paghingi ko nang paumanhin sa kanya.
Pinalayo ako ni lola ng bahagya at siya na ang kumausap sa kanila. Si lolo naman ay iiling-iling na tumingin sa'kin habang si Michael naman ay lumapit na sa'kin.
"Okay lang ba, insan?"tanong ni Michael.
"Okay lang ako kuya, pero paano na? Nakakahiya ang ginawa ko kay sir. Kahit kailan ay hindi ako nakagawa ng ganitong kahihiyan pero heto at ngayon pa nagkataon, taga-Maynila pa naman sila. Ano na lang ang sasabihin nila sa atin, lalo na kina lola?"kinakabahang sambit ko kay Michael.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomanceSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...