Andrea's POV
Good morning Saturday! Here we go now!
Inayos ko muna ang aking higaan at ginawa ang aking morning routine. Balak ko ngayong mag-jogging sa labas e.'Madali lang naman, mga isang oras ganern.'
Isinuot ko na ang aking t-shirt, jogging pants at rubber shoes. Pagkababa ko sa living room, halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Clark na nakaupo doon sa sofa.
"Hey Andrea. Good morning, hahaha. Gulat na gulat?"bungad ni Clark sa akin.
"Good morning din Clark. Hehehe kagulat ka naman eh."
"Hmmm..... Magja-jogging din ako eh. Pwede bang sumabay na'ko sa'yo?"
"Sige tara!"
Lumabas na kami at nagsimula ng mag-jogging. Of course, hindi lang jogging ang gagawin namin 'no. Kailangan din naming maglakad-lakad kapag napapagod na.
Habang nagja-jogging........
"Andrea"
"Hmm? Ano yon Clark?"
"I know that it is too late but I just to say sorry about what happened when we first arrived in the rent house while eating dinner."
"Naku Clark, okay lang yun Clark. Ako naman talaga yung kasalanan nun eh. Sorry ulit ha?"
"It's okay."
"Okieeee..... Kalimutan na natin yun, hahaha. Past is past na e."
"You're right. So how do you think about Michael and Mela?"
"Silang dalawa ng kuya ko? Okay lang naman sila ngayon. Actually, bagay nga sila e. Parehas pikon. Torpe lang talaga si kuya, ayaw pang umamin."
"Oh, I see.... Ano bang tipo mo sa isang lalaki?"
"Ang gusto ko sa lalaki eh kahit hindi ma-itsura ay may mabuting puso. Mabait, maginoo, at higit sa lahat faithful lang sa babaeng magugustuhan niya. May pagmamahal sa kanyang family at lalo na kay Lord."
"Ahh ganoon ba. Does anyone courted you?"
"Oo, hehehe. Ang dami nga nila eh kaya lang lang lagi ko silang nirereject. Highschool ako nun tapos hanggang college. Alam ko namang hindi ko kakayanin yung mga ganyang situation habang nag-aaral pa ako e kaya hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanila."
"Sa tingin mo, kailan ka magkakaroon ng boyfriend?"
"Hindi ko lang alam. Kung may magtatangkang manligaw sa akin, syempre papayag na ako dahil nakamit ko yung mga gusto ko. Naka-graduate, nakapagtrabaho, natulungan ko sina lolo at lola, nabili ko na yung mga gusto ko and one more thing ang hindi ko pa nakukuha. First love."
"Hmmm..... Okay then. Umupo muna tayo sa may bench."
"Okay."
'Nays! Good mood ngayon si Clark. Halatang in love ah?'
"Here, uminom ka muna ng tubig."
"Thank you."
"You're welcome."
Tinanggap ko naman ang tubig na binigay niya sa akin at saka ko ito ininom.
"Clark, hindi ka pa ba babalik sa rent house? Kailangan ko nang magluto e."
"Ahh great. Sasabay na ako sa'yo. Pwede bang tumulong sa pagluluto?"
"Oh sure!"
Maglalakad na sana ako ng bigla akong natalisod. Sinalo naman ako ni Clark at nagkatinginan kaming dalawa.
'Oh my.... My heart beats fast.'
10 seconds rin ang tagal ng eye contact naming dalawa. So weird. Bakit kakaiba ang feeling?
"Uhm.... T-Thank y-you, Clark."
'Shemssss bakit ka nauutal self?!'
"You're always welcome."
Ngumiti na lang ako bilang sagot sa kanya. Feeling ko namumula ako e.
'My ghad! Blush ba ang tawag doon? Pero bakit? Hayst! Tama na nga muna ang pag-iisip.'
Nagpatuloy na lang kami sa pagja-jogging at paglalakad pabalik ng bahay. Pagkabalik ng bahay ay nagpunta na kami sa aming kwarto para magpalit ng damit. Magkasabay na rin kaming bumaba sa kusina para magluto.
'Don't tell me, hinintay pa niya ako sa second floor? O my......'
Clark's POV
'Nays wan self!'
Mabuti na lang at nasalo ko siya kanina. Halata naman ang pagka-blush niya kanina pagkabalik namin dito sa bahay.
'So cutie lady.'
Pagkababa dito sa kusina, ako na ang naghanda ng mga pinggan, kutsara at tinidor, at mga baso, habang siya naman ay naghahanda na para magsaing at magluto. Tinola raw ang ulam namin ngayon. Hiniram ko ang libro niya sa pagluluto at binasa ang mga ingredients and procedures ng Tinola.
Sinunod lang naman namin ang procedures at natapos kami ng maayos. Ako na ang tumawag kina lolo at lola at siya naman ang tumawag kay Mela sa kwarto. Nagdasal muna kami bago kumain. Si Andrea na rin ang naghugas ng pinggan at syempre, tuloy-tuloy lang ang bonding naming dalawa.
BINABASA MO ANG
When Mr. Sungit Meets Probinsyana Girl
RomanceSi Clark ay isang mayamang lalaki na nakatira sa Manila. Mayroon siyang matalik na kaibigan na si Mela. Napagkasunduan nilang pumunta sa probinsya upang doon magbakasyon at magpahinga sa kani-kanilang trabaho habang ang kanilang mga magulang ay abal...